Ang Mga GOVERNADOR GENERAL

1. Miguel Lopez de Legazpi, Febrero 13, 1565 - Agosto 20, 1572. Ipinanganak siya sa Zubarraja (Zumarraga), sa Legazpi Guipuzcoa, nuong bandang 1500. Nagtungo siya sa Mexico nuong 1545 at naglingkod bilang kalihim ng pamahalaang bayan (cabildo) hanggang nuong 1561 nang nahirang siyang pinuno ng pagsakop sa Pilipinas. Nilusob niya ang Cebu nuong Abril 27, 1565 at inangkin ang lahat ng kapuluan sa ngalan ni Felipe 2, hari ng Espaņa, nuong Mayo 8, 1565. Pagkaraan ng 6 taon, sinakop niya ang Manila nuong Mayo 19, 1571 at itinatag ang pangunahing lungsod (capital) duon nuong Junio 3, 1571. Hinirang niya ang mga unang pinuno (regidores, regents) ng pamahalaang bayan pagkaraan ng 3 linggo.

Hinirang siya ng hari na adelantado o governador panghabang-buhay ng Pilipinas at ng Kapuluan ng mga Kawatan (Islas de Ladrones), ang tinatawag ngayong Marianas Islands. Biglaan siyang namatay sa Manila nuong Agosto 20, 1572.

2. Guido de Lavezaris, Agosto 20, 1572 - Agosto 25, 1575. Taga-Vizcaya, sa Espaņa. Kasama siya sa naunang paglakbay sa Pilipinas ni Ruy Lopez de Villalobos nuong 1543, nang bininyagan ng Islas Felipinas ang kapuluan bilang parangal kay Felipe 2, principe-tagapagmana ng Asturias nuon. Sa pangkat ni Legazpi, siya ang hinirang na ingat-yaman ng hari (royal treasurer) at, ayon sa lihim na utos ni Felipe 2, kapalit na governador sakaling pumanaw si Legazpi. Bilang governador, inutusan niya si Juan Salzedo, apo ni Legazpi at capitan ng 100 sundalong Espaņol, na sakupin ang Ilocos at itatag ang lungsod ng Fernandina (Vigan ngayon) bilang parangal sa anak ni Felipe 2. Ipinasakop din niya ang Camarines, nagpamudmod ng mga encomienda, mga lupain bilang pabuya sa mga pinuno ng pangkat ni Legazpi. Siya ang governador nang lumusob sa Manila ang Intsik na mandarambong, si Limahong. Isinumbong siya sa hari ni frayle Martin de Rada sa lupit sa mga katutubo at kasakiman sa pagkamal ng ginto at ari-arian ng mga tagapulo. Nanghingi pa raw ng mga suhol. Pagkatapos ng kanyang panunungkulan, inilit ng bagong governador ang mga encomiendang ibinigay sa kanya ni Legazpi at inusig siya sa salang pagkamkam ng mga yaman ng mga katutubo ngunit pinawalang sala siya ni Felipe 2 at isinauli sa kanya ang mga inilit na lupain.

3. Francisco de Sande, Agosto 25, 1575 - Abril 1580. Abogado at hukom mula Caceres, pumalit siya kay Lavezaris na inusig niya dahil sa pagkalkal ng ginto at ari-arian ng mga tagapulo. Siya ang nagtatag ng lungsod ng Nueva Caceres sa Bicol, at nagpalusob upang sakupin ang Borneo nuong 1578. Siya ang governador nang dumating ang mga unang frayleng Franciscan, nuong 1577. Pagkatapos ng tungkulin sa Manila, nagbalik siya sa Mexico at naging fiscal sa Audiencia Real ng Mexico. Bantog siya ngayon dahil sa mga isinulat niyang salaysay tungkol sa Pilipinas at mga katutubo (natives) nuong panahon niya.

