Jose Rizal   JOSE P. RIZAL:   Filipino columnist sa ‘La Solidaridad

Ang  Pilipinas,  Pagkaraan  Ng  100  Taon
‘Filipinas Dentro de Cien Años’   ( ‘The Philippines 100 Years Hence’ )

PANG-ARAL  Panlipunan-Pampolitika” (estudio politico-social, politico-social study) ang turing ni Jose Rizal sa 4 sanaysay (redacciones, columns) niya sa La Solidaridad, pahayagang nilathala tuwing 2 linggo nuong kataasan ng ‘Panahon ng Kalampag’ o ‘Panawagan’ (Propaganda Movement ) ng mga Pilipino sa España. Dito at sa mga sumusunod na pilas ( paginas, pages) ang mga sinulat niya sa Español, katabi ng salin sa Tagalog, upang ipakita kung tama ang mga panukala ni Rizal tungkol sa panahon ngayon - ang takdang 100 taon pagkaraan ng pagsulat niya.

            1.       ang balangkas ng kanilang nakaraan...

1.       el bosquejo de su pasado...

Sa Barcelona, España, nuong ika-30 ng Septiyembre 1889.

Ugali nating harapin kahit ang pinaka-mahirap at pinaka-maselang suliranin ng Pilipinas nang walang takot sa anumang ipaparusa sa ating pangangahas, kaya tutukuyin natin ngayon itong paksa ng kinabukasan ng ating bayan.

Para mabasa ang tadhana ng mga bayan, dapat buksan ang aklat ng nakaraan nila. Ang nakaraan ng Pilipino ay masasala sa ganitong balangkas:

Agad pagkatapos ipailalim sila sa kaharian ng España, kinailangan nang tustusan nila ng dugo at ng sikap ng kanilang mga anak ang mga digmaan at mga hinangad na pagsakop ng mga Español, at sa mga bakbakan, sa lunos ng mga tao nang nabago ang kanilang mga pamahalaan, batas, ugali, pagsamba at mga paniwala, nalipol ang Pilipinas at namulubi, at natigilan, gimbal sa mga pagbabago, walang tiwala sa nakaraan, walang panalig sa kasalukuyan at walang kaaliw-aliw na pag-asa sa mga darating na araw. Ang dati nilang mga maginuo, walang sinikap kundi makamit ang takot at pagsunod ng mga tauhan, sanayin sila sa pagsisilbi, ay nalagas parang mga dahon sa natuyong

Barcelona, 30 Septiembre 1889.

Siguiendo nuestra costumbre de abordar de frente las más árduas y delicadas cuestiones que se relacionan con Filipinas, sin importarnos nada las consecuencias que nuestra franqueza nos pudiera ocasionar, vamos en el presente artículo á tratar de su porvenir.

Para leer en el destino de los pueblos, es menester abrir el libro de su pasado. El pasado de Filipinas se reduce en grandes rasgos á lo que sigue:

Incorporadas apenas á la Corona Española, tuvieron que sostener con su sangre y con los esfuerzos de sus hijos las guerras y las ambiciones conquistadoras del pueblo español, y en estas luchas, en esa crisis terrible de los pueblos cuando cambian de gobierno, de leyes, de usos, costumbres, religión y creencias, las Filipinas se despoblaron, empobrecieron y atrasaron, sorprendidas en su metamorfosis, sin confianza ya en su pasado, sin fe aun en su presente y sin ninguna lisonjera esperanza en los venideros días. Los antiguos señores, que sólo habían tratado de conquistarse el temor y la sumisión de sus súbditos, por ellos acostumbrados á la servidumbre, cayeron como las hojas de un árbol seco, y el pueblo, que no les tenía ni amor ni conocía lo que era libertad, cambió fácilmente de amo, esperando tal vez ganar algo en la novedad.

punong-kahoy, at ang mga tao, na walang pagmamahal sa kanila, ni hindi naranas kung ano ang kalayaan, ay madaling nagpalit ng mga pinuno, sa pag-sang baka may mapala sa ganitong pagbabago.

Nuon nagsimula ang bagong buhay ng mga Pilipino. Namatay unti-unti ang kanilang mga lumang gawi, ang kanilang mga alaala; nalimot nila ang kanilang mga panulat, mga awit, mga tula, mga batas, upang maisa-ulo ang mga ibang paniniwala na hindi nila nauunawa, ibang kabutihan, ibang kagandahan, kaiba sa dating nagpasigla sa kanilang lahi, lapat sa kanilang kalagayan at sa gamay ng pag-iisip. Sumunod ang pagka-aba, kahabag-habag sa sariling tingin, ikinahiya ang mga sariling-kanila at mga nasa bayan, upang humanga at itanghal ang anumang dayuhan at hindi naunawaan; nakuba ang kanilang diwa at sila ay napaluhod.

