PAGHANAP SA MGA UNANG PILIPINO: Chronicles Ang Ugali Ng Mga Tagalog ulat ni Juan de Plasencia nuong 1589
|
Batayan Ng Mabuting
SI JUAN DE PLASENCIA ay maagang nag-frayle at isa sa mga unang misionario sa Pilipinas nang dumating nuong 1577. Natanyag siya sa masugid na pangaral sa mga katutubo, na tinipon niya sa mga bagong baranggay, tinawag ng mga Espanyol na reducciones, mula sa kalat-kalat nilang mga bahay-bahay sa bukid at bundok. Duon, mistulang bihag at binantayan ng mga sundalong Espanyol, tinuruan silang maging catholico ng mga frayle at inihiwalay sa mga hindi-binyagan sa pali-paligid. Nagtatag ng ilang paaralan si Plasencia para sa mga katutubo, at natanyag ang kanyang kakayahan sa mga wika - isa siya sa mga unang sumulat ng gramatika (balarila, grammar), Arte del idioma Tagalog, nuong 1580 at diksyonaryo (talasalitaan, vocabulary), Diccionario Hispano-Tagalog nuong 1580 din. Sa samang palad, nawala na ang mga ito, pati na ang sinulat niyang Mga Sawikaing Tagalog (Coleccion de frases tagalas). Matama rin niyang inulat ang mga gawi at gawa ng mga katutubo na binuo sa saysaying ito. Namatay siya habang naglilingkod sa Lilio (Liliw ang tawag ngayon), sa lalawigan ng La Laguna nuong 1590. Isinulat niya itong mga pahayag sa hiling ni Santiago de Vera, governador general ng Pilipinas nuong 1584-1590, sa pinuno ng mga frayleng Franciscan sa Pilipinas, si Fray San Pedro Bautista. Matagal na ginamit ang kanyang mga ulat ng mga alcaldes mayor ng mga lalawigan (provincial governadors) bilang batayan ng kanilang palakad at pamamahala sa mga tao, hanggang lubusang nagbago na ang panahon at katauhan ng mga Pilipino at nawalan na ng saysay ang mga siniyasat ni Plasencia. Sa maraming taon pagkatapos nuon, inakalang nawala na ang mga pahayag ni Plasencia hanggang natuklasan ang mga ito nuong 1886 ng patnugot (editor) ng Cronica dela provincia de San Gregorio Magno de religiosos descalzos de San Francisco en las Islang Filipino, China, Japon et al, isinulat ni Fray Francisco de Santa Ines nuong 1676 at inilathala sa Manila nuong 1892. Ipinahayag na inilakip itong mga ulat ni Plasencia ni Fray Antonio de Padua sa kanyang Cronica dela santa y apostolica provincia de San Gregorio. Si Padua (dating Gonzalo dela Llave ang pangalan, iniba nang naging frayle) ay ang unang manalaysay (historian) ng mga Franciscan nuong mahigit 50 taon niyang panahon sa Pilipinas, 1591-1645. Natagpuan din ang mga ulat ni Plasencia kasama sa mga batas na pinairal nuong 1598-1599 ng Audiencia, ang pamahalaang Espanyol sa Pilipinas, pahiwatig na pinag-usapan at malamang ginamit ito ng mga pinunong Espanyol nuong 1599 (Ordenanzas dadas por la Audiencia de Manila para el buen gobierno de aquellas yslas). Inilathala itong mga saysay ni Plasencia sa Madrid, Espanya, nuong 1892, ni Pedro Paterno sa kanyang pahayagang Barangay. Hinayag ni Paterno na bahagi ng kanyang sariling aklatan itong kasaysayan, subalit ayon kay Trinidad H Pardo de Tavera, kinopya lamang ni Paterno ang kasaysayan (relacion, narrative) mula sa kanyang (Tavera) pahayagan, Revista contemporanea, nuong Abril 1892. -------------oOo------------- Bayad, Mana Ng Mga Ampon.
Maraming anak dito ay mga ampon, at ang mana nila ay doble ng ibinayad para ampunin sila. Subalit kung mauna silang mamatay kaysa sa mga umampon sa kanila, walang pamana ang kanyang mga anak mula sa umampon, kahit na ang ibinayad na pang-ampon ay hindi nakukuha. Kasunduan, Kasalan, Divorcio.