4. Gonzalo Ronquillo de Peņalosa, Abril 1580 - Marso 10, 1583. Taga-Arevalo, sa Espaņa, at dating alcalde sa Mexico, nakipagkasunduan siya sa hari ng Espaņa na magiging governador siya ng Pilipinas habang-buhay. Siya ang governador nang dumating ang unang obispo, si Salazar at ang mga unang frayleng Jesuit sa Manila nuong 1581. Nuong taon niya ipinatayo ang alcayceria sa Parian para sa mga Intsik na nagkakalakal sa Manila. Sa sumunod na taon, itinatag niya ang lungsod ng Nueva Segovia sa Cagayan, at nagpadala ng pangkat-dagat sa Maluku (spice islands). Ipinataw niya ang mga unang buwis sa kalakal panglabas (import and export duties) sa Pilipinas nuong 1582. Nuong taon din iyon, nagbakbakan ang obispo ng Manila at ang mga frayleng Augustinian at ipinatapon niya sa Espaņa si Gabriel Rivera. Namatay siya nuong Marso 10, 1583.

5. Diego Ronquillo, Marso 10, 1583 - Mayo 1584. Pamangkin ni Gonzalo, pinili siyang pansamantalang governador ng hari ng Espaņa. Natupok ang Manila sa isang malaking sunog nuong Marso 19, 1583. Ipinadakip siya ni De Vera, ang pumalit sa kanya bilang governador ng Pilipinas.

6. Santiago de Vera, Mayo 16, 1584 - Mayo 1590. Taga-Alcala de Henares at alcalde ng Mexico, itinatag niya pagdating sa Manila ang unang Audiencia Real (royal fiscals) nuong 1584. Ipinadakip niya si Diego Ronquillo at ipinatapon sa Espaņa bilang bilanggo nuong sumunod na taon, 1585, ngunit pinawalang sala ito at nakabalik sa Manila pagkaraan ng ilang taon.

Nuong taon ding iyon, 1585, naglunsad si De Vera ng pangkat-dagat upang lusubin ang Maluku (spice islands). Siya ang governador nang dumating ang unang frayleng Dominican nuong 1587, nang pinasimulan niya ang pagtayo ng batong pader ng Intramuros. Nag-aklasan sa Visayas nuong 1588. Nagbalik siya sa Mexico nang mahirang sa Audiencia Real duon.

7. Gomez Perez Dasmariņas, Mayo 1590 - Octobre 25, 1593. Taga-Galicia at magiting ng lipunan ni Santiago (knight of the Order of Saint James), corregidor siya ng Murcia at Cartagena nuong 1589 nang nahirang na governador ng Pilipinas. Naglayag siya mula Acapulco, Mexico, nuong Marso 1, 1590, dumating sa Manila nuong Mayo 31. Winatak niya agad ang Audiencia Real duon at pinaligiran ng pader ang Intramuros, ginawang campo militar. Inaway pa niya si Obispo Salazar na lumayag pa-Espaņa nuong 1592 at nagsumbong kay Felipe 2. Nuong Mayo 12,

Spain’s flag

SPANISH COLONIZATION: Tiempo Castilla sa kapuluan

Kaharian Ng Espaņol Sa Pilipinas
Ang Unang Pagsadlak, 1521 - 1599

NUONG dumating sina Legazpi sa Pilipinas, lumalaganap ang mga Protestante sa hilagang Europe, ang tinatawag ngayong Dutch Netherlands, na bahagi nuon ng kaharian ni Felipe 2. Panguna ang mga frayleng Jesuit, pinuksa sila ng Espaņa ngunit lalong dumami ang nag-protestante dahil sa rahas at lupit ng sandatahang Espaņol, at nagsimula ang himagsikan ng Dutch upang makalaya mula sa Espaņa. Nuong 1566, 1 taon na sina Legazpi sa Cebu, naubusan ng salapi si Felipe 2 at bininbin niya ang pagpuksa sa mga Dutch, na nagkaroon ng pagkakataong magpalakas. Ang pagkalugi ang dahilan kaunti lamang ang naipadalang barko at sundalo sa Cebu, at nakayang sindakin sina Legazpi ng 3 barko lamang ng Portuguese at, nuong 1574, ng mga mandarambong ni Limahong.

