|
09/12/06
sino ang nagpasimula ng wika ? ano ang layunin nya? kailan talaga nagsimula ang buwan ng wika? 09/16/06
09/12/06 09/17/06
|
EMAIL: Mga Tanong at Kuro ng mga Bumasa
|
|
09/09/06
Hi Ernesto, Congratulations! Ang ganda ng mga ginagawa mo. Marami sa atin ang walang kaalam-alam sa mga nangyari sa Pilipinas. Sana magawa mo rin ang Genealogical Research ng Surnames before Claverias Edict in 1849. Maraming Surnames ang Pinalit at di malaman ng karamihan kng ano talaga ang original na Surnames ng mga Pilipino bago naging Espanyol. Maraming Salamat sa iyo Kaibigan,
|
|
|
09/15/06
Hi Ernesto,
thanks & bye,
09/17/06
hi, josi, hope you and yours are well.
your query on culture & history of regions 3 thru 8 and NCR cover the pretty much the Philippines, minus Mindanao and Northern Luzon. Larger area, long histories. I have pieces in “Ang Ika-3 Kaharian” (http://www.elaput.com/pinsika3.htm) and in “Visaya: Mga Takas-Hari” (http://www.elaput.com/pinsvisa.htm) but they’re not comprehensive and relate more to pre-Hispanic times than contemporary history. Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya, has a section on “Mga rehiyon at lalawigan” (http://tl.wikipedia.org/wiki/Pilipinas) with links to the regional sections, but they’re rather weak on the history & culture angle.
Aside: The regional view of Pinas is kind of new, just since the 1986 Marcos alisdyan, and except for the muslims, little history is written on the regional level. most histories i found were on the provincial and/or geographic regional level which were more about ethnic/cultural sectioning rather than political/economic which CAR and the other “regions” are. and frankly, unless the other regions follow ARMM into autonomy, i see little worth in delineating p’pine history by current political regions. in other words, i have no plans to.
i’ll upload the p’no languages/peoples in a few months, but the details almost completely disregard regions for obvious reasons: ilocano covers large chunks of northern & central luzon, cebuano does the same in the visayas & mindanao, and tagalog is all over the place, even america. (some mindanao dialects extend to borneo and even islands of central indonesia.)
sorry i couldn’t make this quick, as you wished. i hope i’ve helped, if only a bit. good luck with your daughter’s research. last nagging thought: this is too much work for 4th grade, maybe 2nd year high school at the earliest, unless the teacher’s expecting trivia like they have in tourist guides (all are in english). perhaps a tip can help: grab a synopsis of p’nas kasaysayan, strip all mention of north luzon and mindanao, and present it as a consolidated history of CAR and the other central p’pine regions. cheap
|
& may not work, but it’s better than telling the teacher to shape up. jc! what’d she expect from a 10-yr-old?
thanks for your e-mail!
09/17/06 Hi ernesto,
but alas!...my daughter told me yesterday she found some insights from yahoo and they were in tagalog. guess what, i just told her "that's good!". whether she really found what the teacher is looking for, i told her that's good enough....for her effort. anyway, i appreciate ur time and effort. hope someday i can be of help to u in any way. ur work is commendable and u deserve an applause for being a good samaritan. thanx for sharing my "woes" why schools activities and lessons pressure the minds of young souls. it's so exasperating for us, mothers! im one of those who complain ...im sure there are a lot of moms in the same situation and struggle, about why schools make elementary sibika so knotty....like the students/pupils will care to remember everything. i tell u, my 9-yr old only retains a few of those important and not so important events. again, thank u ernesto. hope u will nver tire urself in assisting moms like me with our children's school works/lessons. in my case, i sometimes bother my ofw husband, thru email, with my daughter's homeworks in math...coz (modesty aside) even my retired public school principal mother and my father, a mechanical engineer, refuse to burden themselves with math problems for they claimed they're just not like how math used to be during their time. so sad! ok, i dont want to consume much of ur time now. hope to exchange another email with u in another time. God bless u and more power! |
|
09/20/06
alam nyo po ba kung anu-ano ang mga ambag ng espanyol sa pilipinas? kasi po takda po namin..eh..wala po akong libro eh..kung pwede lang po sana tulungan nyo ako..hehehe..yun lang po.. salamat po
09/22/06
ukol pa rin sa pangalan, marami sa mga lalawigan ay bininyagan ng
espanyol, tulad ng nueva ecija, nueva vizcaya, laguna, isabela, la
union, abra, antique, atbp. laksa rin ang mga kabayanan, lungsod at pulo
na may pangalang espanyol, tulad ng negros, los baños, floridablanca,
angeles, san fernando, santa rosa, atbp. pati ang pangalan ng pilipinas
(mga pulo ni felipe) ay parangal sa hari ng espanya nuong 1560, si
felipe dos.
