![]() Kaharian Ng Español Sa Pilipinas Ang Simula Ng Mga Conquistador, 711 - 1492
Sa bandang hilaga ng Iberia, sa tinatawag ngayong Asturias at bahagi ng Santander, napigil din ang mga Moro nuong taon ng 722 ng hukbo ni Pelayo, isa sa mga hari duon ng mga Visigoth, mga dayo mula Germany (Alemanya) na, kahalo sa mga dinatnan nilang mga katutubong Iberian at mga dayo ring Celtics, Phoenicians (ang nagtatag ng kaharian ng Cartagena o Carthage), Greeks at Romans, ay tatawaging mga Español sa mga darating na panahon. Sa mahigit 700 taon na sumunod sa tagumpay ni Pelayo, ginanap ng mga magiging Español ang ‘requista,’ ang pagsakop muli sa kanilang lupain. Napilitang magsama-sama ang iba’t ibang pangkat ng mga requista o mga conquistador upang makayanan ang malalakas at malalaking hukbo ng mga Moro.
Nuong 1469, nagtanan ang princesa ng Castilia, si Isabel, at nagpakasal nang lihim sa principe at tagapagmana ng Aragon, si Fernando. Nuon lamang napagbuo ang kalakihan ng Iberia sa iisang kaharian, at nagsimulang tawagin ang buong lupain sa pangalang España (Kahulugan: Kahariang abot sa magkabilang dulo). Hindi aabot ng 100 taon, sasakupin ng bagong kaharian ang kapuluan ng Pilipinas. |
|
ANG PAGHAHARI NG ANGKAN NG CASTILLE - ARAGON |
|
ITINATANGHAL ngayong ‘hari at reginang catholico’ (Los reyes catolicos, the Catholic Monarchs) sina Isabel at Fernando dahil masugid nilang pinalawak ang simbahan sa España at sa anumang bahagi ng daigdig na abot ng kanilang kapangyarihan. At lalo na sa malupit nilang pag-usig sa mga Judeo, Muslim at lahat ng ayaw maging, o manatiling, catholico.
Ang kanilang mga conquistador, kinilalang pinaka-malakas at pinaka-mabangis na hukbo sa buong Europe nuon, ay walang alam na hanap-buhay maliban sa pagkurakot sa mga Muslim na nagapi nila sa digmaan. Nang matapos ang ‘requista’ nuong 1492 at naubos na lahat ang |
yaman at ari-arian mga Muslim at Judeo, napilitan silang humanap ng ibang mapagkukunan ng yaman.
Ang mag-asawa ang nagpundar kay Cristobal Colon (Christopher Columbus), ang unang taga-Europe na nakarating sa America nuong 1492. Upang madagdagan ang mabilis na nauubos na yaman ng kaharian, at upang mabawasan ang gulo ng mga palaboy na conquistador sa España, sinulsulan at pinundaran ng mag-asawa, at ng mga sumunod na hari ng España, ang paglayag ng mga ito sa mga bagong ‘tuklas’ na lupain. Nagsimulang dumanak ang mga conquistador sa America at, hindi nagtagal, sa Pilipinas. |
![]() Ipinanganak siya sa Madrigal delas Altas Torres (sa Avila, España) nuong Abril 22, ![]() Hinirang niyang tagapagmana ang kanyang anak, si Juana, at ang naging asawa nito, si Felipe ng Austria. Habang bata pa ang kanyang apo, si Carlos, anak ni Juana at Felipe, hinirang niyang pansamantalang hari (regente, regent) ng Castilia at Leon ang kanyang asawa, si Fernando 2 ng Aragon. Namatay si Isabela sa Medina del Campo sa Valladolid nuong Noviembre 26, 1504. 2. Fernando 2 ng Aragon at Navarra (1452-1516).
Nang namatay si Isabela, namahinga si Fernando sa Aragon nuong Junio 27, 1506. Ang kanyang manugang, si Felipe ng Austria na asawa ni Juana, ang naghari sa Castilia hanggang namatay ito nuong Agosto 21, 1507. Naghari uli nuon si Fernando at pinatatag niya ang bagong pinagbuong bayan ng España. Namatay siya sa Madrigalejo nuong Enero 23, 1516. 3. Juana ng Castilia at Aragon (1479-1555). 4. Felipe 1 ng Austria (1478-1506).
|
|
Ulitin mula sa itaas Tahanan: Mga Kasaysayan Ng Pilipinas Lista ng mga kabanata Sunod na kabanata |