Ang Mga Kabanata 1. Unang Pagkita Sa Kapuluan, 2. Natagpuan ang Santo Nino, 3. Sinakop Ang Buong Kapuluan 5. Milagro Sa Manila 8. Salot Ng Bulutong 9. Kung Paano Nailipat 10. Kung Paano Maligo 11. Digmaan Ng Negrito 12. Pag-alis Namin Sa Tigbauan, 13. Pagyao Ng Unang Rector Ng Colegio 14. Ang Mga Jesuit Sa Pilipinas, 15. Mga Wika Sa Pilipinas: 16. Ang Galang At Ganda Ng 17. Ang Pagsulat At Ang 18. Mga Espanyol Sa Manila, 1596 - 1597 19. Manila, 1596-1597 20. Taytay At Antipolo, 1597 21. Mga Diwata, Pamahiin 22. Lihim Na Pagsamba 23. Unang Colegio Sa Cebu, 25. Ang Nagawa Ng Mga Jesuit 26. Tumakas, Nagpabinyag 27. Mga Taga-Palo, Leyte 28. Ang Convento Ng Mga Jesuit 29. Pinuno Sa Ormoc, Leyte 30. Kasalan, Paghihiwalay 33. Luksa, Libing Sa Patay, 34. Lasingan At Kainan 35. Panggamot Sa Salot 37. Visayas, 1596-1597 38. Mga Espanyol Sa Manila, 1598 39. Pakikiapid Sa Manila, 1598 40. Sa Antipolo At 41. Pakikiapid Sinupil Sa Cebu, 42. Panglao At Siquijor, 43. Sa Butuan, Mindanao 44. Ayaw Pabinyag, Namatay 45. 2 Abuso Inawat Sa 46. Pautang, Patubuan At 48. Ayaw Na Sa ‘Baliana’ 49. Ketong Napagaling 50. Paranas Sa Samar Sikat 51. Pagdalaw Ng Mataas Na Pinunong 52. Lindol Sa Manila, 1599 53. Pagsugpo Sa Mga 54. Minulto Sa Cebu, Ang 55. Manghuhula Sa Bohol 56. Nailigtas Ng Agnus Dei 57. Pagtakas At Digmaan 58. Mga Awit Waray-waray 59. Tumanggi Ang Bulag 60. Binato Sa Ormoc, Leyte 61. Sermon Sa Waray-Waray, 62. 2 Pipi Bininyagan 63. 1,000 Bininyagan 64. Paglubog Ng Mga Barko, 65. Nasagip 9 Jesuit Sa Wasak Na Barko 66. Kabanalan Ng Mga |
PAGHANAP SA MGA UNANG PILIPINO: Chronicles Relacion de las Islas Filipinas
Kasaysayan Ng Mga Pulo Ng Pilipinas
|
|
‘MINABUTI ng haring catholico, upang lalong mapalawak ang pangaral ng simbahan, na iwasan ang agawan at ang kasunod na bakbakan ng mga frayle. Inutos niyang magkanya-kanyang lalawigan at walang pakialaman ang iba’t ibang lipunan ng mga frayle sa Pilipinas, nang sa ganuon, walang gulo. ‘Hinayaan niya sa mga lipunan ni San Francisco (Franciscans) at ni San Agustin (Augustinians) ang mga lalawigang hawak na nila mula nuong una silang mangaral sa mga indio, marami at masaganang mga puok. Sa lipunan ng mga frayle ni Santo Domingo (Dominicans), nahuli ng 5 taon sa amin nang dumating, ibinigay niya ang mga nalalabing purok sa Nueva Segovia na hindi pa napapasok ng ibang frayle. ‘Para sa aming lipunan ni Jesus (Jesuits), inilaan niya ang mga pulo ng Ibabao, Capul, Leite, Samar, Bohol at iba pang karatig na mga pulo duon. Binigyan pa niya kami ng karapatang magtatag ng isang colegio sa lungsod ng Santissimo Nombre de Jesus.’ SA GANITONG maunti at pangkaraniwang mga kataga, malinaw at walang pasikut-sikot, inilarawan ni Pedro Chirino, isang frayleng Jesuit, kung paano natatag ang pagsakop at pagbabago sa buhay ng bawat Pilipino sa sumunod na 300 taon. Matalino at mapagkaibigan, kapalit (substitute) lamang si Chirino nang dumating sa Manila nuong 1695 subalit pagkaraan ng 7 taon lamang, naisulat niya ang salaysay (relacion, narrative) na hinahangaan hanggang ngayon bilang pinakamahusay sa mga unang ulat tungkol sa Pilipinas, at sa mga Pilipino. SI PEDRO CHIRINO ay isinilang sa Osuna, sa Andalucia, Espanya, nuong 1557. Nagtapos siya ng abogacia at batasang simbahan sa lungsod ng Sevilla at nag-frayleng Jesuit sa gulang na 23 taon. Siya ang ipinalit sa isang frayle sa Pilipinas, si Alonso Sanchez, at dumating siya sa Manila nuong 