Ang Mga GOVERNADOR GENERAL

55. Rafael Maria de Aguilar y Ponce de Leon, Septiembre 1, 1793 - Agosto 7, 1806. Magiting ng Lipunan ng Alcantara (knight of the Order of Alcantara) at isang pinuno sa hukbo ng España, dumaong siya sa Cavite nuong Agosto 28, 1793 at nagsimula bilang governador nuong sumunod na Septiembre 1. Masipag at magilas, marami siyang ginawang pagbubuti sa Pilipinas. Pinatibay niya ang tanggulan at nagpasok ng mga katutubong Pilipino sa hukbong Español. Nagpatuloy ang pangdarambong ng mga Muslim (moros); nagpatayo siya sa Binondo ng paggawaan ng mga barkong panlaban sa mga Muslim. Nahirang siyang mariscal de campo ng España. Nagbitiw siya ng tungkulin sa pang-2 pinuno (segundo cabo) ng Pilipinas nuong Agosto 7, 1806 at namatay kinabukasan.

56. Mariano Fernandez de Folgueras, Agosto 7, 1806 - Marso 4, 1810. Taga-Galicia, sa España. Naging pansamantalang governador. Sumabog ang aklasan sa Ilocos nuong 1807. Pinayagang magkalakal ang mga British sa Pilipinas simula nuong 1809.

57. Manuel Gonzalez de Aguilar, Marso 4, 1810 - Septiembre 4, 1813. Isang pinuno ng hukbong Español at magiting ng Lipunan ni Santiago (knight of the Order of Saint James). Dumating siya sa Manila nuong Marso 4, 1810. Siya ang governador nang unang nasali ang mga Español mula sa Pilipinas sa Cortez, (parliament) ang batasan ng pamahalaan sa España. Dumalo ang mga deputados (deputies) ng Pilipinas sa pulong nuong Septiembre 24, 1810. Si Gonzalez ang governador nang mag-amuki nuong 1810 na itigil na ang lakbay kalakal ng mga galleon (galleon trade) balikan mula sa Manila hanggang sa Acapulco, Mexico. Nag-aklasan sa Ilocos nuong 1811 laban sa mga frayle at upang matatag ang isang bagong pagsamba (religion). Nagbukas ang unang pahayagan sa Pilipinas nuong Agosto 8, 1811. Tinanggap niya nuong Abril 17, 1813 ang kasulatan ng katauhan ng bayan (constitution) na sinulat sa España nuong 1812. Lumago ang kalakal sa Pilipinas nuong governador siya.

58. Jose Gardoqui Jaraveitia, Septiembre 5, 1813 - Deciembre 9, 1816. Isang pinuno sa hukbong dagat ng España. Dumating siya sa Manila nuong Septiembre 4, 1813. Governador siya nang itigil ang lakbay kalakal ng mga galleon (galleon trade) nuong 1815. Binagabag siya ng pandarambong ng mga Muslim (moros). Pinairal niya ang maraming pagbabago sa kalakal at sa pamahalaan dahil sa mga utos ni Fernando 7, hari ng España nuon. Namatay siya nuong Deciembre 9, 1816.

59. Mariano Fernandez de Folgueras, Deciembre 10, 1816 - Octobre 30, 1822. Pang-2 ulit naging pansamantalang governador. Itinatag ang kahiwalay na lalawigan ng Ilocos Norte nuong Febrero 2, 1818. Inutos ni Fernandez nuong Deciembre 17, 1819 na itatag muli ang Real Sociedad Economica de Filipinas (Royal Economic Society of the Philippines). Lumaganap ang cholera at maraming namatay. Nilipol ng mga katutubo sa Manila at paligid ang lahat ng mga dayuhan nuong Octobre 9 - 10, 1820 dahil sa kumalat na balitang ang mga ito ang sanhi ng cholera. Nagbukas sa Manila ang 3 pahayagan. Napatay si Fernandez nang mag-aklas ang mga katutubo at mga mestizo nuong 1823.

60. Juan Antonio Martinez, Octobre 30, 1822 - Octobre 15, 1825. Taga-Madrid at mariscal de campo ng España. Dumating siya sa Manila nuong Octobre 30, 1822 kasama ng maraming pinuno mula España at sila ang naging sanhi ng aklasan ng Español sa Pilipinas at ng mga mestizong Español mula sa America. Nuong 1724, nagbukas ang pahayagan ng Samahang Panghanapang-buhay ng mga Kaibigan ng Bayan (Sociedad Economica de Amigos del Pais, Economic Association of Friends of the Country). Natigatig ang Pilipinas sa mga pangyayari sa España laban sa paglaganap ng democracia duon.

