01/16/07

ako’y nalilito na d ko ma identify ng ayos ang mga creoles, peninsulares, ilustrados... pati ang pact of biak na bato... pano ba ito nging act of betrayal against masses???? ilustrado b si aguinaldo?? salamat po

elaine

01/17/07
magandang araw, elaine!

1. “creole” ay french, “mestizo” ay español - dating ginamit sa anak ng taga-europe at katutubo (native) sa america o sa asia, pati na sa p’nas. ang creole ay karaniwang maitim o kayumanggi ang balat, subalit mas maputi kaysa “purong” katutubo. sa p’nas naman, ang mestizo o mestiza ay mas maputi kaysa sa katutubong p’noys o p’nays, at hindi lang taga-europe kundi pati taga-US o kahit intsik, tinawag na tisoy o tisay.

2. nuong panahon ng español (1565-1898) ang “peninsulares” ay mga español mula sa españa, ang “insulares” ay mga español na ipinanganak sa p’nas, ang “americanos” ay mga español na ipinanganak sa america - mexico, central at south america, ang “filipinos” ay mga español at mestizong español na isinilang o lumaki sa p’nas, ang “indios” ay mga katutubo, ang tinatawag ngayong p’noys at p’nays, ang “indios chinos” ay mga anak ng taga-china at katutubo, ang “chinos” ay mga taga-china, ang tinatawak ngayong intsik.

3. ang “ilustrados” ay mga anak-mayaman na nakapag-aral nang mataas (colegio) sa manila at/o sa europe, karaniwan sa españa. sila ay mga “insulares,” “filipinos” (tulad sa turing #2 sa itaas), mga mestizong español at intsik, na naghikayat na ituring silang kapantay ng mga español at mga “peninsulares” at gawing lalawigan ng españa ang p’nas.

EMAIL:  Mga Tanong at Kuro ng mga Bumasa
<== Nakaraan     1   2   3   4   5   6   7   8   9   10   11   12   13   14   15   16   17  

4. “biak-na-bato” ay kasunduan nina emilio aguinaldo at ng español sa manila sa pamamagitan ni pedro paterno. sumuko sina aguinaldo, nanawagan sa ibang katipunero na sumuko rin, tapos nagpatapon sa hongkong dahil binayaran ng 400,000 pesos ng español. hindi sinunod ng ibang katipunero sina aguinaldo at patuloy na naghimagsik bagaman at laging talo. hindi rin sinunod ng español ang kasunduan at pinarusahan lahat ng katipunerong nahuli o sumuko. ang buong istoria ay nasa “kasunduan sa biak-na-bato” sa website ding ito.

5. si aguinaldo ay hindi “ilustrado” bagaman at nakapasok sa colegio de san juan de letran pero hindi nakatapos. mahina sa español kaya bumalik sa cavite el viejo (kawit ang tawag ngayon) at naging capitan del barrio na lamang tulad ng tatay niya. sila ay “principale” o mga pinunong katutubo - taga-singil ng buwis at “polo” o pa-trabajo sa mga katutubo nang walang bayad para sa frayle at español. kaya pinapatay nila si andres bonifacio at naging supremo si aguinaldo.

ang katipuneros ni bonifacio ay katulad niyang mga trabajadores, mga magsasaka, cargador at bodegero - ang mga dating inuutusan lamang ng mga “principale.” ayaw ng mga “principale” na ang mga utusan ang mamuno sa himagsikan at pamahalaan, at sa kanila. (may ilang ulat na ang hangad ng mga nagpapatay ay mga taga-cavite lamang ang mamuno sa himagsikan at sa bayan, subalit walang evidencia nito, bagaman at maraming bulong.)

ang kasaysayan ng pagpatay kay bonifacio ay nasa “himagsikan ng mga pilipino” ni apolinario mabini, sa website ding ito.

sana’y makaliwanag ito sa iyong pag-unawa sa karanasan ng p’nas. salamat sa sulat mo!

01/21/07

magandang araw po! gusto ko lang po sanang magtanong. anu po ba ang mga mabuti at hindi mabuting naidulot ng Neokolonyalismo sa mga bansang nasakop nito???? salamat po...

