Unang Colegio Sa Cebu,
Chinatown Sa Madawe

SA BARANGGAY ng Intsik sa Cebu, tinawag na Mandavi (Mandawe ang tawag ngayon), mahigit 200 ang nakatira subalit isa lamang sa kanila ang catholico. Minabuti kong mag-aral ng salitang Intsik upang maturuan at mabinyagan sila.

Pinadalhan ako ni Luis delas Marinas, ang governador sa Manila, ng isang binatang Intsik na kinatulong ko sa pagtuturo sa mga Intsik na nagsimulang dumagsa sa simbahan upang matutuo ng catholico.

Nuong 1596, bininyagan namin ang maraming Intsik, kasama ng kanilang mga asawang Bissaya (Bisaya o Sugbuanon). Panguna sa kanila ang 2 mayamang Intsik, si Lorenzo Ungac at si Salvador Tuigam.

Gawi ng mga Intsik na mahaba ang buhok, sinusuklay nila araw-araw at itinirintas sa ulo bilang parangal sa sarili. Gawi naman namin na putulin ang mahabang buhok ng mga binibinyagan bilang pahiwatig ng kanilang pagbabagong buhay.

Nuong araw ng binyagan, dumating si Tuigam, kasama ng maraming Intsik. Ibinigay sa akin ang gunting at hiniling na ako ang unang pumutol sa

PAGHANAP SA MGA UNANG PILIPINO: Chronicles

Relacion de las Islas Filipinas
ni Pedro Chirino, 1595-1602

Kasaysayan Ng Mga Pulo Ng Pilipinas
Isina-English nina Frederic W. Morrison ng Harvard University, at Emma Helen Blair

kanyang buhok. Ginupit ko ang buhok minsan, ang kasama niyang barbero ang tumapos sa gupit. Mula nuon, wala nang umangal tungkol sa pagputol sa mahabang buhok.

Hiniling ni Ungac at ni Tuigam, kung maaaring huwag putulin ang buhok nila at sila ay mawawalan ng dangal, tulad daw ng gawi ng mga frayle na nagbalbas at nagbigote. Mahigpit ang utos ng mga obispo at arsobispo tungkol sa pagputol ng buhok kaya ayaw ko silang binyagan hanggang hindi sila nagpapagupit.

Nuong ding Septiembre 1596, nagsimula ang pagturo ng 6 frayleng Jesuit sa Colegio de San Jose sa Cebu sa mga Espanyol, Portuguese, Intsik, Bisaya at mga Tagalo (Tagalog), at iba pang mga tao mula sa maraming puok na naparuon upang magkalakal at makipag-ugnay.

Dalawa kaming marunong ng salitang Intsik, pati na ng Bisaya at Tagalog, na gamit namin sa pagtuturo ng pagbasa, pagsulat, pagbilang (arithmetic) at pagiging catholico.

Lumaganap Ang Pag-awit

30 SIMBAHAN ang itinayo ng mga Jesuit at nanatili sila sa kapuluan ng mga Pintados (Visayas) sa sumunod na 2 taon. Sa mga puok na walang frayle, pinili nila ang mga butihing binyagan upang turuan ang mga tao ng awit at dasal at manguna sa pagsamba tuwing Linggo.

Lumaganap ang pag-awit ng mga Bisaya ng mga canta ng simbahan, hindi lamang sa kani-kanilang tahahan kundi pati na sa mga bukid habang nagsasaka at sa dagat habang nangingisda o namamangka.

Dahil sa kulang ang mga frayle, naglayag si Fray Francisco de Vera at, pagkaraan ng 4 buwan, dumating sa Nueva Espanya (Mexico) nuong Junio 1598. Pagal na sa hirap si De Vera sa paglingkod niya sa Pilipinas, kaya si Fray Diego Garcia, ang rector ng colegio ng Mexico, ang nagdala ng mga karagdagan Jesuit sa Manila.

Ang pinagkunan:   Relacion de las Islas Filipinas, ni Pedro Chirino, SJ, inilathala sa Roma, 1604, at bahagi ng
The Philippine Islands, 1493-1898, nina Emma Helen Blair at James A. Robertson, inilathala sa Manila, 1903,
Bank of the Philippine Islands commemorative CD re-release, 1998

Nakaraang kabanata          Balik sa itaas          Lista ng mga kabanata          Tahanan ng mga Kasaysayan          Sunod na kabanata