4/05/06
FROM A HISTORICAL PERSPECTIVE, WHAT NEEDS TO BE DONE IN ORDER TO HELP THE PHILIPPINES AND THE FILIPINO ACHIEVE TRUE PROGRESS AND DEVELOPMENT?

sir,
may i get your opinion/answer on this question. it would be a big help if you would share your knowledge and insights about this topic. i need it asap. thank you very much. your site is really helpful to a student like me. God speed.

Francis

forgive me, francis, for the delay answering your letter, although it still would have been late even had i rushed. the topic, i assume it’s a class report, is simply too long and “heavy” for a quick reply, certainly not in an email. it took 3 chapters of PINAS: Munting Kasaysayan ng Pira-pirasong Lupa just to outline the topic. The chapters are Ilan Ang Kakain?, Tagapagmana Ng Kahirapan at Sa Susunod Na Angaw, all in this website.

these chapters are by no means the complete answer to your question, not even

EMAIL:  Mga Tanong at Kuro ng mga Bumasa
<== Nakaraan           1   2   3   4   5   6   7   8   9   10   11   12   13           Susunod ==>

05/09/06

Ginoong E.J. Laput,
Maraming - maraming salamat sa iyo!

E. F. Monje

walang anuman, e.f.! galak akong nakadulot ng kung anumang tulong, aliw o ginhawa ang aking website sa inyo. salamat sa email!
ernesto

close. frankly, just one aspect - the size of the philippines’ population - would take several books and still provide no satisfactory insight into the larger question of national progress. but these chapters should serve as a starting point.

i wish you luck on your project. thanks for the email!
ernesto

05/14/06                 Hiling Na Karagdagang Pilas

Ginoo:
Maraming salamat sa inyong napakahalaga at matalinong paglalarawan ng kasaysayan ng Pilipinas. Isa itong mahalagang website na kalulugdan ng mga kabataan at maging ng mga katandaan sa ating lipunan na matagal nang naghahanap ng ganitong klase ng website, na higit na makapagtuturo at makakapagbibigay ng impormasyon sa ating mga kababayan.

Nais ko po lamang humiling na sana ay magkaroon kayo ng pilas ng

Kasaysayan ng Pelikulang Pilipino, sapagkat ito’y isa ring mahalagang bahagi ng ating kasaysayan, na naghubog sa atin bilang isang mamamayan.

Nawa’y magpatuloy ang inyong magandang simulain. Mabuhay po kayo!

Jimi

salamat, jimi, sa iyong papuri. maganda ang iyong mungkahi. sisimulan ko ang isa pang aklat, kasaysayan ng pelikulang pilipino, at isasampa kapag daka’t natapos, bagaman at hinala ko’y matagal bago mangyari. salamat uli, jimi!
ernesto

5/30/2006  

Tanong lang po, nagkaroon po ba ng pangyayari noong sinakop ng Britanya ang Maynila tungkol sa pagwasak at pagtatapon ng katolikong imahe ng mga santo sa Manila Bay? kaugnay lang po ito ng theory na bka ito ay isang posibleng panggalingan ng Birhen ng Salambao na nakuha ng magkapatid na Juan at Julian at ngayon ay isa na po s tatlong patron ng Obando. Sana matulungan po ninyo ako. Kung meron pa po sana kayong iba pang impormasyon hingil sa nabanggit kong paksa ay malugod ko pong tatanggapin.

Maraming salamat po! More power to your site....

Ersan Resurreccion
President, Philippine Association of Food Technologists - Alpha Chapter
College of Home Economics, University of the Philippines
Diliman, Quezon City

06/01/06
Kamusta, Ersan! nawa’y masagana ang iyong lagay. Patawad, Ersan, wala akong alam tungkol sa iyong tanong, maliban sa paratang ng mga frayleng Español nuong 1762 na nilapastangan ng mga British ang ilang simbahan at conventos sa Manila. Batay sa mga nabasa ko, talagang muhi ang British nuon sa catholico. Naulat ang maraming pagsalanta sa mga simbahan nuong mga digmaan nila sa Europe mahigit 300 taon pa bago nasakop ang Manila.