Nuong 1575, 4 taon nang sakop ng mga Espaņol ang Manila, lubusang naubusan ng salapi ang Espaņa, - sa tanang buhay niya, 4 ulit itinatwa ni Felipe 2 ang mga Salazar utang na hindi niya kayang bayaran, - at hindi na pinasahod ang mga sundalo. Nalansag ang hukbong Espaņol sa Netherlands at nakapagbuo ng sariling bayan ang mga Dutch, sa pamumuno ni William of Orange. Nuong 1577, 1 taon bago hinirang na obispo ng Pilipinas si Salazar, itinatwa ng Dutch ang simbahang catholico. Gimbal si Felipe 2! Bumuo siya muli ng isang hukbo, ang pinaka-malaki at pinaka-bihasa nuon sa Europe, sa pamumuno ng kanyang pamangkin, ang Duke de Parma. Nuong 1581, nang dumating sa Manila si Salazar, lumusob ang hukbong Espanol upang sakupin muli ang Netherlands. Pagkaraan ng 4 taong digmaan, nasakop muli ni Duke de Parma nuong 1585 ang bahaging timog ng Netherlands at ang lungsod ng Antwerp. Ang napipilang Dutch ay humingi ng tulong sa England na protestanteng tulad nila. Nagalit si Felipe 2 at pinalusob ang armada, ang buong hukbong dagat ng Espaņa, at ang buong hukbo ni Duke de Parma upang sakupin ang England. Nuong 1588, nang kasalukuyang nag-aaway si Obispo Salazar at si Governador Gomez Perez Dasmarinas, natalo ang Espaņol at nalansag ang armada at ang hukbo ni Duke de Parma.

Lalong walang naitulong ang Espaņa sa Manila maliban sa kuti-kuting sundalo at barko mula sa Nueva Espaņa (Mexico). Higit na mahalaga, nagsimulang dambungin ng England ang mga barkong Espaņol sa dagat Atlantic. Nakidambong na rin ang bagong layang Dutch at, nuong panahong humarap si Salazar kay Felipe 2 sa Madrid, nagsimula na ring dambungin ang mga barkong Espaņol sa dagat Pacific. Pagkaraan lamang ng 10 taon, aabot sila at mangdadambong na rin sa Pilipinas.

Ang Mga HARI at REGINA

5. Carlos 1 ng Espaņa (1500-1558).
Anak at tagapagmana nina Juanang Baliw at Carlos 5 ni Felipe 1, ipinanganak siya sa Ghent (bahagi ngayon ng Belgium) nuong Febrero 25, 1500. Hinirang siyang hari ng Espaņa, sabay sa pagiging regina ng kanyang ina, nang mamatay ang kanyang ama nuong 1506 subalit ang kanyang lolo, si Fernando ng Aragon ang nagbalik ang naghari hanggang mamatay ito nuong 1516. Pumalit bilang tagapaghari (regent) si Cardinal Jimenez (Ximenes) ng Cisneros, katulong si Adrian, pinuno ng colegio ng Louvain, hanggang mamatay si Jimenez nuong Noviembre 8, 1517.

Nuon lamang taon na iyon, 1517, nagtungo si Carlos sa Espaņa, nang 17 taon gulang lamang. Nahalal siyang kapalit ng kanyang lolo, si Maximilian 1, bilang emperador ng Germany nuong Junio 1519 sa pangalang Carlos 5. Nakasal siya kay Isabel, anak ng hari ng Portugal, si Manoel, nuong Marso 11, 1526. Nagkaanak sila, si Felipe 2, na hinirang niyang tagapagmana ng Espaņa at Germany nuong Enero 15, 1556 nang manahimik siya at nagkulong sa convento ng Yuste, sa Espaņa, kung saan siya namatay nuong Agosto 30, 1558.

Si Carlos 5 ang nagpalaot upang hanapin ang Maluku (Moluccas, the spice islands) kay Fernando Magallanes (Ferdinand Magellan), ang unang taga-Europa na umangkin nuong 1521 sa Pilipinas, na tinawag niyang Islas de San Lazaro. Pinundaran din ni Carlos 5 ang 3 pang tangkang sakupin ang Maluku. Ang panghuli, pinamunuan ni Ruy Lopez de Villalobos, ay nakarating at nagpangalan sa Islas del Felipinas nuong 1543.

