|
01/03/07
Pwede ko po bang malaman ang mga talambuhay ng mga dakilang bayani tulad nina: Flaviano Yengko, Mariano Llaner, Mariano Alvares, Mariano Trias, Agueda Bahabagan, Vicente Lukban, at Simeon Ola? Kailan at saan sila pinanganak, mga kapatid, magulang, asawa, anak, edukasyong natapos, mga kabayanihang ginawa at kailan, saan at paano sila namatay.
Flaviano Yengko
General Mariano Llaner y Nunez, the second in command of the
Revolutionary Army
Mariano Alvarez
Mariano Trias
|
EMAIL: Mga Tanong at Kuro ng mga Bumasa
|
|
Agueda Kahabagan
http://www.msc.edu.ph/centennial/hero/bicol/page8.html http://www.geocities.com/CollegePark/Pool/1644/iniquinto.html http://www.univie.ac.at/Voelkerkunde/apsis/aufi/wstat/heroine.htm Vicente Lukban
Simeon Ola
Marami pang mga bayani sa “Ang mga Pilipino sa Ating Kasaysayan”
Maraming salamat sa iyong sulat!
Ako’y lubos natutuwa dahil kahit papaano ay nagawan nyo po ng paraan para masagot ang mga katanungan ko. Isang malaking tulong po ito para sa proyekto ng aking pamangkin. Nawa’y magpatuloy pa po kayo sa pagtulong sa mga katulad namin. Maraming, maraming salamat. |
|
|
01/04/07 Unang mga Pilipino o Ninuno ng mga Pilipino
Ako po ay si Marcos Ursua. Isa po akong editor sa isang publishing house. Kasalukuyan po akong nag-e-edit ng aklat sa kasaysayan para sa elementarya. Ayon po sa iba, hindi na po tinatanggap o itinuturing na ninuno ng mga Pilipino ang mga Negrito, Malay at Indones. Sila iyong kabilang sa migration waves. Nakalilito lang pong isipin sapagkat laganap naman po ang mga Negrito o anupa mang tawag sa kanila sa ating bansa. May nabasa rin po ako na Astronesian na raw po ang ninuno ng mga Pilipino. Iyan din po ang sinabi ng ilang manunulat ng aklat sa kasaysayan nang ako po ay dumalo sa kanilang seminar-workshop. Sinu-sino po ang tinutukoy na mga Astronesian? Naguguluhan lamang po ako kung sinu-sino po talaga ang ninuno nating mga Pilipino. Nais ko po sanang isangguni sa inyo ito. Nais ko rin pong bigyan ng konkreto at tamang impormasyon ang mga mag-aaral na gagamit ng aklat na tinatapos po namin. Maraming salamat po. Sana po malinawan ako sa bagay na ito. God bless po! Sumasainyo,
|
|
|
01/04/07
Magandang araw, Marcos! Ang sagot sa iyong mga tanong ay nasa website ding ito, sa mga unang kabanata ng “PINAS, Munting Kasaysayan ng Pira-pirasong Bayan” - (1) Ang Unang Tao, (2) Sino Ba Tayo? (3) Ang Mga Magdaragat, at (4) Buhay Baranggay. Mababasa rin sa 2 hiwalay na aklat ng “Taong Bato ng Tabon at ang Unang Panahon sa Pilipinas” at “Ang Kuya Ay Intsik” na nasa website ding ito. Mahaba ang paksa kaya bibigyan kita nitong balangkas: Mali ang panukala ng “migration waves,” napatunayan mahigit 50 taon na subalit itinuturo pa sa mga paaralan sapagkat magastos palitan ang mga aklat (Baka malunasan mo ito sa iyong aklat, Marcos!) Mapanganib, malamang mali rin ang sabihing Negrito, Malay at Indonesian ang ating mga ninuno. Una, ang Malay, Indonesia at Pilipino ay iisang tao ( 30 taon nang laos ang “lahi” o “race” kaya huwag mo nang isali sa iyong aklat dahil wala nang katuturan - wika, kaugalian at bahagi ng daigdig na pinagmulan, “ethnicity” sa English, ang gamit na), ang uso ngayong tawaging “Malay.” May mga agham pang nagkukuro na kabilang ang Negrito sa pangkat, at hindi maipagka-kaila na sa maraming lalawigan ng Malaysia, Indonesia, Burma, India at Pilipinas, magka-ugnay at magkahalo ang Malay at Negrito hanggang ngayon. Pang-2, maraming tagapulo sa Pacific Ocean (kabilang ang Guam at Palau), sa Ryukyus (nanduon ang Okinawa), sa mga dalampasigan ng timog China, sa Vietnam, sa Cambodia, sa Thailand, hanggang sa Burma (duon nagmula ang kudyapi), silangan at timog India, ay nakarating at namahay sa Pilipinas nitong nakaraang 7,000 taon. Pang-3, marami ring taga-England, España, Portugal, Italy, United States at iba pang bayan sa Europe ang nagtagal at nagka-anak sa Pilipinas (dapat ibilang ang mga |
“naiwan sa pier” at ang mga “anak ng pari”).
