ANG KASAYSAYAN NG PINAKA-MARAMING DAYUHAN Ang Mga ‘Intsik’ Sa Pilipinas Sa ibang bayan sa timog silangang Asia, ang mga MAHIGIT isang libong taon na ang ugnayan ng mga Intsik sa iba’t ibang bayan sa timog silangan subalit maliban sa Vietnam na sinakop ng China nang ilang daang taon, pinakamatagal ang danak ng mga Intsik sa Pilipinas. Katunayang napakatagal na sila rito, naging bahagi na sila ng lipunan at dugo ng mga Pinoy - ang tinatawag na mestizong Intsik, ang mga chinitos at chinitas nuong panahon ng Español, ang mga tumatawag sa sarili ng ‘Tsinoy’ o Chinese Pinoy sa kasalukuyan. Nuong una ay patak-patak lamang ang dating ng mga Intsik, paisa-isang barko ng mga nagkalakal mula sa Chincheo, ang malawak na dalampasigan ng timog China na binubuo ngayon ng mga lalawigan ng Fujian at Guangdong. May ilang ‘talon bakod’ na nag-familia na sa pulu-pulo upang makatakas sa hirap ng buhay sa China subalit sa pagdating ng mga Español, at sa palaot nila ng ‘galleon trade’ talagang bumuhos ang mga Intsik - mga nagkalakal at |
![]() Sila ang nagtayo ng Intramuros, inabot ng mahigit 100 taon sa tagal ng fundar at mando ng mga Español. Sila ang umukit para sa mga frayle ng mga estatwa ng santos, ng nazarenos, ng mga mahal na virgen na sinasamba pa hanggang ngayon sa Quiapo, sa Santo Domingo (‘La Señora de la Naval’) at sa iba pang mga simbahan sa kapuluan, at sa Mexico (‘La Señora de Guadalupe’). |
![]() Pagkaraan ng panahon pa, sila at ang mga anak nilang Chinos ay nagmana na rin ng kapangyarihang politica at kasama-sama silang nanguna sa pagmithi, at manawagan, ng dagdag na kapangyarihan, ng pagtigil ng pagmamalupit ng mga Español. Kasama-sama rin silang sinupil, pinarusahan, binitay ng mga Español. Sa harap ng walang tigil na dahas, lupit at pagsamantala ng mga Español, patuloy na dumanak ang mga Intsik mula sa hirap, kawalang-pag-asa at |
digmaan sa China, patuloy na nagsikap, nagtiyaga at nagtiis sa pag-ipit ng mga Español, ikinulong pa sila sa Parian, ang kauna-unahang Chinatown sa buong mondo na sila mismo ang pinagtayo, at pinagbawalang lumikas sa ibang panig ng Pilipinas. Paulit-ulit silang nilimas at ipinatapon pabalik sa China. Ilang ulit silang nilupig at pinuksa ng mga Español, katulong ang mga Pilipino.
Nagkaluwagan nuong simula ng ika-19 sandaang taon, nang naguho ang imperio ng kaharian ng España, natastas ang mga sakop nito sa Europa at America. Nang matigil ang galleon trade at ang tustos mula Mexico nuong 1815, napilitan ang pamahalaan ng España sa Madrid na palawakin ang kalakal at kita sa Pilipinas upang matustusan ang pamahalaan sa Manila. Napilitan silang buksan nuong 1834 ang kalakal ng Pilipinas hindi lamang sa mga sakop ng España kundi pati na sa iba’t ibang bayan ng mondo. Napilitan sila nuong 1834 na pawalan ang mga Intsik mula sa Parian upang makatulong sa pag-fundar ng mga pagawaan, taniman at palaisdaan sa lahat ng bahagi ng kapuluan. Kasama-sama ang mga Intsik sa Manila sa gastos, ang pakyawan, imbakan at patubuan, ng mga bagong kalakal. Kasa-kasama ang mga Intsik sa bukid sa pagtanim at pagpalawak ng mga tobaco, azucar at abaca na pinakyaw ng mga taga-Britain, France, Netherlands at ng lumalaking bayan ng United States sa America. |
Patuloy ang agos ng mga Intsik, lalo na nang nag-aklasan nang 13 taon ang mga taga-Chincheo nuong 1851 hanggang nasupil nuong 1864 (Taiping rebellion). Ang mga bagong pasok ay umayaw sa madugong himagsikan ng mga Tagalog nuong 1896 hanggang 1897 subalit ang mga anak-anakang chinitos ng mga dati na ay kasa-kasaling lumaban, o kumampi, sa mga Español. Nang magapi ang mga Español at pumasok ang mga Amerkano nuong 1898, muling umayaw ang mga Intsik na bagong dating, naglingkod pa ang marami sa mga Amerkano, samantalang katu-katulong uli ang mga chinitos nuong 1899 sa pagkampi, paglaban at hanggang pagsuko nuong 1901. Tinangka ng mga Amerkano na iwaksi ang mga Intsik sa kanilang pagsakop sa Pilipinas hanggang 1936 nang nagsimulang pamahalaan ng mga Pilipino ang kapuluan sa itinatag na Commonwealth. Tinangka rin ng mga Pilipino, nang naging malaya at nakapag-isa mula nuong 1946, na harangin ang patuloy na danak mula China at iwaksi ang mga Intsik sa mga mahalagang hanapang-buhay sa Pilipinas subalit, gaya nuong panahon ng Amerkano, kapwa nabigo ang 2 layunin. Hanggang ngayon, panay pa rin ang puslit ng mga bagong salta, milyon-milyong Intsik na ang ayaw pa ring makihalo sa mga katutubo, sa harap ng pahirap at amnesty sa mga overstaying Chinese, sa kabila ng mga paglibak, paghuthot at pag-kidnap ng mga Pilipino. Mahigpit na mahigpit na ang hawak ng mga Intsik sa kalakal ng Pilipinas. |
![]() Nagtataka ang mga taga-America at ang mga taga-karatig bayan sa Asia sa turing ng mga Pilipino sa mga mestizong Intsik subalit tinatanggap na rito sa Pilipinas na pinaghirapan ng libu-libong anak-anakan ng mga Intsik ang karapatang maging kababayan, na daig karamihan sa kanila ay lubusang Pilipino na. |
I-email ang tanong o kuru-kuro Balik sa itaas Lista ng mga kabanata Mga kasaysayan ng Pilipinas Sunod na kabanata |