Africa     PAGHANAP SA MGA UNANG PILIPINO:   Ang Mga Unang Tao

Talaan Ng Pagbabago, Mga Taón Sa Nakaraán
The Theory of Evolution: Timeline

Bawat galáw ng Tao ay mababakás, kahit bahagyâ, sa Hayop na pinagmulán natin... Tarsier
-- J. Bronowski, The Ascent of Man, 1973

25 milyón: Balót ng gubat ang lahát ng lupŕ. Umunlád ang mga hayop na may 4 ‘kamay,’ namuhay sa mga punong kahoy. Nagíng tsonggo ang ibá, nagkabuntót na kumakapit parang pang-5 ‘kamay’ at naka-takbó sa ibabaw ng mga sangá. ~ 24 milyón: Nagkaruón ng sari-saring mala-bakulaw, tinawag na pongi. ~ 23 milyón: Nagkaibá-ibá ang pangkatan (genera, genus) at kaurián (species) ng pongi, patí ang magiging ninunň ng mala-tao. ~ 20˝ milyón: Isinilang sa Uganda, Africa, ang ninunň ng mala-taong bakulaw, Morotopithecus bishopi - 4 piye (feet) ang tangkád (height), 50 kilo ang timbáng (weight), mabagal at pulós bungang kahoy ang kinain. ~ 20 milyón: Kalát na ang mala-taong bakulaw, Proconsul at Kenyapithecus sa Kenya, Africa; Ramapithecus at Sivapithecus sa India, Pakistan, China at sa Kenya ulî; at Rudapithecus at Dryopithecus sa Europe. ~ 16 milyón: Isáng kaurián (species) ng bakulaw sa silangang timog Asia ang nagsimuláng magíng Orangutan. ~ 15 milyón: Dahil sa patuloy na tag-tuyót (sequia, drought) sa Africa, iniwan ang naglalahong gubat ng pangkatan ng bakulaw, Equatorius, at namuhay sa lupŕ. ~ 14 milyón: Dumayo ang mga bakulaw ng Africa sa Europe at Asia. Umunlád muna bago naglahong lahát (extinct). ~ 10 milyón: Sa Africa, nagíng gorilla ang isáng bakulaw. Namatáy ang 27-kilong Ankarapithecus meteai, mala-taong bakulaw sa Turkey, pulós bungang Gorilla kahoy pa rin ang pagkain.
~ 7 milyón: Mala-tao (anthropus, hominid) na ang iláng bakulaw sa Africa. Nasa Djurab, disierto na ngayón sa Sahel, sa Chad, Africa, ang pinaka-matandâ, Sahelanthropus tchadensis. Toumai ang palayaw ng nakatuklás, ‘pag-asa sa buhay’ sa wikang Goran. Hindî alam kung isáng ninunň siyá ng tao.

6 milyón: Nagsimuláng magíng chimpanzee ang iláng mala-taong bakulaw sa Africa. ~ 5 milyón: Nagbalík ang nagiging chimpanzee at bonobo sa buhay gubat. Nanatilě sa lupŕ ang nagiging tao. Nagsimuláng maglahň ang ibáng bakulaw. ~ 4 milyón: Paunti-untî, at matagál, nakalakad nang nakatindíg ang mala-taong bakulaw at natutong gumamit ng kagamitán (tools). ~ 2˝ milyón: Humugis ng kagamitáng bató ang ‘Homo habilis,’ ang simulâ ng panahón ng Bató (Paleolithic, Stone Age), tinawag ding Oldowan. Nag-tuyot sa Africa sabay sa paglawak ng hielo (ice) sa Antartica, ang Orangutan dulong timog ng daigdig, at nagíng damuhan ang mga gubat. Bumilís ang paglahň ng ibáng mala-taong bakulaw. Nagíng ‘Homo robustus’ ang isá subalit naglahň rin. ~ 1ľ milyón: Agád nagkaibá-ibá ang mga nagiging tao, isá ay nagíng ‘Homo erectus,’ dumayo sa Europe at Asia. Kataasan ng tag-gináw (Ice Age), bumabaw ang dagat, nakabít ang Sumatra, Java at Bali sa kalawakang (mainland) Asia.

1˝ milyón: Dinalá ng Erectus ang paggamit ng apoy sa Europe at Asia. Namatáy sa Java ang ‘sanggol Mojokerto,’ at 3 Erectus din sa Dmanisi, Georgia. Naiwan din ang mga butó at kagamitáng bató sa silangang pampáng ng Black Sea, ang dagat sa Russia, at mga kagamitáng bató sa Nihewan, sa kanluran ng Beijing, China, at sa libís (valley) ng Cagayán, sa Pilipinas. Patuloy ang paglakí ng utak (cerebro, brain) ng mala-tao, napahusay ang Chimpanzees paghugis sa kagamitáng bató - ito ang simulâ ng Acheulean, ang Makabagong panahón ng Bató (Neolithic, New Stone Age). Namatáy sa tabí ng lawŕ (laguna, lake) ng Turkana sa Kenya ang binatilyóng ‘Homo ergaster,’ akalŕ ngayón ng ibá na isáng ninunň ng kasalukuyang tao. ~ 1 milyón: Dumatíng ulî ang Erectus sa silangang timog Asia, ang tinawag na Tao ng Java (Java Man). Sa Eritrea, Africa, namatáy ang isáng kalahating Erectus, kalahating kasalukuyang tao. ~ 840,000: Dumami ang mga halos-tao na dumayo sa Europe at Asia. Nakaratíng ang Erectus sa pulô ng Flores sa tabí ng Java.

