Humunu.

NAGING matalik naming kaibigan ang mga mangingisda, at itinuro nila sa amin ang maraming salita sa kanilang wika at ang pangalan ng mga pulo sa paligid. Ang kanilang pulo ay tinawag nilang Zzuluan (Suluan), at ito ay hindi gaanong malaki. Tuwang-tuwa kami sa kanila sapagkat masayahin sila, at madaldal (conversable).

Pinarangalan sila ng capitan nang makitang masiyahin sila, at ipinasyal sa mga barko at ipinakita ang mga ari-arian at kalakal namin duon, mga sili, kiandi (clovas, cloves), kayumanis (canela, cinnamon), paminta, walnut, nutmeg, luya (ginger), nutmeg, mace at ginto. Pinaputok pa ang ilang cañon ng barko, at nasindak naman ang mga tagapulo at muntik nang magtalunan sa dagat mula sa barko.

Sa senyas, ipinahiwatig ng mga tagaroon na ang mga panghalo at pampalasa (spices) sa pagkain na nakita nilang iniimbak naming pangkalakal ay tumutubo sa mga lupang pinupuntahan nila. Nang nais na nilang umuwi, nagpaalam sila sa capitan at sa aming lahat, at nangakong dadalaw sila uli.

Ang pulo na hinimpilan namin ay tinawag na Humunu (Homonhon, sa kanluran, west, ng Suluan). Ngunit nakatuklas kami ng 2 sapa ng malinaw na tubig kaya tinawag naming Aquade o ang ‘tubig ng magandang pahiwatig.’ Nakita namin duon ang mga bakas-bakas ng ginto, marami ring puting coral, at matatayog na punong-kahoy na namumunga ng parang almond at hawig ito sa puno ng pino (pine tree).

Marami ring puno ng niyog (palmito, coconut), Homonhon

Pigafetta Ferdinand Magellan

FERDINAND MAGELLAN’S VOYAGE:   Ang Unang Pag-ikot sa Mondo

Ang Unang Español Na Dumayo Sa Pilipinas

Primo viaggio intorno al mondo
ni Antonio Pigafetta

Humunu

may nagbubunga, may hindi. Maraming kalapit na mga pulo kaya pinangalanan naming Kapuluan ni San Lazaro (archipelago of Saint Lazarus) dahil Linggo niya nang unang makita namin ang mga pulo. Ito ay nasa ika-10 guhit pahilaga at 160 guhit pahaba (160 degrees longitude) mula sa Pinaghatian (line of demarcation).

Ang mga tagarito ay nagbalik gaya ng pangako nila nuong Viernes, Marso 22, 1521, bandang tanghali, sakay sa 2 bangka na puno ng mga buko at niyog (cochi), dalanghita (naranjita, oranges), isang banga (jar) ng uraca (palm wine, tuba), at isang lalaking manok (tandang, rooster) upang patunayan na may mga manok dito. At nakipagpalitan kami sa lahat ng dala-dala nila.

Ang pinuno ng mga tagapulo ay matanda na, at may pintura siya sa mukha (pintado) at may mga hikaw (schiones, earrings) na ginto na nakalaylay sa kanyang tenga. Ang mga kasama niya ay may suot ding mga ginto, mga singsing at porselas sa bisig at braso (bracelets, armlets) at may tela na nakatali sa ibabaw ng kanilang ulo (putong).

Walong araw kaming tumigil sa Humunu, araw-araw dinalaw (visita) ng capitan ang mga maysakit na pinapagaling namin. At araw-araw, pinainom niya ng tubig ng buko at naginhawahan ang mga maysakit.

Sa katabing pulo, ang mga tao ay may malalaking butas sa kuntil ng tenga (pierced earlobes), kasing taba ng bisig (braza) ang laki ng mga butas. Ang mga tao ay mga caphri (tawag ng Español at Portuguese sa mga indio na hindi Muslim, mula sa mga Kaffir sa India). Sila ay mga hindi binyagan (heathen) at sila ay hubad-hubad maliban sa bahag na gawa sa talukap ng punong-kahoy (tree bark) bagama’t may ilan na may bahag na telang hawi sa bulak (cotton cloth) na may palamuting sinulid ng sutla (seda, silk embroidery) na tinahi ng karayom (bordado).

Ang mga tagarito ay kayumanggi, mataba at pintado at pinapahiran nila ang buong katawan ng langis ng niyog at iba pang buko upang hindi masunog sa sikat ng araw at hindi ginawin sa ihip ng hangin. Itim at mahaba, hanggang baywang, ang kanilang buhok, at laging may sukbit na balaraw o panaksak (cuchillos, knives) at dala-dala ang mga sibat na may palamuting ginto. At pabangka-bangka sila tulad namin.

Muntik malunod si Pigafetta.

Nuong Lunes ng mga mahal na araw (holy week), Marso 25, kapistahan ng Virjen (Feast of Our Lady), nahulog ako sa dagat at muntik nang malunod. Naghahanda kami nuong hapon na umalis na at umakyat ako sa taas ng barko upang mamingwit ng isda at nang tumuntong ako sa isang saklay ng layag, dumulas ang zapatos ko dahil kauulan lamang at basa ang kahoy.

Walang nakakita nang bumagsak ako sa dagat at halos nalulunod na, mabuti na lamang at nahawakan ko sa kaliwa ang paanan ng layag na nakasayad sa tubig. Kumapit ako duon at nagsisigaw hanggang may nakarinig sa akin at sinagip ako sa isang bangka. Naligtas ako, hindi sa sarili kong gawa, kundi sa awa ng Dios.

Umalis kami nuong araw na iyon, at naglayag sa pagitan ng kanluran at kanlurang timog (west southwest), at dinaanan namin ang 4 na maliliit na pulo, ang Cenalo (Dinagat), Hinnangar (Kabugan), Ibusson (Hibuson) at Abarien (Cabalian, mga pulo sa lusutan ng Surigao, Surigao Strait).

Nakaraang kabanata       Ulitin mula itaas       Tahanan ng mga kasaysayan       Lista ng mga kabanata       Susunod na kabanata