61. Mariano Ricafort Palacin y Ararca, Octobre 14, 1825 - Deciembre 23, 1830. Taga-Murcia, mariscal de campo ng España at sugo (embajador, ambassador) sa Paz, Peru sa South America. Dumating siya sa Manila nuong Octobre 14, 1825. Nuong Febrero 4, 1828, pinagbawalan niya ang mga dayuhan, mga hindi Español, na maglako ng tingi-tingi (retail) sa halip ng pakyawan (wholesale). Marami siyang inilabas na mga batas, pati mga utos sa pamahalaan ng kapuluan ng Mariana (Marianas Islands). Nagbalik siya sa España nuong Deciembre 23, 1830.

62. Pascual Enrile y Alcedo, Deciembre 23, 1830 - Marso 1, 1835. Taga-Cadiz, sa España, isang pinuno sa hukbong Español at pang-2 (segundo cabo) sa governador ng Pilipinas. Naging pansamantalang governador nuong Deciembre 23, 1830. Ipinasakop niya sa hukbo ang mga Igorot nuong 1831 hanggang 1832. Natatag nong Julio 3, 1833 ang loteria (lottery, sweepstakes ang tawag ngayon) at nuong Enero 1, 1834, ang hukumang pangkalakal (tribunal of commerce). Ipinasara ng hari ng España ang Compania de Filipinas nuong Septiembre 6, 1834. Inutos din, nuong Noviembre 3, 1834 na itatag nang ang segundo cabo, ang pang-2 pinuno sa Pilipinas, ang manunungkulan tuwing magkasakit, mamatay o lumisan ang governador. Marami pang ibang batas na pinairal nuon na ikinaginhawa ng mga Español sa Pilipinas.

63. Gabriel de Torres, Marso 1, 1835 - Abril 3, 1835. Taga-lalawigan ng Valladolid sa España, at pang-2 sa governador (segundo cabo) ng Pilipinas nang maging governador nuong Marso 1, 1835 ngunit namatay bago mag-2 buwan, nuong Abril 23, 1835.

64. Juan Cramer (Juaquin de Crame), Abril 23, 1835 - Septiembre 9, 1835. Taga-Cataluña sa España, naging pansamantalang governador siya nuong Abril 23, 1835 dahil walang pang-2 (segundo cabo) sa governador - kamamatay lamang ni De Torres nuon.

65. Pedro Antonio Salazar Castillo y Varona, Septiembre 9, 1835 - Agosto 27, 1837. Isang pinuno sa hukbong Español, dumating siya sa Manila bilang segundo cabo, ang pang-2 pinuno sa Pilipinas. Naging pansamantalang governador siya nuong Septiembre 9, 1834. Maraming pagbabagong naganap sa España nuon. Isinara ang consejo ng España at mga sakop nuong Septiembre 28, 1836. Natapos ang pagsali ng mga taga-Pilipinas sa Cortez, batasan ng España nuong Junio 18, 1837 nang pairalin ang bagong kasulatan ng katauhan ng bayan (constitution) sa España.

66. Andres Garcia Camba, Agosto 27, 1837 - Deciembre 29, 1838. Mariscal de campo ng España at magiting ng Lipunan ni Santiago (knight of the Order of Saint James). Nabihag nang matalo ang hukbong Español nuong Deciembre 9, 1824 sa himagsikan sa Ayacucho, Peru, sa South America. Nasadlak sa Manila mula Abril 1825 hanggang Marso 1835. Nahirang na pinuno ng sandatahang Español sa Pilipinas nuong Mayo 22, 1826. Naging B>director ng Samahang Panghanapang-buhay ng mga Kaibigan ng Bayan (Sociedad Economica de Amigos del Pais, Economic Association of Friends of the Country). Nahalal na kinatawan, deputado ng Pilipinas sa Cortez, batasan ng España nuong 1834. Nanungkulan sa España bago nagbalik muli sa Manila nuong Agosto 24, 1837 at naging governador pagkaraan ng 3 araw. Tinawag siyang ang ninais (El Deseado, the desired) bagaman at sinalungat ng mga pinuno at mga frayle sa Pilipinas. Bumalik siya sa España pagkaraan ng mahigit 1 taon at nahalal na senador ng Valencia duon.