marami ring katagang espanyol na bahagi na ng mga wikang p’noy (tagalog,
visaya, ilocano, pampango, atbp.) tulad ng bintana (ventana), silya
(silla), sapatos (zapatos), sintron (cinturon), medyas (medias), kusina
(cocina), tela (tela), kutsara (cuchara), atbp. paborito (favorito) rin sa p’nas ang maraming lutong espanyol, tulad ng
tsitsaron (checharon), letseplan (leche flan), adobo, arroz caldo,
mechado, menudo, litson (lechon), sopas, atbp. may mga sayaw pa hanggang ngayon na nagmula sa espanyol, - fandango, tango, rhumba, mambo, atbp.
ang malakihang kalakal o comercio ay nag-umpisa nuong 1890s nang itatag
ang Camara de Comercio de Filipinas, kinabilangan ng mga companiang
espanyol tulad ng Compania General de Tabaco de Filipinas, Fabrica de
Cerveza San Miguel (buhay at mayaman pa hanggang ngayon ang san miguel
beer), Elizalde Y Cia, atbp. pati ang pakipag-kalakal ng p’nas sa mga
bayan sa europe at america ay sinimulan ng mga espanyol.
ang pinaka-mahalagang ambag ng espanyol sa p’nas ay ang pagbuo ng bayan
sa ilalim ng isang pamahalaan. sanhi ng maraming aklasan at madugong
himagsikan, ang pagsakop sa mga kapuluan ay siya ring batayan ng
pag-iisa ng pilipinas ngayon. bago dumating ang mga espanyol, nag-uugnay
subalit hiwa-hiwalay at ayaw magsama-sama ng iba’t ibang pulo at bahagi
ng luzon at mindanao. sila-sila ay nagdidigmaan pa. ang kahuli-hulihang
naisama sa bayan ng pilipinas ay ang mindanao na nuong huling 100 taon
lamang ng panahon ng espanyol nasakop ng lubusan. tinangka rin ng mga
espanyol, nuong unang dating, na isakop ang mga bahagi ng borneo at
maluku (moluccas o spice islands sa history books) subalit natalo sila
at napaalis. kundi sana,
|
09/18/06
pahingi nmn po ng talambuhay ni francisco dagohoy.
09/22/06
|
|
bahagi ng p’nas ngayon ang mga bahaging iyon ng
kasalukuyang bayan ng indonesia at malaysia. at kung hindi sinakop ng
espanyol, ang pilipinas ngayon ay malamang 5 iba’t ibang bayan, baka 8 o
higit pa.
malaking ambag din ng espanyol sa pagka-pilipino ang mga ulat nila
tungkol sa p’nas at mga p’noys (tinawag nila tayong mga indio). ang
kanilang mga “cronicas” ang nagdulot ng anumang alam natin tungkol sa
mga ninuno nitong nakaraang 400 taon. kabilang dito ang cronicas nina
ang mga ulat ni loarca, plasencia, chirino at combes ay nakalahad sa website ko, kung nais mong basahin. isa pang ambag ng espanyol ay ang pagbibihis, at ang pag-aaral ala-europe, ang tinatawag na western o scientific method of learning. tampok dito ang medicina, abogacia, pharmacia, pati na ang pagba-baytang sa mga mag-aaral batay sa tanda at tagal ng pag-aaral, tulad ng primera grado, secunda grado, atbp. nuong unang panahon, ang pag-aaral ng mga tao ay batay sa mga awit, sayaw at pangaral ng mga magulang at matatanda. itinuro rin ang paghanap-buhay tulad ng pangingisda, pagsasaka, pagtanim at paghuli ng hayop. maliban dito, wala nang ibang pinag-aralan ang mga tao, nuong bago pumasok ang mga espanyol. marami pang ambag ang espanyol sa p’nas, subalit ang mga ito ang pinaka-malawak at pinaka-mahalaga. sana’y makatulong ito sa iyo. salamat sa iyong e-mail. sumulat ka sana uli! 09/24/06 maraming salamat po! malaking tulong po ito sa pag aaral ko..maraming maraming salamat po talaga..!!