Ang malamang naganap, ninakawan at winasak ng mga sundalo ang mga simbahan at conventos - karaniwang pangyayari sa digmaan. Hindi inutos ng mga pinuno ng British army subalit malamang hindi sinuway ang mga nag-looting.

Karaniwan din nuong panahon ng Español, laging kasali ang mga Pinoy sa looting. (Masakit aminin, pero tutuo, ugali na ito ng mga Pinoy mula pa nuong bago dumating ang mga Español.)

Paumanhin, Ersan, at hindi kita natulungan. Harinawa makatagpo ng mas mainam na website. Susulatan kita sakaling makakita ako ng anuman tungkol sa Birhen ng Salambao. Sulatan mo rin ako kung makatuklas ka. Salamat sa iyong email !
Ernesto J. Laput

06/15/06
What a great website. Very informative. I sent your link to Our family and Making sure our little ones Read every page of your website. Thank you so much. mabuhay

06/15/06
Hi Again. I was wondering if you can Include some information regarding Mga bayani po natin. And I do remember when I was young Each bayani have a particular name After them…. Thanks

06/15/06
thanks for the compliment! glad you found favor with my website. heros and heroines are in “bayani: mga hindi karaniwang pilipino” (http://www.elaput.org/bayani.htm) in the same website. there are some more heros & heroines of the struggle against spanish rule in “aklasan ng charismatic pinoys” (http://www.elaput.org/chrmidex.htm). hope these help. thanks again for the email!

06/19/06                 pinagmulan ng pilipinas

good eve po, gusto ko po snang humingi ng copy ng pinagmulan ng pilipinas, assignment lang po ito ng anak ko d2 sa batangas city. sana po eh ma2lungan nyo ako sa bagay na ito. salamat po...
warren...

06/19/06
magandang araw, warren!

may piraso ng pinagmulan ng p’nas sa http://www.elaput.com/pinslupa.htm
tapos, sa 3 kabanatang sumunod duon, nakalahad kung saan nanggaling ang mga unang tao sa p’nas. mayruon din tungkol sa mga unang p’noys simula sa http://www.elaput.com/tabn01.htm
may piraso din tungkol sa lakbayan ng mga unang p’noys sa http://www.elaput.com/mail01.htm

sana’y makatulong ito sa iyong anak. salamat sa iyong email, sumulat sana uli kung may iba pang tanong.
ernesto

28 Jun 2006

Sir,
I would like to ask you some questions and this has something to do about the assignment of my son.
1. Sino-sino ang mga Antropologo, Heologo, Arkeologo at mga mananaysay na may teorya tungkol sa pinagmulan ng ating lahi?
2. Ilang bahagdan ng dugo ang nananalaytay sa ating ugat mula sa mga sumusunod:
        a. Malay
        b. Indonesia
        c. Negrito
        d. Hindu
        e. Amerikano/Europeo
        f. Instik
        g. Arabe

Thanks.

06/28/06
Magandang araw sa inyo! Salamat sa inyong email.

Some of the answers to your questions are in http://www.elaput.com/pinsutao.htm
at sa sunod na kabanata, http://www.elaput.com/pinsinob.htm     Mayruon din sa http://www.elaput.com/tabn02.htm     at sa mga sunod na webpages. Tungkol sa dugong Intsik, nasa http://www.elaput.com/ntsk01.htm at mga sunod na kabanata kung paano nagkaruon ang isa sa bawat 4 Pilipino (tantiya pa ng iba, isa sa bawat 3).

Palinaw lamang po, at nabanggit ninyo ang “lahi” - laos at hindi na gamit ito sa agham (science). Tinuturing ngayong cultural construct o nakagawian ang “race” at walang kabuluhan sa kaalaman. Ang gamit ngayon ay geographical origin o pinagmulang kapuokan (region). O, sa mga dalubhasa, ang genetic makeup (ang so-called DNA) na

06/22/06
Maari po ba kayong maglabas tungkol sa totoong buhay ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal

06/28/06
Maraming ulat sa website ni Professor Daniel Anciano ng Cavite State University sa http://www.geocities.com/cavitesu/rizpage.htm         Mayruon ding naka-paksa sa Wikipedia: http://tl.wikipedia.org/wiki/Jose_Rizal     Nakasulat naman sa Tagalog ang pinagmulan ng familia ni Rizal sa http://www.elaput.com/ntsk18.htm
Salamat sa email mo!

too intricate at college level na.

