EMAIL:  Mga Tanong at Kuro ng mga Bumasa
<== Nakaraan     1   2   3   4   5   6   7   8   9   10   11   12   13   14     Susunod ==>

07/13/06

Magandang umaga po

mayroon po akong site na www.english-to-tagalog.com. ito po ay isang komersyal na site na nag-oofer na translation, writing, editing services. Gusto ko po sanang hingin ang inyong pahintulot na maka-link sa inyong site dahil maganda po at nasusulat sa Tagalog. Sana po ay ilink din ninyo ako sa inyong site.

Salamat po

07/18/06
kamusta po. salamat sa inyong sulat, galak ako at naibigan ang aking website. wala akong tutol sa pag-link maliban sa for free ang nais kong ipabatid sa mga bumabasa, karamihan ay students and teachers sa p’nas na walang masyadong pambili ng kahit ano. usually, mga libre ding websites ang inilalagay ko sa mga articles. pero kung may dumating na circumstances, ilalagay ko ang link sa website mo.

thank you for writing!
ernesto

07/18/06

dear mang ernesto

ok lang po kasi gusto ko lang din naman na yung bumibisita sa site ko ay magkaron ng additional background at malaki ang maitutulong ng site ninyo. Ililink ko po kayo at sana po ay ilink nyo rin ako. Hindi naman po kailangang lahat ng bumibista sa site ay mag-aavail ng translation services. importante din po ang impormasyon.

Salamat.

07/02/06
Ano ang kalagayan ng mga Muslim bago dumating ang mga Kastila?

07/18/06
paciencia at wala akong ukol sa mga muslim kundi ang ulat ni frayleng francisco combes sa http://www.elaput.org/comb01.htm nuong mga unang taon ng panahon ng español.

07/16/06
Magandang araw po..me takdang -aralin ang anak ko at hindi ko makita sa alinmang website ang tugon..itinatanong po sa takdang aralin kung ano daw po ang dahilan ng ikinamatay ng pitong anak ni Francisco Balagtas, sana po matulungan nyo kami..magiging malaking tulong po ito sa pag-aaral ng anak ko..at kung pwede po paki-bigay po sa amin kung anong libro nyo nakita ang tugon nyo...Salamat po, at sana po matugunan nyo agad ang aming tanong.

Truly yours,
Reynaldo Mendoza

07/18/06
Patawad, Reynaldo, hindi ko sinipat maigi si Balagtas. Wala akong alam ukol sa ikinamatay ng kanyang mga anak. Labing-isa ang naging anak, kaya 4 lamang ang nabuhay pagkamatay ng 7. Kasama ni Balagtas ang mga anak nang mamatay.

Sana’y makakita ang inyong anak ng mga sagot sa kanyang aralin.
Ernesto J. Laput

07/18/06

Kumusta po.
Salamat sa inyong pagsusumikap sa larangan ng kasaysayan ng Pilipinas. Nais kong tangkilikin ang inyong mga gawa at bumili ng inyong aklat. Nais kong tiyakin ang inyong direksyon bago ko ipadala ang cheque. At ang halaga po ng inyong aklat ay $20, tama po ba?

Nagpapasalamat,
Vic Romero

07/18/06
Magandang araw, Vic! Tama ang address. Huwag lang pong kalimutan isama ang pangalan at address na padadalhan ng aklat. Maraming salamat sa iyong pagtangkilik!
Ernesto J. Laput

07/18/06

elow! tanong ko lng meron b kau tungkol sa mga katutubong sayaw we need kasi para s grup project

07/18/06
kamusta, kathrine!

may english text at photos sa national commission on culture and arts (ncca) - http://www.ncca.gov.ph/about_cultarts/comarticles.php?artcl_Id=122     meron ding ritual dancing sa http://www.ncca.gov.ph/about_cultarts/comarticles.php?artcl_Id=123

sana’y makatulong ito sa iyo.
ernesto

01/24/2007 - mayruon din sa www.likha.org at sa www.elaput.com/muscmind.htm. --ejl

07/25/06

Ang malawakang pagsisiyasat mong ito (at pagsasatagalog) tungkol sa pinagmulan ng ating lahi ay napakalaking bagay sa lahat ng Pilipinong nagnanais malaman ang ating pinagmulan.

Kung wala kang pagtutol ay nais ko sanang ipakalat sa mas nakararami ang kapani-paniwalang website mo sa pamamagitan ng Wikipedia.

Sumagot ka sana kung ikaw ay may pagtutol o anuman.