Pang-4, daig karamihan ng “mestizo” sa Pilipinas ay may “dugong Intsik.” Ang pagsaka sa putikan sa Central at Northeastern Luzon ay ugaling dala ng daan-daan libong Intsik na lumikas sa Pilipinas nuong panahon ng Español. Lahat sila ay ninuno ng Pilipino. Kailan lamang, naaninaw na mga Pilipino ang ninuno ng maraming mga taga-timog China (pati Taiwan), taga-Malaysia at taga-Indonesia. Walang “migration wave” sapagkat nitong nakaraang 7,000 - 10,000 taon, balik-balikan ang lakbay ng mga angkan-angkan mula at papuntang Pilipinas. Dapat isipin na walang bayan-bayan nuon at malayang naglilipat-lipat ang mga tao (hanggang ngayon, isang lalawigan ang kapuluan ng Sulu, Tawi-Tawi at hilagang Borneo, ayon sa turing ng mga taga-ruon, na magkakamag-anak) mula sa Pacific Ocean, Pilipinas, Indonesia, India, hanggang sa Madagascar (sa tabi ng Africa). Maliban sa mga taga-US at taga-Europe, sila ang tinatawag ngayong “Austronesians” o mga taga-pulong Timog (ng Asia) dahil magka-ugnay ang mga wika, at magkahawig ang pamumuhay ng pangingisda at paglalayag sa ilog at dagat, maliliit kasi ang mga pulong tinitirhan. Hinihiwalay sila sa mga taga-lawak lupain (mainland) ng Asia - ang tinatawag nating Intsik at Bumbay (taga-India) na maituturing na mga magsasaka at sa lupa (at mga bundok) naglalakbay sapagkat malalaki ang lupaing kanilang tinirhan. Maraming bagay-bagay (details) sa paksang ito, at hihimukin kitang basahin ang mga aklat at kabanatang nakasulat sa itaas upang mapanatag ang iyong kaalaman ukol sa kanunuan at pinagmulan ng Pilipino. Sana’y makatulong ito sa iyo. Salamat sa iyong liham!
|
|
01/06/07
project ko ito... could you please help me in this project...
SEAsite, a project of Northern Illinois University and Philippine Information Resources
Philippine Literature in Spanish
|
History of Mass Media In the Philippines
Embassy of Finland http://www.finlandembassy.ph/texting3.htm First Newspaper
The Study on the Philippines
Philippine Literature During the American rule,
Literature of the Philippines
Philippine literature in The Commonwealth Period
Media: Fast Facts and Profile
|
|
01/08/07
Dear Sir/Madam,
Marami pong salamat at magandang gabi sa inyo. God Bless,
01/08/07
|
Ipinagpatuloy Ni Gabriela Silang Ang Himagsikan
Gabriela Silang: Simbulo ng Kababaihan
ni Divina Gracia R. Lutrania
Makatulong sana ito sa iyong anak. Maraming salamat sa iyong liham!