1595, kasama ng bagong governador general, si Gomez Perez Dasmarinas. Nagmisyonario siya sa mga Tagalog at mga Pintados (mga Bisaya) at pinamahalaan, bilang superior, ang colegio ng mga Jesuit sa Manila at Cebu. Nakaibigan niya ang isang governador general, si Esteban Rodriguez de Figueroa, na nahimok niyang itatag ang colegio de San Ignacio at ang seminario de San Jose sa Manila. Nang hirangin siyang procurator, bumalik siya nuong 1602 sa Mexico, Espanya at Roma upang maghikayat ng pagtangkilik sa mision ng mga Jesuit sa Pilipinas. Ito ay isang dahilan isinulat niya nuong 1603 itong Relacion o salaysay ng pagpalawak ng catholico sa Pilipinas, kasingit ang mga kasaysayan ng kapuluan, at naglarawan sa mga indio (ang tawag ng mga Espanyol sa mga Pilipino) na dinatnan duon. Bagaman at ang Relacion ay sinulat sa Espanyol para sa mga Espanyol, hindi nakubli ang pagkagiliw ni Chirino sa mga tagapulo, bihira sa mga ulat ng Espanyol tungkol sa Pilipinas. Katulad sa iba, nalunos at nandiri siya sa mga ugali ng mga tagapulo, lalo na sa lumang gawi ng pagsamba at pang-aalipin na sinikap palitan at pawiin ng mga frayle. Subalit pinuri naman niya ang gandang-loob, dangal, dunong at tapang ng mga indio. Tangi sa lahat, siya ang una, at huling tumawag na Pilipino sa mga taga-Pilipinas. Madalas maligo ang mga Pilipino, sabi ni Chirino. Sinuri niya ang ugaling ito at ang nabantog na paliguan sa mga mainit na sapa (hot springs) sa pampang ng luok ng Bai (Laguna de Bay). Inilarawan niya kung paano gumagawa ng bonsai ang mga Intsik. Isinalaysay niya ang digmaan ng mga Bisaya at mga Negrito sa pulo ng Panay. Sinuri ni Chirino ang patuloy na pagsamba kahit na ng mga bihasang (civilized) indio sa mga anyito, lumang ugali na batay sa mga nakagisnang gawi at mga awit na minana pa mula sa mga ninuno. Masugid na pinuksa ni Chirino ang pagsamba, hindi lamang sa mga espiritu at mga ninuno, kundi pati na rin sa mga hayop, ibon at mga bagay-bagay sa kalikasan. Winasak ni Chirino ang maliliit na kubo na gamit sa lumang pagsamba. Inilarawan ni Chirino ang pag-alay sa ‘misa’ ng mga catalonan sa Tagalog, Babaylan sa Bisaya, na siyang mga manggagamot ng mga indio. Tinugis ang mga ito at ginawang mga catholico. Nuong 1602, lumawak ang pagsambang catholico sa Taytay at sa Antipolo, lalo na nang buksan ang ospital para sa mga indio at ang seminario para sa mga batang lalaki. Hinayag ni Chirino na naging karaniwan tuwing mahal na araw (cuaresma, Lent) ang procesion ng dugo - hinahagupit ng mga nagpi-penitencia ang sariling likod hanggang dumanak ang dugo, habang naglalakad sa lansangan. Nuon, katatakda pa lamang sa mga Jesuit na yariin ang baranggay ng Silang (sa Cavite). Agad nilang sinimulan duon ang patakaran nila ng reduccion. Malaki ang naitulong sa kanila ng isang bulag na dati ay isang catalonan. Inihayag ng mga frayle na ilang ulit naghimala duon ang larawan ni San Ignacio. Pinuri ni Chirino ang galang, yaman at ganda ng wikang Tagalog. Isang kabanata ang inukol niya sa pagbibigay ng pangalan ng mga Pilipino, patuloy na nagbabago mula sa pagsilang at paglaki hanggang sa pagtanda. Ang pamansag (apelIido) ay iginawad lamang kapag nakasal na. Dati-rati, sabi ni Chirino, hindi gumagamit ang mga Pilipino ng parangal sa pangalan nila subalit ‘pinahiran ng kalunos-lunos na Don ng kayabangan ang lahat ng indio, lalaki man o babae. Ang nangyari, sinumang may kahit katiting na sariling bait ay nagkabit ng parangal na ito sa pangalan kaya ngayon, mas marami pang Don sa mga indio kaysa sa mga Espanyol.’ Kapuna-puna ang pagkahawig ng mga frayle sa mga tagapulo, gaya ng sa paniwala sa kababalaghan, - halimbawa, ang buaya ay tagapag-parusa ng Dios, - at sa mga anting-anting, - ang gamit ng mga frayle ay rosario, ang agnus dei at ang pagbigkas ng pangalan ni Jesus at Maria. Sagana ang mga halimbawa nila ng bisa ng mga ito na makagaling sa sakit at magligtas sa kamatayan. Lantay din sa Relacion ang pagsimula ng paaralang bayan (public education) sa Pilipinas at ang mga unang clase, tinawag na decurias ng mga Jesuit, bagaman at para |
lamang sa pag-aaral ng mga dasal at pangaral ng catholico, ang tinatawag ngayong catechismo. Pinakamahalaga ang ulat tungkol sa mga pulo at mga tagaruon nuong 1590 hanggang 1602, ang kanilang mga baranggay at mga gawi, ilan ay naglaho na o sadyang sinupil, ang iba ay iniba upang magsilbi sa catholico, subalit karamihan ay nanatili at kilala pa hanggang ngayon bilang bahagi ng pagiging Pilipino. UPANG mahikayat ang mga pinuno at mayaman sa Espanya at Roma na mag-abuloy at tumulong sa mision ng mga Jesuit sa Pilipinas, siniksik ni Chirino ang kanyang Relacion ng mga pangalan ng mga frayle at mga pinuno ng simbahan at ang kanilang pagsilbi, paghirap at pagkamatay sa kapuluan. Marami rin siyang binanggit na mga Espanyol sa Pilipinas, kamag-anak at kaibigan ng mga kilalang angkan sa Espanya. Ang lahat ng ito ay nilaktawan at tinastas mula sa mga kabanata dahil wala nang katuturan ngayon at bagkus, bilang propaganda, nakalilito pa ang huwad na paglarawan ng, sa huling tuusan, ay pagpalawak ng pagsakop ng Espanya sa Pilipinas. Ang nalathalang mga kabanata ay tungkol lamang sa mga Pilipino nuong panahon na iyon, ang mga bahagi ng pagligid ng mga frayle ay isinali upang ipakita, gaya ng tangka nina Blair at Robertson, ang pinagkunan nitong Relacion, ang unti-unting pagbabago sa mga kutob at ugali ng mga unang Pilipino dahil sa pagdanak ng mga Espanyol. Mababasa pa rin ang mga kabanata kung nais ayon sa pagsulat ni Chirino, nakalista sa kaliwang hanay nitong pagina, kailangan lamang pitikin (click) sunud-sunod sa bilang na ibinigay niya. Subalit upang madaling maunawaan, pinagsama-sama ang mga kabanata ayon sa paksa, inuna ang tungkol sa Pilipinas at mga Pilipino, sumunod ang mga ulat sa Manila, Cavite, Laguna at Batangas, sunod ang Iloilo sa Panay, tapos Cebu, Leyte, Samar, Negros at Bohol. Huli ang ukol sa Butuan at Mindanao, hindi batay sa halaga kundi sa dami ng paglarawan sa mga unang Pilipino. Ang unang 3 kabanata ng Relacion ay nilaktawan, kinopya lamang ni Chirino mula sa ibang ulat at mayroong mga mali, gaya ng pahayag niyang hindi ‘natuklasan’ ng mga Portuguese ang Pilipinas gayong nakarating sila sa Maluku (Moluccas, the spice islands) sa timog at sa Formosa (tinatawag ngayong Taiwan). Ang katunayan, hindi lamang nakarating ang mga Portuguese sa Mindanao, winalang-hiya pa nila at naging mahigpit na kaaway ang mga taga-Basilan, ang mga unang Tausog o tao ng usog o daloy ng dagat, nuong bago dumating sina Ferdinand Magellan, ang mga unang Espanyol na nakaabot sa Pilipinas. Napalawak din ng mga Portuguese ang catholico, bininyagan ang mga pinuno ng mga pulo ng Sarangani nuong bago dumating sina Ruy Lopez de Villalobos, ang nagbigay ng pangalang Felipinas sa kapuluan ng Leyte at Samar. Higit angkop na tunghayan