Paiba-iba ang laki ng multa sa iba’t ibang puok, subalit laging pinakamalaki ang multa sa mga anak na ayaw magpakasal pagkatapos mamatay ang mga magulang na nakipagkasunduan ng kasalan. Ang buong bigay kaya ay isinasauli kapag nangyari ito. Kung buhay pa ang mga magulang nang tumangging mag-asawa ang anak, ang mga magulang ang nagbabayad ng multa sapagkat hinala na sila ang may pakana na huwag ituloy ang pag-aasawa ng anak. Ang bigay kaya ay hinahandog ng lalaki sa mga magulang ng babae. Kung ang babae ay ulila (huerfana, orphan), sa kanya ibinibigay ang bigay kaya. Kung sakaling mamatay ang mga magulang pagkatapos, ang anumang nalalabi sa bigay kaya ay isinasama sa mga pamana na pinaghahatian ng mga anak at mga kamag-anak, gaya ng naisulat ko na. Ang mga babae na walang asawa ay hindi maaaring magkaroon ng ari-arian, lupa o salapi, sapagkat lahat ng yaman na makamit nila ay inaasahang laan sa kanilang mga magulang. Kapag naghiwalay ang mag-asawa na walang anak, isinasauli ang bigay kaya sa lalaki kung ang babae and humiwalay. Kung mag-asawa uli ang babae, magbabayad siya sa lalaki ng dagdag na multa, katumbas ng bigay kaya. Kung ang lalaki ang humiwalay, kalahati lamang ng bigay kaya ang makukuha niya. Kung may mga anak na ang mag-asawa nang naghiwalay, sa mga anak napupunta ang bigay kaya at ang multa, hawak ng mga lolo o sinumang kamag-anak na magpapalaki sa mga bata. Para Sa Pamahalaan.
Sa Nagcarlan, (Laguna), Oct 21, 1589
|
|
ANG MGA TAGALOG ay kauri ng mga Malay, ayon sa kanilang wika. Mula pa nuong unang panahon, sila ay pinamunuan ng mga tinawag nilang dato, iginalang na ‘hari’ at sinunod, lalo na sa panahon ng digmaan. Ang sinumang sumuway sa dato ay pinarusahan nang malupit, kahit pumintas lamang sa pandinig ninuman, kahit na ng sariling asawa at mga anak niya. Maliit lamang ang sakop ng dato, may namamahala sa bandang 100 bahay-bahay, ang iba ay sakop ang 30 familia lamang. Ang sakop na ito ay tinawag sa Tagalog na ‘baranggay,’ katulad sa tawag nila sa bangkang pandagat na sinakyan nila papunta sa lupang ito. Kaya masasabing ang pinuno ng bangka ang naging o dati nang dato ng mga sakay na kamag-anak at mga alipin at patuloy na namuno sa kanila pagkarating dito. Maraming mga baranggay sa bawat nayon, o kung saka-sakaling hindi bumuo ng nayon ang mga baranggay, magkakalapit pa rin ang mga ito dahil sa kampihan nila sa digmaan. Subalit hiwa-hiwalay man o sama-sama sa isang nayon, hindi nagpasakop ang isang dato sa ibang dato at ang ugnayan nila ay batay lamang sa pagiging kamag-anak, kaibigan, o kakampi sa bakbakan. Ang Dato At Mga Maharlica.
Ang mga maharlica ay mga malaya (free-born) at hindi nagbabayad ng buwis (tribute) sa dato. Subalit kailangan silang umalalay sa dato sa sarili nilang pundar (ng pagkain, sandata at bangka) kapag may digmaan. Karaniwan, pinapakain silang lahat ng dato bago magpunta sa digmaan. Pagkatapos, hinahatian pa sila ng mga nakurakot sa labanan. Kapag naglakbay ang dato, kahit na walang digmaan, kailangang magsilbi ang mga maharlica bilang tagasagwan (oarsmen)ng bangka. Kailangan din silang tumulong sa pagtayo ng kubo ng dato, at kailangan naman silang pakainin nito. Ganuon din ang gawa sa paghanda ng bukid na taniman ng dato. Pinaghahatian Ang Mga Lupa.