Pang-2 paliwanag: Ang Malay at Indonesian ay pagtanging political at walang pakialam sa “dugo” (o “lahi”) sapagkat ang Pilipino, Malay at Indonesian ay iisang tao - walang difference, tulad ng Ilocano sa Visaya or even Joloans and Basilans - except nahiwa-hiwalay sa kanya-kanyang bayan at pamahalaan. May panukala pa, sinisiyasat ngayon ng mga archaeologist, na baka kabilang din ang mga taga-Thailand, Vietnam at Cambodia.

Pang-3 butil: Katiting ang bahagi ng Arabe sa Pilipino. Halos lahat ng pahayag ng Muslim ng pagdanak ng mga taga-Arabia upang palawakin ang Islam ay walang katibayan. Katunayan, hayag ngayon na bihira ang Arabe, kung mayruon man, na nakarating sa Pilipinas nuong nakaraan, kesyo nagkalakal o nagturo ng Islam. Mga taga-Malaysia, Indonesia at Borneo ang nagpalawak sa Pilipinas ng Islam, hindi Arabe.

And the great irony is, Islam was introduced and spread sa Indonesia by Chinese Muslims, not Arabs who, historically, traded only as far as India. Kaunti lamang ang nag-bother to sail to Palembang to trade. And certainly, none of them came to preach religion. Isa pa, ang gawi ng Arabe sa pagpalawak ng Islam was to conquer the land. Just like they did sa Middle East, Africa and Europe. At tulad sa ginawa sa Pilipinas ng mga Español for Christianity naman.

Sana’y makatulong ito sa pag-aaral ng inyong anak. Salamat po at sumulat sana uli!

29 Jun 2006

hi poh! mabuhay poh kayo. ako poh pala si ARMSON. nais ko pong magtanong kun saan nagmula ang caraga o ano bang kasaysayan nito. nais ko rin pong magtanong kung saang bansa po unang nakasakop ang pilipinas.

06/29/06
patawad, Armson, ang alam ko lamang na caraga ay ang kabayanan (town) sa davao oriental. dati, nuong unang pasok ng mga español, ang unang sumakop sa pilipinas mula nuong 1565, caraga ang tawag sa buong silangang gilid (east coast) ng mindanao, dahil duon nakatira ang mga mandirigmang tumawag sa mga sarili na “caraga” o “magilas na tao.”

hinirang nilang tangi ang kanilang “lahi” subalit paniwala ngayon na galing sila sa visaya at nahaluan ng mga bagobo at mandaya pagkalipat sa mindanao. may pirasong ulat tungkol sa kanila si francisco combes, ang frayleng jesuit nuong unang panahon,

06/30/06

ano po ba ang kumintang at kinnoton? salamat po

07/18/06
may dating puok sa batangas na tinawag na kumintang. ito rin ang pangalan ng uri ng awit, masaya o religioso, na pinagmulan ng “kundiman,” ang mga awit ng harana at pag-ibig. ito rin ang tawag sa galaw o sayaw, pag-ikot ng kamay mula sa pulso (wrist) tulad sa hula-hula ng hawaii, at pag-ikot ng hawak na kampilan o bakawan ng mga mandirigma. ang awit at galaw ay mula sa java, indonesia.

patawad, wala akong alam ukol sa “kinnoton.” salamat sa iyong liham!

sa http://www.elaput.com/comb03.htm

sorry kung hindi kita natulungan. sumulat ka sana uli!

Balik sa nakaraan             Ulitin mula sa itaas             Mag-email ng tanong at kuru-kuro             Mga Kasaysayan ng Pilipinas             Ipagpatuloy sa susunod