|
|
|
09/21/06
Pwede po ba malaman kung ano ang tawag sa bansa natin "Pilipinas" bago dumating ang mga kastila nuong March 1521? Pwede bang ordinaryong pilipino na magpunta sa vatican library at mag-research tungkol sa history ng Pilipinas?? Thanks po,
09/22/06
Hindi pa buo ang “Pilipinas” bago dumating ang Español (katunayan, ang Español ang bumuo sa P’nas) kaya walang tawag nuon maliban sa kanya-kanyang pangalan ng
|
pulo at baranggay. Ilang pangalan lamang ang alam pa natin hanggang ngayon - “Ma-it” (Mindoro ngayon), “Ppai-pu-yen” (Babuyan), “Pa-lau-yu” (Palawan), atbp. Tunog Intsik ang mga pangalan sapagkat sinulat ng Intsik, si Chao Ju-kua, nuong bandang 1225-1280.
Mababasa itong kauna-unahang hayag tungkol sa P’nas, kung gusto mo, sa http://www.elaput.com/nunochao.htm .
Tungkol naman sa Vatican library, wala akong alam. Subalit maraming mari-research sa National Library at sa mga library sa UST, Ateneo, UP. Kung hanap mo ay tungkol sa naunang panahon, subukin mo ang Blair & Robertson sa Ayala book store, mahal pero mas mura kaysa maglakbay sa Italy. Isa pa, karamihan sa mga lumang ulat ng Español tungkol sa P’nas ay nasa iba’t ibang monasterio, convento at bibleoteco sa España at America (Harvard, Michigan university, National Archives, etc.). Wala akong nadinig na ulat ukol sa P’nas na nakalagak sa Vatican. Sana’y makatulong ito sa iyo. Salamat sa iyong e-mail!
|
|
09/23/06
hello po sir!!! urgent po tlaga to....ask ko lang po sana kung sino pumatay kay lapu-lapu? un lang po.....thanx po... vanessa
09/24/06
hindi ko maisip kung sino ang may kailangan nito, subalit walang ulat kahit saan na may pumatay kay lapu-lapu. katunayan, wala sa anumang kasaysayan kung paano at kailan siya namatay. (may ulat ang ilang muslim na namatay nang tahimik si lapu-lapu
|
pagtanda, subalit hindi kapani-paniwala sapagkat maraming maling ulat galing sa muslim.)
baka naman ang kailangan mo ang kung sino ang pinatay ni lapu-lapu? ang sagot dito ay si ferdinand magellan, ang portuguese na naging español at namuno sa pagdayo sa p’nas nuong marso 1521. mahigit isang buwan lamang, sinalakay ng mga español ang baranggay ni lapu-lapu sa mactan dahil kulang ang buwis na gustong ibayad ni lapu-lapu ( 3 kambing ang hiningi ni magellan para kay rajah humabon, 2 lamang ang kambing ni lapu-lapu). pinatay ng mga mandirigma ni lapu-lapu ang ilang español, pati si magellan. umurong ang mga español pabalik sa cebu. pinagpapatay naman sila duon ni rajah humabon, at ilang español na lamang ang nakaligtas at nakabalik sa españa. sana’y makatulong ito sa iyo. sumulat ka sana uli!
|
|
10/12/06
Itatanong ko lang po sana kung
Salamat! Ito po kasi ang mga gumugulo sa aking isipan!
10/16/06
|
10/15/06
eow poh!!!
Maria
10/16/06
May pirasong talambuhay ni Antonio Luna sa http://www.elaput.com/pinsluna.htm at mga sumunod na kabanata. Sa http://us.geocities.com/umalahokanstribe/LUNA.html ay mayruon din.
Patawad at wala akong ulat tungkol sa kanyang kapatid, si Juan Luna. Mayruon sa http://www.geocities.com/CollegePark/Pool/1644/luna2.html at saka sa http://en.wikipedia.org/wiki/Juan_Luna pero English pareho.