Maraming salamat at sana'y ipagpatuloy mo pa ang iyong pananaliksik. Ako man ay handang tumulong kung kinakailangan.

Edwin P. Mercene

07/18/06
Magandang araw, Edwin! Wala akong tutol, nagpapasalamat pa. Sadya kong pinagagamit nang libre ang mga kasaysayan sa mga guro at mga mag-aral, at kahit sinumang interesado sa ating kasaysayan. Sa ngayon, binabasa sa UP, UST, Cavite State U, La Salle, at iba pang paaralan subalit karamihan sa Manila at paligid lamang.

07/20/06

magandang araw po! lubos po akong natuwa nang mabasa ko ang website ninyo sa kasaysayan ng Pilipinas..tunay pong kahanga-hanga ang tiyaga ninyo sa paglalagay ng lahat ng impormasyon na nais malaman ng sinumang nais magbasang muli (nang hindi nabo-bore) sa kasaysayan ng ating bansa. malaki pong tulong ang website na ito para sa mga gurong tulad ko na nais bigyan ng alternatibong paraan ng pagkatuto ang aming mag-aaral..mabuhay po kayo!

nancy

Malaking tulong ang iyong paglagak sa Wikipedia ng mga kasaysayan sa paghatid sa ibang bahagi ng p'nas, lalo na kung saan pinag-aaralan ang wikang pambansa, upang mahasa silang bumasa, at lumawak ang kanilang mga paksa. Maraming salamat sa iyo.
Ernesto J. Laput

07/30/06

Maraming salamat muli at umasa kang ang kapurihan ay mananatiling sa yo at sa patuloy mong pananaliksik.

07/29/06

ano po ba ang mga disadvantages ng islamization ng mga pilipino noon??? please lang o..kelangan ko lang..

08/02/06
patawad, wala akong alam tungkol sa disadvantages ng islamization ng pilipinas. unang-una, hindi na-islamize ang p’nas except the cotabato region and the sulu archipelago. maraming katutubo sa mindanao mismo ay ayaw sa islam dahil pinaghaharian at inaapi sila ng mga dayuhang muslim. yon nga lang, galit din sila sa mga catholico dahil inaagaw naman ang lupa nila at mga ari-arian. malungkot pero walang kinalaman sa islam, o sa catholico, kaya hindi masasabing disadvantages... sana’y makakita ka ng hinahanap mo. sorry uli.

07/29/06

hi poh! gus2 ko lng poh sna malaman ang meaning ng bawat aralin ng ibong adarna... kung ok lng poh? tnx in advance!

08/02/06
magandang araw sa iyo! may copia ng ibong adarna sa original tagalog sa http://www.gutenberg.org/files/16157/16157-h/16157-h.htm     samantalang may komiks naman sa http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/ibong_adarna.htm   may english summary sa http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/Literature/Metrical%20Tales/IBONG%20ADARNA.htm may mga study notes din si Manuel Viloria sa http://www.viloria.com/ibongadarna/

sana ay makatulong ito sa iyo. paciencia ka na at wala akong hilig sa ibong adarna.

08/02/06

Kumusta po,

May tanong ho ako tungkol sa mga unang tao sa Bicolandia. Salamat po.

Josephine

08/02/06
Magandang araw, Josephine! Matagal na akong naghahanap ng kasaysayan ng Bicol. Pati ang alamat duon, ang Ibalon, ay hindi ko makita hanggang ngayon. Maliliit na piraso lamang ang naaninaw ko sa mga ulat ng frayle nuong unang pasok ng Español - kaunti ang tao sa Bicol nuon, maliban sa Paracale na may mga minahan ng ginto.

Halu-halo silang mga Ayta sa gubat at mga mangingisda- magdaragat mula sa Samar, ikit sa pulo ng Capul, at mula sa Masbate tawid sa pulo ng Ticao. Subalit

08/01/06

Sana po magkaroon kayo ng pahina tungkol sa SINAUNANG KULTURANG PILIPINO. Salamat po..

08/02/06
May ilang kabanata sa simulang bahagi ng PINAS: Munting Kasaysayan, tulad ng Ang Mga Magdaragat, Buhay Baranggay, Buhay Sa Nayon at iba pa. Ukol din sa mga Unang Pilipino ang Hanggáng Sa Mga Yungíb Ng Tabon.