Bagaman at hindi nagbu-buwis ang mga maharlica sa dato, sa ibang puok, halimbawa ang Pila dela Laguna (Pila sa lalawigan ng Laguna), nagbibigay sila ng 100 ganta ng palay bawat isa. Kasi, nuong unang dating nila, pag-aari ng ibang dato ang mga bukid at binili lamang ng dato nila, gamit ang sarili niyang ginto, upang magkaroon ng taniman ang bagong baranggay. Pinaghati-hatian ang biniling bukid at sinumang nabigyan ng sakahan ay naghuhulog taon-taon ngayon upang mabayaran ang ginasta ng kanilang dato. Natigil ang ganitong hati-hatian ng lupa simula nang dumating tayong mga Espanyol at inangkin natin lahat ng lupa bilang pag-aari ng hari ng Espanya. Sa ibang baranggay, may mga palaisdaan ang mga pinuno, binakuran nila at pinagpira-piraso ang sakop nilang mga ilog. Nagtayo din sila ng mga palengke (mercado, market) ng isda para sa mga tagabaranggay. Ang mga tagalabas na mangisda o maglako duon ay pinagbabayad ng upa at buwis. 2 Uri Ng Alipin.
Nagsisilbi sila sa kanilang mga panginoon, dato man o hindi, na binibigyan nila ng bahagi ng kanilang ani ng palay (arrozal, rice harvest), kalahati o kung anuman ang napagkasunduan nilang hatian. Nagsisilbi rin sila bilang tagapag-sagwan ng bangka tuwing lalaot ang kanilang panginoon. Ang mga aliping sa guiguilir (saguilguilid, sa gilid-gilid ang tawag ngayon) ay nagsisilbing tagasaka (tinawag ding sacada) at tagabukid, o alila sa bahay ng kanilang panginoon. Duon sila nakatira, sa mga kubo-kubo o kubakob sa gilid-gilid ng bukid o bakuran. Ang mga alila ay pakainin ng panginoon. Ang mga tagabukid ay binibigyan ng bahagi ng palay na ani bilang pagkain nila. Karaniwan silang mga nabihag sa digmaan at inalipin, pati na ang kanilang mga anak. Maaari silang ipagbili, pati na ang kanilang mga anak, lalo na ang mga tagabukid, subalit ang mga anak ng mga alila sa bahay ng panginoon ay karaniwang hindi ipinagbibili. Nalito Ang Mga Espanyol.
Bawal ito, batay sa kanilang gawi, at umangal ang mga namamahay. Subalit pagharap sa Espanyol, patutunayan nitong alipin nga ang namamahay at papayagang ipagbili o alilain ang kanilang mga anak dahil hindi nila alam ang kaibahan ng namamahay sa saguiguilir na tanging maaaring alilain o ipagbili. Pautangan, Patubuan, Alipinan.
Ang mga naalipin sa guiguilir dahil sa digmaan o pagpapanday ng ginto, maaari niyang tubusin ang sarili kung mayroon siyang sapat na ginto. Ang pangtubos ay hindi bumababa sa 5 tael na ginto upang maging namamahay ang alipin. At kung 10 tael ang ibayad niya, nagiging lubusan siyang malaya. Maliban dito, kalahati ng mga ari-arian niya ay ibinibigay niya sa kanyang panginoon sa isang pagtitipon na dinadaluhan ng maraming tao bilang saksi sa pagpapalaya. Pati ang mga palayok at banga at pinaghahatian, at kung mayroon naiwang nag-iisa, binabasag nila at pinaghahatian din ang pira-pirasong palayok o banga. Kung tela, pinupunit ito sa gitna at pinaghahatian din. |
Hatian Ng Mga Pag-aari, Anak.
Ang anak, sa ganitong pangyayari, ay kalahating alipin dahil alipin ang ina, at kalahating malaya, dahil malaya ang ama na siyang tutustos sa palaki ng bata. Kung ayaw niyang tustusan, pahiwatig ito na hindi niya tinatanggap na siya ang ama ng bata, at ito ay lubusang alipin. Kapag nag-asawa ang isang maharlica at isang alipin, namamahay man o sa guiguilir, pinaghahatian nang salit-salitan ang kanilang mga anak. Sa ama napupunta ang mga anak na pang-una, pang-3, pang-5 atbp. Sa ina napupunta ang pang-2, pang-4, pang-6 atbp. Ang katayuan ng mga anak, maharlica o alipin, ay batay sa magulang na pinuntahan nila. Kung isa lamang ang anak, o ang huling anak kung hindi pantay ang hatian ng mga magulang, siya ay kalahating maharlica at kalahating alipin. Hindi pinaghahatian habang musmos pa ang mga anak, paiba-iba sa bawat puok ang gulang ng mga anak bago paghatian. Kapag ang babaing malaya ay nabuntis ng alipin, ang lahat ng anak niya ay malaya rin basta hindi niya asawa ang alipin na nakabuntis. Humihina Ang Mga Pinuno.