67. Luis Lardizabal, Deciembre 29, 1838 - Febrero 1841. Dumating sa Manila nuong Deciembre 26, 1838 at nanungkulan pagkaraan ng 3 araw. Siya ang governador nang unang ilabas ang lingguhang pahayagan, Previos corrientes de Manila, sa Expanyol at sa English nuong Julio 6, 1839. Nuong taon ding iyon itinatag ang lalawigan ng Nueva Vizcaya. Unang namungkahi ang pagtayo ng parangal kay Ferdinand Magellan sa pulo ng Mactan nuong 1840. Hiniling niya sa hari ng España na pauwiin siya mula sa Pilipinas. Pabalik na siya duon nang mamatay sa gitna ng dagat.

68. Marcelino de Oraa Lecumberri, Febrero 1841 - Junio 17, 1843. Taga-Navarra, general sa hukbong Español. Dumating siya sa Manila nuong Febrero 1841. Pinuksa niya ang Cofradia de San Jose at ipinapatay si Apolinario dela Cruz at iba pang pinuno ng samahan nuong 1841. Pinaslang din niya ang mga nag-aklas na mga Pilipinong sundalo sa hukbong Español nuong 1842.

69. Francisco de Paula Alcala dela Torre, Junio 17, 1843 - Julio 16, 1844. Taga-Estremadura. General sa hukbong España. Naging governador siya ng Pilipinas nuong Junio 17, 1843 nuong taong naging regina ng España si Isabel 2. Naglabas si Alcala ng maraming batas sa pag-ayos ng kalakal, hukbo at kapakanan ng mga taga-Pilipinas.

70. Narciso Claverria y Zaldua, Julio 16, 1844 - Deciembre 26, 1849. Taga-Gerona, nagmula sa angkan ng mga taga-Vizcaya. General sa hukbong Español. Nahirang siyang governador nuong Julio 16, 1844. Ipinaayos niya ang calendario ng Pilipinas nuon din mismo, pinabuti ang katungkulan ng mga alcaldes mejor, governador ng mga lalawigan, at itinatag ang pasugalan (casino) tinawag na Sociedad de recreo. Nuong 1848, sinimulan ang paggamit ng mga barkong dimakina (steamships) ng hukbong dagat pamuksa sa mga pandarambong ng mga Muslim (moros). Sinakop niya nuong taon din iyon ang pulo ng Balanguingui. Binalaan niya ang mga frayle nuong Enero 15, 1849 tungkol sa mga ari-arian. Pagkaraan ng 10 buwan, inutos niyang bigyan ng apellido (family names) ang lahat ng indios (mga katutubong Pilipino) nuong Noviembre 11, 1849. Unang inilathala ang pahayagang Diario de Manila nuong 1848. Marami siyang napaganap sa Pilipinas at hiniling sa Madrid na pagpahingahin na siya. Nagbalik siya sa España nuong Deciembre 26, 1849.

71. Antonio Maria Blanco, Deciembre 26, 1849 - Junio 29, 1850. Pang-2 pinuno (segundo cabo) sa Pilipinas, naging pansamantalang governador siya nuong 1849. Natatag ang buwanang loteria (sweepstakes ang tawag ngayon) sa Manila nuong Enero 289, 1850. Binuo ang lalawigan ng La Union nuong Marso 2, 1850.

72. Antonio de Urbiztondo y Eguia, Junio 29, 1850 - Deciembre 20, 1853. Taga-San Sebastian at marques ng Solana sa España. Nagkaroon ng ospital ang mga maysakit ng ketong (leper hospital) sa Cebu nuong 1850. Natatag ang Banco Español-Filipino nuong Agosto 1, 1851 at nagbukas nuong 1852. Pinamunuan niya ang paglusob at pagsakop sa Jolo nuong 1851. Masipag siyang nagpairal ng maraming batas at kautusan. Hiniling niya sa Madrid na alisin siya sa tungkulin sa Manila, at hinirang siyang ministro ng digmaan (minister of war) sa España nuong Octobre 12, 1856.

73. Ramon Montero y Blandino, Deciembre 20, 1853 - Febrero 2, 1854. Ang unang pagkakataon naging pansamantalang governador siya ng Pilipinas.