At ganito lumipas ang mga taon, ang daan-daang taon. Ang mga pagtatanghal

Comenzó entonces una nueva era para los Filipinos. Perdieron poco á poco sus antiguas tradiciones, sus recuerdos; olvidaron su escritura, sus cantos, sus poesías, sus leyes, para aprenderse de memoria otras doctrinas, que no comprendían, otra moral, otra estética, diferentes de las inspiradas á su raza por el clima y por su manera de sentir. Entonces rebajóse, degradándose ante sus mismos ojos, avergonzóse de lo que era suyo y nacional, para admirar y alabar cuanto era extraño é incomprensible; abatióse su espíritu y se doblegó.

Y así pasaron años y pasaron siglos. Las pompas religiosas, los ritos que hablan á los ojos, los cantos, las luces, las imágenes vestidas de oro, un culto en un idioma misterioso, los cuentos, los milagros, y los sermones fueron hipnotizando el espíritu, supersticioso ya de por sí, del país, pero sin conseguir destruirlo por completo, á pesar de todo el sistema después desplegado y seguido con implacable tenacidad.

sa simbahan, ang mga maganda lamang sa tingin, ang mga awit at ilaw, ang mga estatwang dinamitan ng ginto, ang pagdasal sa balaghang wika, ang mga alamat, ang mga himala, ang mga pangaral na nagpatulog sa diwa ng bayan na likas nang mapagpaniwala simula’t simula pa, subalit hindi napatay ang diwa nang lubusan, kahit isang buong patakaran ang itinatag pagkatapos at walang awang ipinataw.
Nang sadlak na ang mga bayan sa sira ng luob, sa paghamak sa sarili, sinadya pang ihataw ang katapusang dagok, upang lubusang burahin ang anumang katiting na kusang luob at natutulog na pag-iisip, upang magawa ang mga tao na isang uri ng peon, ng hayop, ng barakong tagahila, mistulang tao na walang utak at walang puso. Nuon nabunyag ang minimithi, inamin ang ipinagkaila, ang pag-aglahi sa lahi, itatwa ang kabutihan, anumang pagkatao nito, at may mga manunulat at mga pari pang nagsikap ng higit, isagad ang tinatangka, ipinagkait sa mga anak ng bayan hindi lamang ang kakayahang gumawa ng mabuti, kundi pati ang hirati para sa masama.

Datapwa, itong tangkang inakalang papatay ang siyang sumagip sa diwa. Agaw-buhay na, gumaling ang mga tao sa tulong ng mga mabisang gamot.

Itong pagdurusa ay nagtapos sa mga paglibak, at ang natutulog na diwa ay muling nagkabuhay. Ang matalim na pakiramdam, katangian at lakas ng mga indio*, ay nasugatan, at kung may hinahon silang magdusa at mamatay sa paanan ng watawat ng dayuhan, wala ito nang palitan ng mga ipinagtanggol nila ang kanilang pagtitiis ng mga paglibak at kabalbalan.

Llegado á este estado el rebajamiento moral de los habitantes, el desaliento, el disgusto de sí mismo, se quiso dar entonces el último golpe de gracia, para reducir á la nada tantas voluntades y tantos cerebros adormecidos, para hacer de los individuos una especie de brazos, de brutos, de bestias de carga, así como una humanidad sin cerebro y sin corazón. Entonces díjose, dióse por admitido lo que se pretendía, se insultó á la raza, se trató de negarle toda virtud, toda cualidad humana, y hasta hubo escritores y sacerdotes que, llevando el golpe más adelante, quisieron negar á los hijos del país no sólo la capacidad para la virtud, sino también hasta la disposición para el vicio.

Entonces esto que creyeron que iba á ser la muerte fué precisamente su salvación. Moribundos hay que vuelven á la salud merced á ciertos medicamentos fuertes.

Tantos sufrimientos se colmaron con los insultos, y el aletargado espíritu volvió á la vida. La sensibilidad, la cualidad por excelencia del Indio, fué herida, y si paciencia tuvo para sufrir y morir al pie de una bandera extranjera, no la tuvo cuando aquel, por quien moría, le pagaba su sacrificio con insultos y sandeces. Entonces examinóse poco á poco, y conoció su desgracia. Los que no esperaban este resultado, cual los amos despóticos, consideraron como una injuria toda queja, toda protesta, y castigóse con la muerte, tratóse de ahogar en sangre todo grito de dolor, y faltas tras faltas se cometieron.

Pagkatapos, sinuri nila nang unti-unti, at naunawaan ang kanilang pagka-api. Ang mga palalong naghahari, hindi inaasahan itong pangyayari, ay tinuring na pagkalaban ang bawat angal, lahat ng pagtutol, at pinarusahan ng kamatayan, tinangka sa gayon na lunurin sa dugo ang lahat ng sigaw ng hapdi, at nagkasala sila nang nagkasala.