ang kasaysayan ng mga unang Espanyol sa mga aklat na kasama sa website na ito, pitikin lamang (click) ang Ang Unang Espanyol, ni Antonio Pigafetta at ang pagsakop sa Pilipinas nina Miguel Lopez de Legazpi sa Mga Conquistador Ng Pilipinas. Itong Relacion ni Chirino ay bahagi lamang ng Ninuno Mo, Ninuno Ko: Ang paghanap sa mga unang Pilipino na kasalukuyang iniipon at ilalatag sa website na ito sa mga susunod na panahon. Kasama sa mga iniipon ang mga ulat nina Francisco Colin, Miguel de Loarca, Francisco Combes at William Henry Scott bagaman at matatagalan dahil mahaba ang mga aklat nila. Kung mayroon nais unahin sa mga ito, paki-email na lamang, salamat po! Kahit giliw si Chirino sa mga tagapulo, frayleng misionario pa rin siya at masipag niyang binago ang mga ugali at pagkatao ng mga indio at ang kalagayan, pati na ang puok ng kanilang mga tahanan. Ipinalipat niya ang baranggay ng Taytay at iba pang baranggay upang madaling mapuntahan, at upang ilayo ang mga tagaruon sa kanilang anyito at mga pamahiin. Ang ganitong mga baranggay at nayon na pinagsadlakan ng mga katutubo ay tinawag ng mga Espanyol na reducciones at marami, gaya ng Taytay at Antipolo, ay nananatili pa hanggang ngayon. ‘SAPAT NA SANA ito upang tapusin ang aking salaysay, naihawag ko na naman ang mga mahalagang pangyayari hanggang nuong aking paglisan sa kapuluan, nuong buwan ng Julio, 1602. Harinawa na ang mga naganap mula nuon hanggang ngayong 1604, halos 2 taon, ay kasing kaigaya ng aking mga naranasan, at maging mas mabuti pa sana ang mga darating na panahon. ‘Ako ay panalig na ang pumalit sa akin ay higit na mainam na manalaysay sapagkat sinumang Jesuit ay mas magaling kaysa akin. Sapat na sa akin na nakapagsilbi ako sa Lipunan (ng mga Jesuit) na hamak man ang pakinabang ay matama ko namang pinagsikapan. ‘Dito sa Roma, Marso 5, 1604.’ Padre Chirino
Umalis si Chirino mula Cavite nuong Julio 7, 1602, sakay sa San Antonio na ginawa ng mga tagapulo ng Panamao, Biliran ang tawag ngayon, sa hilaga ng Leyte. Naglaho ang San Antonio nang palayag uli mula Cavite patungo sana saAcapulco, Mexico nuong 1604. Pagkaraan ng tungkulin sa Europa, nagbalik si Chirino sa Pilipinas nuong Julio 17, 1606. Namatay siya nuong Septiembre 16, 1635. Itong Relacion ni Chirino ay bahagi lamang ng Ninuno Mo, Ninuno Ko: Ang paghanap sa mga unang Pilipino na kasalukuyang iniipon at ilalatag sa website na ito sa mga susunod na panahon. Kasama sa mga iniipon ang mga ulat nina Francisco Colin, Miguel de Loarca, Francisco Combes at William Henry Scott bagaman at matatagalan dahil mahaba ang mga aklat nila. Kung mayroon nais unahin sa mga ito, paki-email na lamang, salamat po! Narito ngayon ang salaysay ni Chirino sa wikang Tagalog, sa kauna-unahang pagkakataon. Pitikin (click) alin man sa mga kabanatang nakalatag sa kaliwa upang lumaktaw sa napiling paksa, o ipagpatuloy ang sunud-sunod na pagbasa sa mga pinasama-samang kabanata. |
|
67. Mga Nag-Penitencia 68. Ayaw Magsimba 69. Mga Frayle At Espanyol 70. Mga Muslim Sumalakay 71. 5 Naghingalo Nasagip 72. Ang Lugod Sa Maripipi |
75. Napigil Ang Digmaan 76. Babae Nakiapid, Sinibat 77. Mangkukulam Nadaig 78. Saklolo Sa Buntis 79. Ang Mga Taganayon 80. Bigayan At Gamit |
|
Ang pinagkunan: Relacion de las Islas Filipinas, ni
Pedro Chirino, SJ, inilathala sa Roma, 1604, at bahagi ng
Ulitin mula sa itaas Tahanan: Mga Kasaysayan Ng Pilipinas Ituloy sa susunod na kabanata |