Gawa ito babae o lalaki man ang lumipat, maliban lamang kung nag-asawa ang lalaki ng babaing taga-ibang baranggay. At pagkatapos ng lipatan, ang mga anak ay pinaghahati sa 2 baranggay. Sa ganitong paraan, hindi nauubusan ng alalay ang dato o pinuno ng baranggay. Subalit nababago na ugali ngayon. Kung ang dato o pinuno ay masipag magpasunod sa utos ng frayle o Espanyol, iniiwan siya agad ng mga taga-baranggay na lumilipat sa dato o pinuno na ipinagtatanggol sila laban sa mga utos ng mga Espanyol. Kailangang malunasan agad ito sapagkat nasisiraan ng loob ang mga dato at pinuno na nais sumunod sa mga frayle. Mga Batas At Hablahan.
Kung ang nag-aaway ay 2 dato o pinuno, kahit na magkaiba ang baranggay nila, tumatawag sila ng mga ibang dato at mga pinuno upang mamagitan sa away, at maiwasan ang digmaan. Sa pulong nila, panay ang inuman nila ng alak, karaniwang alok ng naghablang dato o pinuno. Sa batas nila, bitay ang parusa sa lalaki uminsulto o humamak sa asawa o anak na babae ng dato o pinuno, kung hindi maharlica ang lalaki. Bitay din ang parusa sa mga mangkukulam (brujas, witches) at iba pang mga gumagamit ng hiwaga upang saktan ang ibang tao, at ang mga kanilang mga anak at katulong ay ginagawang mga alipin ng dato o pinuno ng baranggay, ang nagbayad sa pinsala na ginawa ng mangkukulam. Maliban sa mga ito, wala na silang hinahatulan ng bitay. Sa kanilang mga batas, walang ring parusa na maging alipin maliban sa mga anak ng mangkukulam o kung makiusap ang nahatulang mabitay na magiging alipin na lamang siya. Karamihan ng mga nagiging alipin ay nahatulang mamultahan subalit walang sapat na ginto na pambayad. Pinagsisilbi na lamang siya bilang alipin ng sinumang pininsala niya, hanggang mabayaran ang multa. Pagtubos Sa Pinuno.
Ang iba, sa halip na maging alipin ng ibang tao, inaako ng kamag-anak o kaibigan ang bayad sa multa, at siya naman ang pagsisilbihan hanggang mabayaran ang pinambayad, karaniwang doble ng halaga ng multa. Sa gayon, ang nahatulan ay nagiging aliping namamahay ng kanyang kamag-anak o kaibigan, sa halip na aliping sa guiguilir ng naghabla sa kanya. Ganito nagiging alipin ang maraming tao kahit na hindi pagkaalipin ang hatol sa mga batas nila. Pamana Sa Maraming Asawa.
Kung may anak sa 2 o higit pang asawa, ang mana ng mga anak ay mula sa tinanggap ng kani-kanilang ina, kasama na ang mga bigay kaya nila. Ang mga anak ng lalaki sa mga alipin niyang babae ay walang pamana subalit kailangang palayain ng mga tunay na anak ang mga inang alipin. Tapos, kailangan nilang handugan ang mga anak ng aliping babae - tig-isang tael na ginto o isang alipin, kung ang ama ay isang dato o maharlica. Kung hindi, ang halaga ng handog ay kung ano ang pagkasunduan. ‘Inaasaua,’ Anak ‘Sa Labas’
Kung walang tunay na anak, ang mga sa alipin ang nagmamana ng ika-3 bahagi, ang mga anak ‘sa labas’ ang nagmamana ng nalalabing bahagi. Kung walang anak sa alipin, ang mga anak ‘sa labas’ ang nagmamana ng lahat. Kung walang tunay na anak o anak ‘sa labas,’ ang mana ay napupunta sa mga magulang, mga lolo at lola, mga kapatid o ang malalapit na kamag-anak. Sila ang magtutustos kung mayroong mang anak sa alipin ang namatay. |
|
Ang pinagkunan: Customs of the Tagalogs, OSF, bahagi ng The Philippine Islands, 1493-1898, nina Emma Helen Blair at James A. Robertson, inilathala sa Manila, 1903, Bank of the Philippine Islands commemorative CD re-release, 1998 Balik sa itaas Tahanan ng mga Kasaysayan Susunod: ‘Mga Dios at Halimaw ng mga Tagalog’ |