Makatulong nawa ang mga ito sa iyo.

dumami lamang ang mga naging Bicolano dahil sapilitang dinala duon ng mga Español mula sa Samar, Agusan at Davao upang gumawa ng mga galleon at iba pang sasakyang dagat. Hindi na pinayagang umuwi, marami ang namatay sa pagputol ng kahoy sa gubat at sa paggawa ng mga barko. Patawad at wala pa akong nakikitang mas maalam kaysa dito. Ilalathala ko agad sakaling may makita...
Ernesto
08/14/06

Mr. Laput

kylngan ko po kasi ng tungkol k jose maria panganiban o jomapa. Brief history ng buhay nya at ang mga ngwa nya sa la liga filipina. sna po ay m2lungan nyo po ako.

salamat po

08/17/06
Magandang araw sa iyo! Paciencia at wala akong ulat ukol kay Panganiban maliban sa: Nabanggit lamang si Jose Ma. Panganiban bilang isa sa mga sumulat para sa pahayagang “La Solidaridad” sa pangalang “Jomapa” at “JMP” nuong panahong tinawag na “propaganda movement.” Maliban sa isinilang siya sa Mambulao, Camarines Norte nuong Febrero 1, 1863 at naging kaibigan ni Jose Rizal, wala nang natagpuang ulat tungkol sa kanya. Namatay siya sa Barcelona, España, nuong Agosto 19, 1890. Bilang parangal sa kanya, bininyag ang pangalan

08/14/06

ano ba ang talambuhay ni francisco baltazar???

08/17/06
magandang araw sa iyo! may talambuhay sa tagalog si franciscobalagtasbaltazar sa Tagalog Wikipedia, http://tl.wikipedia.org/wiki/Francisco_Balagtas     paumanhin at wala akong sariling ulat tungkol sa kanya. sana’y makatulong ito sa iyo.

niya sa isang kabayanan sa Camarines Norte, sa pagitan ng Larap at Paracale. Duon sa harap ng municipio itinayo ang kanyang monumento. Nahayag na sa monumento nalibing ang kanyang mga buto. Nasabi rin na siya ang sumulat ng - "Walang hindi dapat ialay para sa mga karapatan at paglaya ng bayang naaalipin!" [medyo hilis itong salin-tagalog dahil pulos Español ang isinulat ni Panganiban].

Baka may copia ng mga isinulat niya sa National Library sa Manila. Harinawa ay may makuha kang mainam na ulat. Salamat sa iyong sulat.

08/20/06

Gusto ko pong malaman ang tungkol sa himagsikan sa kagayan at iloko.

08/22/06
Kamusta, sana’y maganda ang mga araw para sa iyo!

Bahagya lamang ang bahagi ng himagsikan sa Ilocos at lubusang wala sa Cagayan. Apat lamang ang lalawigan sa buong Cagayan Valley nuon - Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya at Nueva Ecija - at kahit na pabagsak na ang mga Español nuong 1896, walang naghimagsik. (Masasabi rin na pabagsak na, kaya walang nag-abalang maghimagsik.)

Nabanggit lamang ang Cagayan sa kasaysayan (nasa http://www.elaput.org/pinsluna.htm sa website ding ito) dahil sa Palanan, Isabela, nabihag si Emilio Aguinaldo. Pahiwatig ng kawalan ng himagsikan duon, tinalo ang hukbo ni Aquinaldo ng 5 Amerkano at 81 Kapampangang taga-Macabebe lamang. Walang taga-Cagayan na tumulong kay Aguinaldo. Subalit tapos na ang himagsikan nang mangyari ito nuong Marso 23, 1901.

Sa Ilocos naman, madalas ang aklasan at himagsikan simula nuong 1807 kaya pinaghati-hati ng Español sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, Abra, at iba pang lalawigan. May mga Ilocanong kasama si Aguinaldo, pinaka-sikat sina Manuel Tinio ng Nueva Ecija, subalit tapos na ang himagsikan nang mag-aklas sa Candon, Ilocos Sur, nuong Marso 24, 1898. Pabagsak na ang Español - mahigit 1 buwan lamang bago pumasok ang mga Amerkano, at nagba-vacation na sina Aguinaldo sa Hongkong (sa www.elaput.org/biac01.htm sa website ding ito) - nuong sinakop ng angkan ng mga Abaya at mga Guirnalda ang Candon at hinayag ang kanilang “republica” upang sila ang pumalit sa mga Español bilang mga “don” duon. Ayaw sila ng mga tao, na kumampi pa sa mga Español kaya 3 araw lamang, natalo ang mga Abaya at mga Guirnalda. Tumakas si Fernando Guirnalda at Isabelo Abaya sa bundok, iniwan ang mga kasama, na binitay ng mga Español.