74. Manuel Pavia y Lay, Febrero 2 - Octobre 28, 1854. Marques ng Novaliches, sa España, at general ng hukbong Español, hinirang siyang governador ng Pilipinas nuong Septiembre 1853 nang walang sabi-sabi. Dumating siya sa Manila nuong Febrero 2, 1854 at dinagdagan ang mga sandata at gamit ng hukbong Español sa Pilipinas. Nilupig niya ang aklasan ng isang pangkat ng mga Pilipinong sundalo sa hukbo. Sinimulan ang buwanang hatiran ng correo (mail) sa Hongkong at Manila. Isang araw bago siya umalis, nuong Octobre 27, 1854, pinasalamatan niya ang mga frayle dahil sa pagtulong ng mga ito sa pagtutungkulin niya.

75. Ramon Montero y Blandino, Octobre 28 - Noviembre 20, 1854. Pang-2 ulit naging pansamantalang governador.

76. Manuel Crespo y Cebrian, Noviembre 20, 1854 - Deciembre 5, 1856. Taga-Extremadura at dating pang-2 pinuno (segundo cabo) sa Pilipinas. Nilusob niya ang mga Igorot nuong Deciembre 1855 hanggang Febrero 1856. Nagbitiw siya ng tungkulin.

77. Ramon Montero y Blandino, Deciembre 5, 1856 - Marso 9, 1857. Pang-3 ulit naging pansamantalang governador.

78. Fernando Norzagaray y Escudero, Marso 8, 1857 - Enero 12, 1860. Taga-San Sebastian at general sa hukbong Español. Naging governador siya nuong Marso 8, 1857. Pinahintulutan niya ang pagtayo ng kalakal ng palitan ng salapi ng ibang bayan nuong Junio 18, 1857. Pinalusob niya ang pangkat dagat ng Español sa Cochin China (Vietnam, Laos at bahagi ng Cambodia ngayon) upang tulungan ang hukbong France duon nuong 1858. Inutos niyang ayusin ang palakad ng mga pamahalaang panglalawigan nuong Agosto 30, 1858, at nuong Septiembre 23, 1859, ang pagsasaayos ng hukbong Español sa Pilipinas. Muling nagbalik ang mga frayleng Jesuit sa Manila nuong 1859 matapos payagan muling pumasok sa Pilipinas at iba pang sakop ng España. Nagbukas ang ilang pahayagan sa Pilipinas. Mahina na ang katawan, hiniling niya sa Madrid ang pag-alis sa kanya sa tungkulin.

79. Ramon Maria Solano y Llanderal, Enero 12 - Agosto 29, 1860. Taga-Valencia sa España, pang-2 pinuno siya sa Pilipinas (mariscal de campo at segundo cabo), nahirang siyang pansamantalang governador nuong Enero 12, 1860. Natatag nuong Enero 18, 1860 ang unang sanglaan (pawnshop) sa Manila. Pinalawak ang gawain ng Banco Español-Filipino nuong Febrero 16. Namatay siya sa lagnat sa Manila nuong Agosto 30, 1860.

80. Juan Herrera Davila, Agosto 29, 1860 - Febrero 2, 1861. Pinuno ng mga kanyon ng sandatang Español (sub-inspector of artillery), naging pansamantalang governador siya nuong Agosto 29, 1860. Naitaguyod ang mga pamahalaang panglalawigan, at naayos ang Audiencia Real sa Manila nuong Julio 8, 1860. Ang bagong governador, si General Mac-Crohon, ay namatay sa dagat ng Egypt (Red Sea) habang papuntang Manila.

81. Jose Lemery e Ibarrola Ney y Gonzalez, Febrero 2, 1861 - Julio 7, 1862. Dating senador sa España. Nagtatag siya ng pamahalaang militar sa Visayas at Mindanao nuong Abril 1, 1861. Nalaan sa mga frayleng Jesuit ang pag-misionario sa Mindanao, laban sa hiling ng mga frayleng Recollect. Inutos niya na digmain ang mga Muslim. Nagbitiw at isinalin niya ang tungkulin sa pang-2 pinuno (segundo cabo) ng Pilipinas.

82. Salvador Valdez, Julio 7 - 9, 1862. Pang-2 pinuno (segundo cabo) ng Pilipinas, naging pansamantalang governador.

83. Rafael de Echague y Berminhan, Julio 9, 1862 - Marso 24, 1865. General ng hukbong Español at dating governador ng Puerto Rico, hinambalos siya ng lagim at sakuna pagkarating sa Manila nuong Julio 9, 1862 - mga aklasan nuong 1863 at lindol nuong Junio 3, 1863. Natatag ang paaralan ng mga guro (Normal School).