6. Felipe 2 (1527-1598). Ipinanganak siya sa Valladolid, sa Espaņa nuong Mayo 21, 1527 kay Carlos 1, hari ng Espaņa at emperador ng Germany, at kay Isabel, prinsesa ng Portugal. Gumanap siya bilang tagapaghari Felipe 2 (regent) para sa kanyang ama mula nuong Junio 23, 1551 hanggang mahirang siyang hari nuong Marso 28, 1556. Sa 47 taon niyang paghahari, 4 ang kanyang naging asawa:
1. Maria, anak ni Juan 3, hari ng Portugal, nuong Noviembre 15, 1543
2. Mary Tudor, anak ng hari ng England, nuong Julio 25, 1554
3. Marie Elizabeth ng Valois, France, nuong Febrero 2, 1560
4. Anna ng Austria nuong 1570

Nahirang na hari ng Portugal si Felipe 2 nang mamatay ang hari duon, si Sebastian, nuong 1580. Itinanghal siya sa Lisbon, punong lungsod ng Portugal, nuong Abril 1581.

Si Felipe 2 ang nag-utos sa kanyang mga alagad sa Mexico nuong 1559 na sakupin ang Pilipinas, narating at inangkin nuong 1565 ni Miguel Lopez de Legazpi, ang unang governador ng Espaņa sa Pilipinas. Sa mahabang paghahari niya, patuloy tinangkilik at pinundaran ni Felipe 2 ang pagdanak ng mga frayle at sundalong Espaņol upang sakupin ang buong Pilipinas.

7. Felipe 3 (1578-1621). Isinilang siya kina Felipe 2 at Anna ng Austria nuong Abril 14, 1578 sa Madrid, Espaņa at duon din siya namatay nuong Marso 31, 1621. Tinawag siyang Felipeng Mapagsamba (El Piadoso, The Pious). Nakasal siya kay Margaret ng Austria nuong Noviembre 13, 1598, 2 buwan lamang matapos siyang mahirang na hari ng Espaņa at Portugal.

Ang Mga ARSOBISPO

1. Domingo de Salazar, 1581 - 1594. Frayleng Dominican. Isinilang sa Rioja, Espaņa, nuong 1512, at nag-frayle sa convento ng San Esteban sa Salamanca. May 40 taon siyang nag-misyonario sa Mexico (Nueva Espaņa) bago bumalik sa Espaņa upang mamuno sa kanyang lipunan (religious order), nang harapin niya ang hari, si Felipe 2, upang ipagtanggol ang mga indio o mga katutubo ng America na pinupuksa ng mga Espaņol nuon. Hinirang siyang unang obispo ng Pilipinas nuong 1578 at itinanghal sa tungkulin (consecrated) nuong sumunod na taon sa Madrid. Dumating siya sa Manila nuong Marso 1581, kasama ng 11 frayle, 8 Franciscan, 2 Jesuit, at 1 Dominican. Itinatag niya ang cathedral nuong Deciembre 21, 1581, ayon sa pahayag (papal bull) ni Pope Gregory 8, bilang saklaw ng arsobispo ng Mexico. Nagpatayo rin siya ng pagamutan (hospital) para sa mga katutubo ng Manila.

Masipag at mainit ang ulo, ipinagtanggol niya ang mga katutubo sa Pilipinas laban sa pagmamalupit at kapangahasan ng mga encomendero, pinulong ang mga religioso (synod) sa Manila nuong 1582 hanggang 1586, sinaluhan ng 90 frayle at 6 pari (seculares). Mahilig makialam sa pamamahala ng kapuluan, madalas niyang nakatunggali si Gomez Perez Dasmariņas, ang governador sa Manila. Nuong 1591, iniwan niya ang kanyang alalay, si Fray Salvatierra, upang mamahala sa Manila at sumagsag siya sa Madrid upang isiwalat ang kalabisan ni Dasmariņas at ng mga pinuno sa Manila at hilinging supilin ng hari. Kaya inatas ni Felipe 2 ang pagtatag muli sa Manila ng hukuman ng hari (audiencia real, royal fiscals), laban sa kahilingan ni Dasmariņas at ng mga frayleng Augustinian, upang magmanman at maghatol sa mga pangahas na pinunong Espaņol. Itinanghal din ng hari ang pagkakaroon ng sariling arsobispo sa Pilipinas na may saklaw na 3 obispo pa. Si Salazar, 82 taon gulang na, ang hinirang na unang arsobispo ngunit namatay siya nuong Deciembre 4, 1594 sa Colegio de Santo Tomas sa Madrid bago makabalik sa Manila.