Yours Trully,
|
|
01/10/07
magandang araw poh! ahmm... may gusto lang po akong itanong... anu po ba ang ibig sabihin ng neokolonyalismo at transnasyunalismo??? paano po ba tayo makakalaya sa kuko ng neokolonyalismo?? ...salamat poh! :-) myrene
01/13/07
ang neocolonialism [ bigkas: NI-yokolonya-LI-sim. ang “neocolonialismo” ay español at walang katuturang palitan ang katagang dayuhan ng katagang dayuhan din. isa pa, hiniram lang ng español ang “neocolonialismo” mula sa english. ] o “panibagong pagsakop” ay ang patuloy na pamamahala ng dating sumasakop na bayan sa yaman, kalakal at sikap ng bayan na dating sakop. tulad sa p’nas pagkatapos lumaya nuong july 4, 1946, mga amerkano pa rin ang nagpatakbo sa education at iba pang departments ng gobierno bagaman at “kawani” kunyari sila ng p’nas. at hanggang ngayon, america ang binibilhan ng p’nas ng mga sandata para sa mga sundalo - nakasulat sa mga pautang ng america sa pamahalaan ng p’nas.
marami pang salik ang neocolonialism, buong aklat ang maisusulat kung susuriing lahat, kaya sapat na itong “buto” ng paksa. at kung paano makaka-laya sa neocolonialism ay pulos sapantaha at wala pang sagot maliban sa: kapag yumaman ang bayan at mamamayan sa sariling sikap, tulad ng japan at korea, at sinusugid ngayon ng china, nakakaya nilang tapusin ang panibagong pagsakop sa kanilang bayan.
ang transnationalism [ bigkas: trans-NAS-yona-LI-sim. uli, ang “transnacionalismo” ay español ] o “ugnayan ng mga lipi” ay pangalang ibininyag ni Randolph Bourne
|
halos 100 taon sa nakaraan subalit ngayon lang sumikat dahil sa paglawak ng “internet” at pag-uusap ng mga tao sa iba’t ibang bayan. kaugnay nito ang tinatawag na “global village” o “baranggay pang-daigdig” na usong pag-usapan ngayon subalit bahagya lamang nauunawa sa p’nas.
dati-rati, internationalism [ bigkas: inter-NAS-yona-LI-sim ] lamang ang ugnayan ng mga bayan, pinadadaan sa mga kasunduan ng kanya-kanyang pamahalaan. halimbawa nito ang “ofw” o “overseas filipino workers” ng mga p’noys at p’nays na nagta-trabajo abroad. ang kasunduan ay ginanap ng pamahalaan ng p’nas at ng pamahalaan ng anumang bayan na tumanggap ng mga trabajador mula sa p’nas. halimbawa rin ang united nations, asean, atbp samahan ng mga pamahalaan. ngayon, dahil sa “internet” at “satellite communication,” puwede nang makipag-kasundo ang mga pangkat sa p’nas sa pangkat sa ibang bayan - nang hindi pinapadaan sa kani-kanilang pamahalaan. halimbawa nito ang mga “non-government organization” o “ngo” (“katipunang hindi sangkot sa pamahalaan”) na naglipana sa p’nas ngayon, nakikipag-ugnay sa mga tao nang hindi pinadadaan sa pamahalaan sa manila. kabilang dito ang greenpeace na lipana sa buong daigdig, Médecins sans Frontières o doctors without borders, ang “born again” at iba pang lipunang christian na nakikipag-ugnay derecho sa mga nayon, baranggay at sitios. itong misionarios ay daan-daan taon nang gumagala sa buong daigdig subalit ngayon lamang kinikilalang bahagi ng transnationalism. halimbawa rin ng transnationalism ang kalakal at lakbayan sa iba’t ibang bayan tulad ng microsoft, toyota, ang mga negocio ng p’noys sa taiwan at china na pinag-kasunduan ng mga tao at, maliban sa buwis at iba pang batas, hindi ng mga pamahalaan. sana’y makatulong ito sa iyo. salamat sa sulat mo!