Huwag akalain na tahimik duon nuon sapagkat magulo at tumagal hanggang 1902 ang bakbakan. Marami at buhol-buhol ang mga dahilang hindi sumanib sa himagsikan ang mga Ilocano, masyadong mahaba at hindi kasya sa e-mail na ito. Mahigit 2 taon ko nang iniipon ang mga nangyari nuon at maaaring isang buong aklat, baka 2 pa, ang mabubuo ko. Para makatulong sa iyo, uunahin ko ang kasaysayan ng “Guardia de Honor” sapagkat saklob nito ang mga naganap sa Ilocos nuon. Pero mahaba kaya matagal bago maisamba sa website.

Paciencia ka na sana. Salamat sa iyong e-mail!

08/29/06

pwede po bang mag tanong tungkol sa pinagmulan ng tao ho

08/30/06
magandang araw sa iyo! nakaulat ang pinagmulan ng tao simula sa http://www.elaput.org/evolutn.htm     ang pinagmulan naman ng mga pilipino ay nagsisimula sa http://www.elaput.org/tabn01.htm     sana’y makatulong ito sa iyo. salamat sa iyong e-mail, sumulat ka sana uli!

08/30/06

isalasysay ang kasaysayan ng wikang pambansa sa pamamgitan ng paglalahad?

08/30/06
magandang araw sa iyo! may kaysayan ng wikang pambansa sa pahayagan ng colegio de san juan de letran sa url na http://thelance.letran.edu/aug2005/f1_aug2005.htm
mahaba pero nakasulat sa tagalog kaya madali mong mababasa. sana’y makatulong ito sa iyo. salamat sa iyong e-mail!

09/06/06

Magandang araw po si! Alam kong malayo na itong tanong ko sa kadalasang sinasagot ninyo pero alam kong matutulungan ninyo ako. Pwede ko po bang malaman kung saan ko pwedeng masaliksik ang mga pag-aaral sa mga sulat ni Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo.

Maraming salamat po. Sana’y matulungan po ninyo ako.

09/07/06
magandang araw! maraming pagsuri ukol kay Rizal, tulad sa pahina ng mga mag-aaral sa cavite state university, www.geocities.com/cavitesu/rizpage.htm .   mayruon ding buod (synopsis) sa Tagalog mula sa Jose Rizal University ng mga kabanata ng Noli Me Tangere sa www.joserizal.ph/no02.html at ng El Filibusterismo sa http://www.joserizal.ph/fi02.html     mababasa rin ang 2 novelas nang buo, isinalin sa english mula sa español, sa Project Gutenberg website: http://www.gutenberg.org/dirs/etext04/8sccn10.txt (Social Cancer o Noli Me Tangere) at http://www.gutenberg.org/files/10676/10676-h/10676-h.htm (Reign of Greed o El Filibusterismo)

sana’y makatulong ito sa iyo. salamat sa iyong e-mail, at sumulat ka sana uli!

09/07/06

Kuya,
Matagal na po akong naghahanap ng mga paksa ukol sa lahat ng mga naging bayani dito sa amin sa Bulacan. Maari po ba kayong magdagdag (publish) ng mga naging BAYANI NG BULACAN mula noon at ngayon?

Maraming salamat po sa pagtulong sa amin!

Nagmahahal,
Eds

09/07/06

Magandang araw, Eds! May mga ulat tungkol sa mga bayani ng Bulacan - ang “Bayan ng mga Bayani” - sa http://www.bulacan.gov.ph/generalinfo/heroespatriots.asp ang website ng Bulacan province subalit ilan lamang. May ulat tungkol sa 2 bayani sa website ng Hagonoy - http://www.hagonoy.com/habayani.html

Sa http://www.angelfire.com/journal2/philippinehistory/katipuneros.htm     may 2 pahina ng Katipuneros of Bulacan at sa http://www.angelfire.com/journal2/philippinehistory/units.htm ng Katipunan in Bulacan. Sa Heroes of the Philippine Revolution of 1896 - 1898 sa http://www.msc.edu.ph/centennial/heroes.html     baka makakita ka pa ng ibang bayani mula sa Bulacan. Paciencia at wala akong balak maglista ng mga bayani by province. Kung makabuo ka ng isa at nais mong ilathala, ipadala mo sa akin at isasampa ko sa website sa pangalan mo. Salamat sa iyong sulat. Sumulat ka sana uli!

Balik sa nakaraan             Ulitin mula sa itaas             Mag-email ng tanong at kuru-kuro             Mga Kasaysayan ng Pilipinas             Ipagpatuloy sa susunod