Myrene

01/23/07
Magandang araw, Myrene!

Medyo malabo ang tanong mo. Ang “Neocolonialism” ay katagang inimbento ng mga Marxist at leftist upang pintasan ang patuloy na pagdaig ng mga dating sumasakop sa industria, kalakal at pananalapi ng mga bansang nasakop dati. Ang pahiwatig ay hindi tunay na malaya ang bansang binigyan ng “independence” dahil saklaw pa rin - itulak kabigin - ng mga palakad o policies ng mga pamahalaan at corporation ng bayang sumakop dati. Kaya “by definition,” masama at walang mabuting idinudulot ang “Neocolonialism.”

Baka ang tanong mo ay ang kabutihang naidulot ng “Colonialism” - ang mga biyayang natamo ng, halimbawa, P’nas mula sa pagsakop ng España at United States.

Ang “Colonialism” at “Neocolonialism” ay nasusunog sa init ng damdamin ng mga bansang sangkot sa magkabilang panig kaya mahirap himayin ang “mabuti” at “hindi mabuti” sa mga salik o “elements” nitong dalawa. Kadalasan, pareho ang tinutukoy nila:
    1. Ang pagpasok ng mga bagong “industries
    2. Ang paglawak ng kalakal at pagdami ng mga kawani o trabajadores
    3. Ang pag-unlad ng mga paaralan at kaalaman ng mga tao, atbp.

Mabuti ang mga ito, ayon sa sumasakop o dating sumakop, sapagkat dumami ang salapi at lumawak ang dunong ng mga tao. Sa kabilang panig, hindi mabuti ang mga ito, ayon sa mga bansang nasakop, sapagkat:
    1. Nabansot o tuluyang napatay ng mga paggawaan na itinatag ng mga “colonialists” at “neocolonialists”ang mga katutubong industria. Ito ang dahilan kinakalaban ang “globalization

01/21/07

Gusto ko lang po sana magtanong kung sino-sino pa ang mga buhay na manunulat ng libro sa ngayon??? parang wala na po kc eh...kailangan ko po kc makahanap ng mga 10, ang tagal ko na pong nahahanap pero wala pa din. Sana po matulungan nyo ako. Salamat.

01/21/07
Magandang araw! Maraming manunulat na naka-lista sa website ng National Commission for Culture and the Arts o NCCA, tulad ng mga nanalo ng National Book Awards mula nuong 1981 at iba pang manunulat sa kasalukuyan at nakaraan. Nasa URL ni Reinerio Alba, makata at manunulat mula sa Gumaca, Quezon: http://www.ncca.gov.ph/about_cultarts/comarticles.php?artcl_Id=144

Sa website ding iyon, inilista ang mga natanyag na manunulat nuong 2000 ni Bienvenido L. Lumbera, punong patnugot (editor-in-chief) ng Sanghaya at professor sa UP Diliman at De La Salle University, sa URL: http://www.ncca.gov.ph/about_cultarts/comarticles.php?artcl_Id=145

Sana’y makatulong ito sa iyo. Salamat sa sulat mo!

    2. Lahat ng bagong yaman na naipon ay napunta sa mga sumasakop na pamahalaan o corporation habang sadlak ang mga kawani at trabajadores sa mababang sahop at paghihikahos, ang tinatawag na “second class citizens
    3. Sa paglawak ng mga aralin at dunong, napapalitan ang katutubong kagawian o native culture, lalo na ang wika at pagturing sa kapwa, at ang pag-unawa kung alin at mabuti at alin ang hindi mabuti. Kalakip nito ang propaganda ng “colonial mentality” atbp.

Baka hindi nito masagot ang tanong mo subalit unawain na ang paksa, at mga tanong, ng “Colonialism” at “Neocolonialism” ay nananatiling malabo hanggang ngayon, at mahirap asahan na malinaw ang anumang maisasagot, o kung tunay na sagot ang mga tinatalumpati ng magkabilang panig na, dapat aminin, may kani-kanyang hangarin o “agenda.”

Salamat sa sulat mo!

Balik sa nakaraan                       Ulitin mula sa itaas                         Mag-email ng tanong at kuru-kuro                         Tahanan Ng Mga Kasaysayan