|
|
01/10/07
anong mga salik po ba ang nakatulong sa mga Hapones upang makabangon sa pagbagsak???? salamat poh! ! ! ! ! sana po meron ng sagot bukas... myrene
01/13/07
|
salik na tumulong magpa-unlad sa mga Hapones, isa lamang ang alam ko:
Sanay silang mag-trabajo nang mabigat at matagal, karaniwang 12 o 14 oras araw-araw, kahit Sunday o walang day-off, taon-taon habang buhay nila. Bihirang Hapon ang nakaupo at nagpapahinga kundi matanda na at “retired” na. Subalit ito ay nakikita rin sa China, Korea, Taiwan, Singapore, - at sa P’nas. Kaya may iba pang salik sa pag-unlad ng mga bayang iyon. Malamang mas maraming “graft and corruption” sa pamahalaan ng P’nas pero hinala ko lamang ito at walang katibayan na mas importante ito kaysa ibang salik o “elements” na nagpapa-unlad sa bayan. Paciencia uli at hindi kita natulungan.
|
|
01/13/07
magandang araw po sa inyo!!!! nais ko lang po sanang itanong kung bakit higit na tinutulungan ng mga amerikano ang hapones kaysa pilipinas? higit bang maraming katangian ang mga hapones kaysa mga pilipino??? sana po masagutan niyo itong mga tanong ko kasi kailangang kailangan ko po talaga... takdang aralin po namin ito at ipapasa sa lunes, 15 ng enero... myrene
01/13/07
nuong pagkatapos ng guerra, World War II, ang tinatawag nating “panahon ng hapon,” sinakop ng america ang japan at sila ang nagpalakad ng
pamahalaan. dahil sagutin nila ang kapakanan ng mga hapones nuon, mas malaki ang tulong na ibinuhos duon kaysa sa pilipinas.
nang sumabog ang Korean War nuong 1951-1953, malaking pundar ang ipinasok ng america sa japan dahil duon kinumpuni at ginawa ang mga sasakyan, tangke, kanyon,
barko at iba pang sandata na ginamit ng amerkano panglaban sa comunista sa korea. nuong panahon ding iyon, lumaganap ang mga hukbalahap sa luzon.
|
hindi kasing laki ang itinulong ng america sa p’nas ( hindi kasi tayo marunong gumawa ng sasakyan at sandata) subalit 10 million dollars din ang ibinigay taon-taon kay ramon magsaysay upang ipa-sueldo sa mga sundalong pumuksa sa mga huks.
ngayong wala nang huk, at malaya na ang pamahalaan ng japan, mas malaki ang tulong ng america sa pilipinas kaysa sa japan, lalo na sa national defense o tanggulang bayan, at sa tustos sa pamahalaan sa pamamagitan ng pag-utang ng malacañang pang-sueldo sa mga government employees. lumalabas lamang na mas malaki ang “tulong” ng america sa japan sapagkat mas maraming salapi ang ipinapasok duon ng mga corporation ng amerkano. subalit ito ay hindi “tulong” kundi “investment” o “trade” na pinagkikitahan. sa madaling salita, duon ang punta ng mas malaking pera dahil mas malaki ang kita duon. tulad sa pasok ng pera sa manila at sa mga palayan sa luzon dahil mas malaki ang kita duon kaysa ibang lugar na walang bigasan o kalakal. at tulad sa mga sasakyan at tangke, mas maraming gamit at bagay na ginagawa sa japan kaysa sa p’nas na gusto ng amerkano, tulad ng computers, kotse, tractor, makinarya, atbp. unti-unti, nagkakaruon din sa p’nas ng dunong sa industria kaya lalaki rin ang “tulong” - na sa tuusan ay “puhunan” o “pundar” - sa p’nas ng amerkano. sana’y makalinaw ito sa iyo. salamat sa sulat mo! |
|
Balik sa nakaraan Ulitin mula sa itaas Mag-email ng tanong at kuru-kuro Tahanan Ng Mga Kasaysayan Ipagpatuloy sa sumusunod |
|