MARAMI ang pala-palagay hinggil sa pagpatay kay Andrés Bonifacio. Hindi nagka-kaisa ang lahat sa kanilang kuro at palagay ukol sa Mabini pagkapatay na yaon sa “Ama” ng Paghihimagsik. Nagkaka-salungat at nagka-kaibá. May nagsasabing tumpak at may nagsasabing hindi.

Si José Clemente Zulueta ang siyang umanó nagsabi, “Kailangan sa ikapagtatagumpay ng Paghihimagsik ang pagkapatay kay Bonifacio, ng mga panahong yaon...” At ang kilalang mananalaysay na si Epifanio de los Santos, sa kanyang isinulat ukol kay Bonifacio, na pinagkunan ng ilang mahalagang salaysay ng munting aklat na ito, ay wari’y nagpapakilala ng pagsang-ayon sa kuròng yaon ni Zulueta.

Subali’t si (Apolinario) Mabini, ang “Dakilang Lumpo,” ay kasalungat. Wika nitó sa kanyang talàang ukol sa Paghihimagsik:

“Sinuman ang sumuri,” ang wika ni Mabini, “ay walang matatagpuang bahagya mang katwiran na

    ANG  AKLAT  NI  ANDRES  BONIFACIO

Mabini: ‘Dapat Managot si Aguinaldo’

sukat magpa-gaan sa inasal na yaon ni Aguinaldo (kay Bonifacio). Si Andrés Bonifacio,” ang patuloy, “ay dî maipalalagay na may mababang kakayahan at dunong sa sino man sa mga nahalal sa pulong na yaon, (nuong ika-12 ng Marso, 1897) bagkús pa ngang nagpakita ng katalinuhan at kakayahang hindî karaniwan sa kanyang pagtatag ng Katipunan.

“Lahat ng mga manghahalal ay para-parang mga kaibigan ni Ginuong Emilio Aguinaldo at ni Ginuong Mariano Trias na nangagka-kaisá, samantalang si Bonifacio ay pinag-alinlanganan, bagama’t nagpakilala ng isáng malinis na kaugalian, dahil lamang sa siya’y hindi tagá-Kabite; iyan, ang sanhi ng kanyang hinanakit.

“Ganuon pa man, ang paghihinanakit na ito ni Bonifacio ay dî niya ipinakilala sa ano mang

marahas na pagtutol, at sa katunaya’y nang makita niyang sino ma’y dî nagsusumakit sa ikapagkakasundo nila, ay nagkasiya na lamang sa pag-alis sa lalawigan ng Kabite upáng tumungo sa San Mateo na kasama ang kanyang mga kapatid.

“Kung aalagatain na si Ginuong Aguinaldo na nahalal na pinuno, ay siyang kauna-unahang dapat managot sa dî paggalang at pagsunod sa Pangulo ng Katipunan na kanyang kinasasapian; kung gugunitain na ang pagkakasundo nilá ay siyang tumpak na lunas sa mahigpit at maselang katayùan ng Paghimagsik, ang sanhi ng pagkakapatay (kay Bonifacio), ay dî maaring ipalagay kundî isáng hangarin lubhang nakasisirang puri duon: sa ano’t paano man ang gayong kapaslangan ay siyáng kauuna-unahang tagumpay ng pag-iimbot laban sa tunay na pag-ibig sa bayan...”

‘Triunfo de la ambición personal’

Sa pag-alaalang baká hindî namin naisalin sa wikàng sarili ang tunay na kahulugan ng mga pangungusap ni Mabini, sipiin nating buông-buô ang kanyang sulat sa wikàng Castilà:

La critica no encuentra justificación ni siquiera atenuante para esta conducta del Sr. Aguinaldo. Andrés Bonifacio no era menos instruido que cualquiera de los elegidos en la reunión mencionada, y habia demostrado sagacidad no común organizando el Katipunan.

Todos los electores eran amigos de Don Emilio Aguinaldo y Don Mariano Trias que estaban unidos, mientras que Bonifacio era mirado con desconfianza, a pesar de haber demostrado un carácter íntegro, solamente porque no era de la provincia; asi se explica su resentimiento.

Sin embargo esto no se manifestó por ningún acto de violenta oposición, pues, viendo que nadie trabajaba por la reconciliación, se contentó con salir de la provincia para San Mateo en compañia de

sus hermanos.

Cuando se considera que el Sr. Aguinaldo, jefe elegido, habia sido el primer responsable de insubordinación al jefe del Katipunan a que pertenecia como miembro: cuando se reflexióna que la reconciliación era la única solución apropiada al estado critico de la revolución, el móvil del asesinato no puede atribuirse sino a sentimientos que altamente deshonran a aquel: de todos modos semejante crimen constituye el primer triunfo de la ambición personal contra el verdadero patriotismo...

Mabini

Pagkaraan ng mahigit 50 taon, sinulat ni Aguinaldo na ipinabitay niya si Bonifacio:

“Ito, ng matanto nina General Mariano Noriel, General Pio del Pilar, na mga Kagawad ng Consejo de Guerra ay dali daling tinawagan ang aking pansing at sinabing, ‘Kung ibig po ninyon magpatuloy ang kapanatagan ng ating Pamahalaan sa Paghihimagsik, at kung ibig ninyong mabuhay po tayo, ay inyo pong bawiin ang iginawad na indulto sa magkapatid na iyan.’ Dahil ditoy aking binawi at iniatas ko kay General Noriel na ipatupad ang kahatulan ng Consejo de Guerra, na barilin ang magkapatid, alang-alan sa kapakanan ng Bayan.”

E Aguinaldo
Kawit, Kabite, 22, Marso, 1948”

Nakaraang kabanata          Balik sa itaas          Lista ng mga kabanata          Tahanan ng mga Kasaysayan ng Pilipinas          Sunod na kabanata