[ * Indios o mga taga-India ang tawag ng Español sa mga sakop na tao sa America at Pilipinas. Nagkamali kasi si Christopher Columbus (Cristobal Colon sa Español )
nang unang dating sa America nuong 1492, akala niya bahagi ng India, kaya tinawag niyang Indios ang mga tagaruon. Kamukha kasi, itinawag din sa mga Pilipino.  -- ejl ]

Hindi napipilan ang diwa ng bayan sa ganitong pananakot, at kahit ilan-ilan lamang ang mga pusong nagising, ang alab nila ay masugid at talagang kumalat, salamat sa mga kalabisan at mga tangang tangka ng ilang bahagi ng lipunan na sugpuin ang mga magiting at mapagbiyayang damdamin. Kaya tulad sa pagkapit ng apoy sa damit, ang takot at taranta ay nagpaliyab nang nagpaliyab, at bawat yugyog, bawat dagok ay parang sambulat ng ihip na bumuhay sa apoy.

Walang alinlangan, habang nagaganap lahat ng ito, hindi nawala ang mga mapagpalaya at magiting sa mga sumasakop na nagsikap ipaglaban ang

El espíritu del pueblo no se dejó por esto intimidar, y si bien se había despertado en pocos corazones, su llama, sin embargo, se propagaba segura y voraz, gracias á los abusos y á los torpes manejos de ciertas clases para apagar sentimientos nobles y generosos. Así cuando una llama prende á un vestido, el temor y el azoramiento hacen que se propague más y más, y cada sacudida, cada golpe es un soplo de fuelle que la va á avivar.

Indudablemente que durante todo este período ni faltaron generosos y nobles espíritus entre la raza dominante que trataran de luchar por los fueros de la justicia y de la humanidad, ni almas mezquinas y cobardes entre la raza dominada que ayudaran al envilecimiento de su propia patria. Pero unos y otros fueron excepciones y hablamos en términos generales.

pagtanghal ng katarungan at pakikipag-kapwa tao, gayon din ang mga imbi at mga duwag sa mga nasasakop na tumulong sa pag-api sa sarili nilang bayan. Subalit sila ang mga naiba, at ang tinutukoy namin ay ang karaniwan.

Ito ang balangkas ng kanilang nakaraan. Alam natin ang kanilang kasalukuyan. At ngayon, ano ang kanilang magiging kinabukasan?

Magpapatuloy bang sakop ng España ang kapuluan ng Pilipinas, at, kung gayon, anong uri ng pagsakop? Sila ba ay magiging mga lalawigang Español, na mayruon o walang sariling pamahalaan? At upang magkatutuo ito, anong mga pagsisikap ang dapat tiiisin?

Hihiwalay kaya mula sa Inang Bayan* upang mabuhay nang nagsasarili, upang mapasa-kamay ng ibang bayan o upang makakampi ng mga malakas na kapit-bayan?

Hindi masasagot itong mga tanong, sapagkat lahat ay maaaring sagutin ng oo o ng hindi, batay sa panahong nais ituring. Kung walang kalagayang walang

Esto ha sido el bosquejo de su pasado. Conocemos su presente. Y ahora, ¿cuál será su porvenir?

¿Continuarán las Islas Filipinas como colonia española, y, en este caso, qué clase de colonia? ¿Llegarán á ser provincias españolas con ó sin autonomía? Y para llegar á este estado, ¿qué clase de sacrificios tendrá que hacer?

¿Se separarán tal vez de la Madre patria para vivir independientes, para caer en manos de otras naciones ó para aliarse con otras potencias vecinas?

Es imposible contestar á estas preguntas, pues á todas se puede responder con un sí y un no, según el tiempo que se quiera marcar. Si no hay un estado eterno en la naturaleza, ¡cuánto menos lo debe de haber en la vida de los pueblos, seres dotados de movilidad y movimiento! Así es que para responder á estas preguntas es necesario fijar un espacio ilimitado de tiempo, y con arreglo á él tratar de prever los futuros acontecimientos.

hanggan sa kalikasan, lalo nang wala sa buhay ng mga tao na nabigyan ng kakayahang gumalaw at lumibot! Kaya naman, kung sasagutin itong mga tanong, kailangang panahong walang takda ang ituring, at ayon dito hulaan ang magaganap sa mga darating na panahon.

[ * La Madre Patria - España ang itinuturing ni Rizal na Inang Bayan (motherland ) at mga Español ang itinuturing niyang Nacion nuong bahaging ito ng kanyang buhay.   -- ejl ]

Ulitin mula sa itaas                       Bayani: Hindi Karaniwang Mga Pilipino                       Tahanan Ng Mga Kasaysayan Ng Pilipinas                       Sunod na kabanata