Sana’y makatulong ito sa iyo. Salamat sa sulat mo!
|
|
10/16/06
pwede po bang malaman ang mga alias nina emilio aguinaldo, emilio jacinto, mariano ponce, jose ma.panganiban, marcelo h. del pilar, andres bonifacio, artemio ricarte, pio valenzuela, antonio luna, jose rizal? salamat po
10/16/06
|
artemio ricarte, “general apoy” ni mariano alvarez, “dimabunggo” at “maestro serbio” ni eusebio viola.
bago nuon, nag-“alias” din ang mga manunulat laban sa español. pinaka-bantog ang “dimasalang” at “laon laan” ni jose rizal, “taga ilog” ni antonio luna, “jomapa” ni jose maria panganiban, “naning,” “kalipulako” at “tikbalang” ni mariano ponce, “catulo” at “isagani” ni cecilio apostol. pinaka-maraming “alias” si marcelo del pilar - “plaridel,” “siling labuyo,” “piping dilat,” “dolores manapat,” “kupang,” “haitalaga,” “patos,” “carmelo d.a. murgas” at “l.o. crame.” pati si wenceslao e. retana, ang kalaban ni rizal, ay nag-“alias” ng “desengaños” pagsulat niya sa ‘la solidaridad.’ sana’y makatulong ito sa iyo. salamat sa e-mail, sumulat ka sana uli! |
|
10/23/06
Pwede po bang malaman ang talambuhay at mga akda nina Pedro Paterno at Antonio Luna......sa lalong madaling panahon.....ngayon din po......plz.....kailangan ko lang po talaga......salamat po.....God blez!!!
10/24/06
Tungkol naman kay Antonio Luna, may talambuhay sa English sa Wikipedia, the free encyclopedia, din. Ang url naman ay http://en.wikipedia.org/wiki/Antonio_Luna
May talambuhay sa Tagalog sa aklat ni Jose N. Sevilla sa Project Gutenberg website -
http://www.gutenberg.org/files/17786/17786-8.txt
Nuong estudiante pa lamang sa Universidad de Santo Tomas (UST), sinulat niya ang
“Dos Cuerpos Fundamentales de Quimica” tungkol sa pagiging cardinal ni padre Ceferino Gonzales. Habang nag-aaral ng pharmaceotica sa España, sinulat niya ang “El Hematozoario Paludismo” tungkol sa sakit na malaria. Sa pangalang “Taga-Ilog,”
sumulat din siya ilang ulit sa “La Solidaridad,” pahayagan ng mga Pilipino sa España nuong panahong tinawag na “Propaganda Movement” o “kalampag ng mga Pilipino.”
Kasama sa mga isinulat niya (sa wikang Español) ang
Narito ang isang piraso nito: “hay chula, señorita o modista que vuelven dos y tres veces la cara para mirarme y pronunciar con voz suficiente para ser oída: ¡Jesús que horroroso! Es un chino. Es un igorrote. (Para éstos, chinos, igorrotes o filipinos son lo mismo). Chicos y grandes, chulos y no chulos, no contentos con esto, se ponían a vociferar como salvajes: ¡Chino! ¡Chiiinitoo! ¡¡Igorrote!! En los teatros, en los paseos, en las reuniones, en todas partes siempre la misma revista general sobre mi persona, la sonrisa de la burla amalgamada con la mirada medio altanera, medio estúpida. Muchas veces, al pensar en estas espontáneas manifestaciones, me pregunto si estoy en Marruecos, en las peligrosas comarcas del Riff, y hasta llego a dudar si vivo en la
|
10/21/06
Magandang gabi! Nakakatulong po talaga ang inyong website! Magtatanong lang po sana ako ulit.
Salamat po! Palagi po ito natatanong sa akin ngunit ang hirap sagutin! Salamat! |
|
capital de una nación europea...”
[ salin sa Tagalog, medio paciencia sa Español ko ]
Pati mga lalaking Español, sulat ni Luna, ay magaspang, ignorante at bastos, at ang mga nagkukunyaring “hidalgo” o “maginoo” ay, sa katotohanan, mga duwag at walang dangal. Mas tapat daw ang mga “ilustrado” tulad niya sa taguri ng “amor propio” at “hidalguia” o pagka-maginuo. Sa pagsuri nuong 2003 ni Raquel Reyes, estudiante sa England, ang pasaring ni Luna sa mga Madrileña at pagpuri sa mga “ilustrado” ay pahiwatig na kahit napanghal, naakit din ang mga Pilipino duon sa labis at lantad na pagka-babae (sexy) ng mga Madrileña. Sana’y makatulong ito sa iyo. Salamat sa iyong e-mail! 10/26/06
|
|
|
Balik sa nakaraan Ulitin mula sa itaas Mag-email ng tanong at kuru-kuro Mga Kasaysayan ng Pilipinas Ipagpatuloy sa sumusunod |
|