Bilang obispo, nabigo ang tangka niyang pamahalaan (episcopal visitation) ang mga frayle sa Pilipinas nang labanan siya ng mga frayle, - ang unang sibol ng suliraning mag-aalab sa mahigit 300 taon ng paghahari ng Espaņol sa Pilipinas.

2. Ignacio Santibaņez, Franciscan, 1595 - 1598. Naging pinuno siya ng lipunan ng mga frayleng Franciscan sa kanyang tinubuang lalawigan ng Burgos, sa Espaņa, at naging tagapang-aral (preacher) kay Felipe 2 bago nahirang na arsobispo ng Manila nuong Junio 17, 1595 at natanghal sa Nueva Espaņa (Mexico) nuong sumunod na taon. Naantal ang pagpunta niya sa Manila hanggang nuong Mayo 28, 1598 dahil mali-mali ang mga pagsang-yon (bulls of the pallium) na unang ipinadala sa kanya. Pinalaki niya agad ang cathedral sa Manila bilang metropolitan, tahanan ng arsobispo, at ayon sa bull ni Pope Clement 7 nuong Agosto 15, 1595, hinirang ang saklaw niyang 3 obispo: Pedro de Agurto, frayleng Augustinian, obispo sa Cebu; si Miguel de Cervantes, frayleng Dominican, obispo sa Nueva Caceres, sa Camarines; at si Francisco Ortega, frayleng Augustinian, obispo sa Nueva Segovia, sa Cagayan (pagtagal, nilipat sa Vigan, Ilocos).

Pagkaraan lamang ng 2 buwan at 17 araw pagkarating, namatay si Santibaņez sa disenteria nuong Agosto 14, 1598 at inilibing sa cathedral.

1591, inutusan niya si Estevan Rodriguez de Figueroa na sakupin ang Mindanao. Nakipagsulatan diya sa shogun (warlord, diktador) ng Japan, si Hideyoshi, upang makapasok ang mga Espaņol duon. Nuong 1593, tinanggap niya ang mga sugo (ambassadors) mula sa kaharian ng Champa (Cambodia ngayon) upang makapasok duon ang mga Espaņol. Nuong Octobre 19, 1593, siya mismo ang namuno sa paglusob sa Maluku (spice islands) ngunit pinatay siya ng mga Intsik na tagasagwan ng kanyang barko nuong Octobre 25, 1593.

8. Pedro de Rojas, Octobre - Deciembre 1593. Licenciado (licentiate) at kasapi sa itinawalag na Audiencia Real sa Manila mula nuong 1843 pa, 40 araw siyang nag-governador ng Pilipinas habang si Diego Ronquillo ang namahala sa pakikipagdigmaan ng mga Espaņol. Nahirang si De Rojas na alcalde ng Mexico nuong 1593.

9. Luis Perez Dasmariņas, Deciembre 3, 1593 - Julio 14, 1596. Anak ni Gomez at magiting ng Lipunan ng Alcantara (knight of the Order of Alcantara), naging governador siya ng Pilipinas nuong Deciembre 3, 1593 dahil ang hari daw mismo ang humirang na governador sa ama niya. Nuong 1594, natatag ang Confraternidad dela Misericordia, at dumalaw sa Manila ang mga mandarin mula China. Nuong sumunod na taon, nuong Enero 11, 1595, dumating si Antonio de Morga upang maging pang-2 sa governador (lieutenant governor) ng Pilipinas. Nuong taon ding iyon nagsimula ang lusob sa Mindanao ng hukbo ni Estevan Rodriguez de Figueroa. Nuong 1596, isa pang pangkat, pinamunuan ni Gallinato, ang lumusob at nagtangkang sakupin ang Cambodia.

Nakaraang kabanata         Ulitin mula sa itaas         Tahanan: Mga Kasaysayan Ng Pilipinas         Lista ng mga kabanata         Susunod na kabanata