84. Joaquin del Solar e Ibanez, Marso 24, 1865 - Abril 25, 1865. Pang-2 pinuno (segundo cabo) ng Pilipinas, naging pansamantalang governador. Napaayos niya ang palakad sa ilang sangay ng pamahalaan sa isang buwan ng panunungkulan niya.

85. Juan de Lara e Irigoyen, Abril 25, 1865 - Julio 13, 1866. General ng hukbong Español mula Navarra at dating ministro ng digmaan ng España. Siya ang governador nuong 1865 nang itatag ng mga frayleng Jesuit ang Ateneo Municipal sa Manila, at nagkaroon ng obispo sa Jaro sa utos (bull) ni Pope Pius 9. Nuong Julio 3, 1865, nahirang na ministro ng lahat ng sakop ng España si Antonio Canovas del Castillo. Sinisante si De Lara ng hari ng España dahil sa dami ng dumi at katiwalian, graft and corruption, sa kanyang pamamahala.

86. Juan Laureano de Sanz y Posse, Julio 13 - Septiembre 21, 1866. Mariscal de campo (marshall general), ang pang-3 pinuno sa Pilipinas, nahalal siyang pang-2 pinuno dahil ang segundo cabo nuon ay umalis kasama ni De Lara, at tuluyang naging pansamantalang governador.

87. Antonio Osorio, Septiembre 21 - 26, 1866. Pinuno ng sandatahang dagat ng España, pansamantalang governador lamang.

88. Joaquin del Solar e Ibanez, Septiembre 27 - Octobre 26, 1866. Pang-2 ulit siyang naging pansamantalang governador.

89. Jose dela Gandara y Navarro, Octobre 26, 1866 - Junio 7, 1869. General ng sandatahang Español, napaayos niya ang palakad ng pananalapi (monetary system) at ng mga mababang paaralan (primary education) nuong 1867 - 1868 bago siya nagbitiw ng tungkulin.

90. Manuel Maldonado, Junio 7 - 23, 1869. Pansamantalang governador lamang. Pang-2 pinuno (segundo cabo) ng Pilipinas.

91. Carlos Maria dela Torre y Nava Cerrada, Junio 23, 1869 - Abril 4, 1871. Taga-Cuenca at general sa hukbong Español. Makabago ang palakad, itinanghal niya ang bagong kasulatan ng katauhan ng bayan (constitution) ng España ng 1869, at tinangkang tapusin ang pagsarili ng pamahalaan ng kalakal ng tobacco sa Pilipinas. Itinatag niya ang Guardia Civil nuong 1868.

92. Rafael de Izquierdo y Gutierrez, Abril 4, 1871 - Enero 8, 1873. Taga-Santander at general ng hukbong Español. Pinagbuti niya ang hukbong Español sa Pilipinas matapos nagka-aklasan sa Cavite at sa Zamboanga nuong 1872. Nagkaroon ng barkong di-makina (steamships) at telegrama sa Manila nuong governador siya. Nagkasakit, nagbitiw siya ng tungkulin.

93. Manuel MacCrohon, Enero 8 - 24, 1873. Pinuno ng sandatahang dagat (navy). Pansamantalang governador lamang.

94. Juan Alaminos y de Vivar, Enero 24, 1873 - Marso 17, 1874. Nakipag-away sa arsobispo sa Manila at sa mga frayle sa Pilipinas. Unang ginamit ang mga barkong de-makina (steamships) pabalik-balik sa España at Manila nuong governador siya, at binuksan ang ilang lungsod sa Pilipinas sa kalakal ng mga hindi-Español.

95. Manuel Blanco Valderrama, Marso 17 - Junio 18, 1874. Pansamantalang governador lamang, napaurong niya ang paglusob ng mga Muslim (moros) ng Jolo.

96. Jose Malcampo y Monje, Junio 18, 1874 - Febrero 28, 1877. Marques ng San Rafael at admiral ng sandatahang dagat (navy) ng España. Nuong 1876, nilusob at sinakop niya ang pulo ng Jolo, at pagkaalis niya sa Pilipinas, hinirang siya ng Madrid na conde ng Jolo at visconde (viscount) ng Mindanao nuong Julio 20, 1877. Nag-aaklas ang isang pangkat ng sundalong Español nang umalis siya nuong 1877.

97. Domingo Moriones y Murillo, Febrero 28, 1877 - Marso 18, 1880. Marques ng Oroquieta at general ng hukbong Español. Nakabitan ng tubig bayan ang Manila nuong 1878. Pinuksa niya nang buong lupit ang aklasan ng mga sundalo (mutiny) nuong 1877. Nuong taon din iyon, hinadlangan niya ang paglako ng pagsarili ng pamahalaan (monopoly) sa kalakal ng tobacco sa Pilipinas.