670,000: Namatáy ang Erectus, ang tatawaging Tao ng Beijing (Peking Man), sa yungíb (cave) ng Longushan sa bundók ng Butóng Dragón (Dragon Bone Hill) malapit sa Beijing. ~ 600,000: Naglutň ang Tao ng Beijing sa Zhoukoudian, China, at kumain ng kapwa tao (cannibalism). ~ 500,000: Namatáy sa Heidelberg, Germany, ang Homo heidelbergensis, akalŕ ng ibá na ninunň ng kasalukuyang tao. ~ 400,000: Namatáy sa Petralona, Greece, ang isáng kasalukuyang tao, at sa China, isá sa mga hulíng Erectus (unang natuklás at tinawag na Tao ng Beijing). ~ 300,000: Nakapag-salitá ang tao, patí ang Neandertal. Nagsimulâ ang paglahň ng Erectus, ang pagdami ng kasalukuyang tao (Homo sapiens) at ang panahón ng Neandertal sa Europe at Middle East. ~ 250,000: Tumigil ang paglakí ng utak ng tao. Nabuô ang mga wikŕ (languages). ~ 200,000: Namatáy si ‘EvaSolo Man (mitochondrial Eve) sa Africa, ang akalŕ ng ibá na iná ng kasalukuyang tao. ~ 150,000: Maraming kasalukuyang tao ang umalís sa Africa, nakaratíng sa Australia. ~ 120,000: Kumain ng kapwa tao ang Neandertal sa yungíb ng Moula-Guercy, sa France. Nag-baranggáy ang tao sa Chiang Saen, Thailand.

100,000: Sinimulán ng Neandertal na ilibíng ang kaniláng patáy. Natatág ang paggawaan (workshop) ng kagamitáng bató sa Gaojia, sa pampáng ng ilog Yangtze sa China. Naiwan sa Nueva Ecija, sa Pilipinas, ang mga makabagong kagamitáng batóng Acheulean. ~ 95,000: Nakaratíng sa Flores ang mga Bulilit (Homo floresiensis, ‘Hobbits’) ~ 76,000: Sa Africa, tumalím ang pag-iisip ng tao (symbolic thinking), unang paggawâ ng alahas, mga kuwintas ng maník (collar de abalorios, bead necklaces). Sumabog ang bulkán ng Toba sa Sumatra. Nasalantâ ang buóng daigdig, umuntî ang mga tao. ~ 67,000: Mulâ Africa, lumikas ang mga tao sa India at silangang timog Asia, nagíng Orang Asli (‘Unang Tao’ sa wikang Malay) ang ibá. ~ 55,000: Lumikas ang mga taga-Indonesia at timog China hanggáng Papua New Guinea, sa bandá ng Australia. Namatáy ang Erectus sa ilog Solo sa Ngandong, Java. Nagsimulâ ang pagtaním at pag-alagŕ ng hayop sa Afghanistan. Libing ~ 42,000: Simulâ ng 4 pagbabaw at paglalim ng dagat dahil sa tag-gináw (Ice Ages). Tuwíng babaw, tumuláy ang mga taga-Asia sa America, hanggáng Mexico. ~ 35,000: Simulâ ng  pag-alay sa patáy (burial offerings), pagkatháng-isip (invencion, creative thinking) at pagsukat sa panahón (calendarios, time passage). Nag-baranggáy na sa Maluku (Moluccas, spice islands). Nakaratíng ang tao sa Chile, sa South America. ~ 30,000: Natatág ang mga taga-silangang Russia, ang Ainu, bilang unang tao sa Japan. Natatág sa Europe ang Cro-Magnon subalit naglahň rin pagtagál. ~ 26,000: Inukit ang hugis ng tao sa ipin (ivory carving) ng mammoth, dambuhalang elefante, sa Brno, Czechoslovakia, sa Europe. ~ 25,000: May Erectus pa sa Indonesia.
~ 24,000: Nagsimulâ ang pang-4 at hulíng tag-gináw (Ice Age). Umurong ang mga taga-Europe sa Iberia (Espańa at Portugal), Yugoslavia at Ukraine. Sa Palawan, Pilipinas, namatáy ang Tao ng Tabon (Tabon Man).

Nakaraáng kabanatŕ                   Ulitin mulâ sa itaas                   Lista ng mga kabanatŕ                   Mga Kasaysayan Ng P’NAS                   Sunód na kabanatŕ