Ika-10 kabanata: ANG 3 MARTIRES NA ‘GomBurZa

Ang Tunay Na Buhay Ni Padre José Burgós
at ng mga nakasama niya na sina
Padre Jacinto Zamora, Padre Mariano Gómez at ang nadayang Miguel Zaldua

sinulat ni HONORIO LÓPEZ

Aklat

Hindi naglingat, nang nagkahiwalay
itong mga fraile na aking sinaysay,
mabuting paraan mapapatay lamang
ang naging katotong kinagagalitan.

Kaya ang naisip nitong si Fray Gómez,
si Miguel Zaldua at ang kasing ibig,
kusang hinikayat na sulsulang pilit
sa Arsenal tanang jornalerong tikís.

Sakaling silang tanang tumutol na kagyat
sa upahang dati kung hindi itaas
siya ang bahala, kusang magliligtas
kung ito’y umabot sa di hinahagap.
 

[1] Agustin Mendoza, cura sa Sta. Cruz, Maynila
[2] mga pari: Miguel Lasa, Mariano Sevilla, Pedro Dandan, Vicente del Rosario, José Guevara, Jacinto Zamora at Anacleto Desiderio
[3] mga castilang obispo
[4] José Bonifacio Roxas, alcalde sa Ayuntamiento
[5] Antonio Regidor
[6] Ramón Ramirez; [7] Ramón González Calderón, concejero sa administración
[8] José Gabriel González Esquivel, alcalde sa Ayuntamiento
[9] Javier Tiscar, castila
[10] José de la Rosa
[11] Col. Juan Antonio Acuelle, amain ni Burgos
[12] Gimeno Agustin, intendente de hacienda.

Nakaraang kabanata         Sunod na kabanata

SAPAKATANG FRAILES

At gayon din naman ang Katagalugan,
kusang natatangi’t may ingat na yaman,
nagkaroón ng wagás bunying katungkulan
sa lahat ng poók ng sangkapuluan.

Saka kanyang sinunod na inusig
ang pagku-cura ng fraileng balawís
na sa bayang Tagalog, sila’y mapa-alis
at pawang clérigo ang siyang makapalit.

Dito pinasunod, utos sa ‘Concilio
ni Trento
’ ang tawag at biling tutuo
marapat na sundin ng simbahan dito,
ng mga castila sa silanganang dako.

At sinabi pa niya, ipinag-matigás
sa lahat ng fraile, kung ang kanyang hangad
ay hindi susundin, araw’y di lilipas
sila’y pasasakop sa Inglés na kagyat.

Kaya ang nangyari, lumagdá pagkuwan
ng isang ‘escrito’t’ inihaing tunay
sa Ministrong hayág ng bunying Ultramar
sa Reinong Espańa na kabalitaan.

Nguni’t bago ito, ipinadalang lubós
kay Izquierdo, general na bantóg,
ang nuhang sangguni bilang pahintulot
nang huwag masinsay sa katwirang puspos.

Ang escritong ito’y pina-ayunan niya
at pinapirmahan bago ipinadala
kina Padre Mendoza [1] Lasa at Sevilla
Danda’t del Rosario Guevara’t Zamora.

Napisan pa rin sina Desiderio, [2]
Hilario del Pilar, Gainsa’t Gimeno [3]
Roxas, [4] Regidor, [5] Ramirez [6] parito
Calderó’t [7] Esquivel [8] iba pang totoo.

Gaya ni Tisca [9] at ni dela Rosa [10]
Acuelle [11] at Agustin [12] pawang nagsipirma
sa escritong yaon, kusang pinadala
sa Corte ng Madrid nang karaka-raka.

Parang naligalig fraileng kalahatan
sa mga nangyaring ito na kaisipan
nitong Burgos natin, kaya silang tanan
ang kanilang galit nga ay sinilaban.

Dito na isinumpá, nag-isip nang kagyat
na paghigantihán, kaya silang lahat
kusang nagpupulong halos oras-oras
kung anong magaling, nang ito’y maampat.

Lalong-lalo na mga fraileng Recoleto
at ang Dominico, sila’y gulóng-guló
dito sa nangyaring hindi mamagkano
kaya sila ang tunay na mausig dito.

Nuong minsang sila ay mag-junta
prior sa convento ng Recoletos baga
sa bayan, Tanguay ang ngalang dala,
Si Fray Mariano Gómez duon nakasama.

At gayon naman ang castilang uldog Fray
Antonio Rufian, órden San Juan de Dios,
ay nakasama rin at silang tibobos
nangakong maghihiganti kay Burgos.

Sa pangakong ito, dito nagalak
ang lahat ng fraileng may galit na ingat
kay Dr. José at maipapahamak
ng dalawang ito na kapwa uslak.

Ang pinagkunan:   Hinango at isinalin mula sa maka-lumang Tagalog ni Honorio Lopez sa original website na
Ang Tunay na Buhay ni P. Dr. Jose Burgos, by Honorio Lopez, Project Gutenberg EBook, www.gutenberg.net/1/3/2/3/13233/
Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad and PG Distributed Proofreaders. Produced from page scans provided by University of Michigan.

Mga Hindi Karaniwang Pilipino             Mga Aklasan Ng Charismatic Pinoys             Mga Kasaysayan Ng Pilipinas             Lista ng mga kabanata