98. Rafael Rodriguez Arias, Marso 18 - Abril 15, 1880. Pinuno ng sandatahang dagat (navy) ng España. Pansamantalang governador.

99. Fernando Primo de Rivera, Abril 15, 1880 - Marso 10, 1883. Marques ng Estella. Nakabit ang cable ng telegrama direcho sa España at Manila. Sa utos mula Madrid, inalis ang pagsarili ng pamahalaan (tobacco monopoly) sa kalakal ng tobacco ng Pilipinas. Lumaganap ang katiwalian, graft and corruption, sa pamahalaan nuong governador siya.

100. Emilio Molins, Marso 10 - Abril 1 15, 1883. Pansamantalang governador.

101. Joaquin Jovellar, Abril 7, 1883 - Abril 1, 1885. General ng hukbong Español. Binawasan niya ang sapilitang paglilingkod ng walang bayad, tinawag na polo, ng mga Pilipino, ginawang 15 araw na lamang sa halip ng 40 taon-taon. Upang malunasan ng pagkadukha ng pamahalaan, inutos niya nuong 1883 na magbayad ng buwis ang mga lalawigan taon-taon. Sa sumunod na taon, nuong 1884, pinalitan niya ang pagbayad ng buwis ng bawat pamilya ng pagbayad ng bawat tao ng buwis ng cedula.

102. Emilio Molins, Abril 1 - 4, 1885. Pang-2 ulit naging pansamantalang governador, 3 araw lamang.

103. Emilio Terrero y Perinat, Abril 4, 1885 - 1888. General ng hukbo, namuno sa paglusob sa mga Muslim (moros) sa Mindanao nuong 1885. Nakasama rin sa agawan ng pag-aari sa kapuluan ng Carolina (Caroline Islands) laban sa Germany nuong 1885. Nang makita ni Emilio Terrero, ang naging governador ng Pilipinas nuong 1885, ang laganap na kalabisan, kasakmalan at kawalang pitagan sa batas ng mga frayle, pinag-ibayo nila ang mapagpalayang tuntunin para sa mga Pilipinong indio at pantayan pakikitungo sa lahat. Sa harap ng batas ang mga Pilipino ay mga Español, sabi niya minsan sa mga dumalaw sa kanya sa Malacanan. Inalis pa niya si Hevia Campomanes, ang frayle sa Binondo, dahil tumanggi itong ipamahala sa mga indio ang fiesta duon nuong 1887. Kaya nagkalakas loob sina Marcelo del Pilar, Jose Rizal, Graciano Lopez-Jaena, Moises Salvador, Pedro Serrano Laktaw at iba pang mga ilustrado na mag-demo sa Malacanan na tapusin ang pagmamalabis ng mga frayle at makapantay nila ang mga Español. Ngunit lubhang makapangyarihan ang mga frayle sa Pilipinas. Nang palitan si Terrero ni General Valeriano Weyler nuong Abril 1888, ibinalik si frayle Hevia Campomanes sa Binondo at binaligtad lahat ng ginawa para sa mga indio.

Spain’s flag

SPANISH COLONIZATION:
Tiempo Castilla sa kasaysayan ng kapuluan

Kaharian Ng Español Sa Pilipinas
Ang Huling Sandaan Taon, 1800 - 1898

MAGULO ang katapusan ng panahon ng Español, sinimulan ng aklasan ng mga taga-Ilocos dahil sinarili ng pamahalaan sa Manila ang paggawa at kalakal ng kanilang giliw na alak, ang basi, at natapos sa pagpasok ng mga Amerkano. Sa Bohol, tumagal pa ng 27 taon ang himagsikang sinimulan ni Dagohoy nuon pang 1744. Nuong 1841, naghimagsik ang mga Tagalog sa Laguna at Tayabas dahil sa pagsupil sa matimtimang ‘Ka Puli’ Apolinario dela Cruz. Napuksa subalit pahiwatig ito ng lumalawak na pag-alsa ng buong Katagalugan, lalo na nang bitayin ang 3 Pilipinong pari nuong 1872.

Higit ang gulong naganap sa España na sinakop pa ng mga taga-France, nalagas ang mga sakop ng kaharian sa buong America, marami sa madugong himagsikan, hanggang umabot sa digmaan ng Español laban sa Español sa España mismo. Ang gulo, intriga at agawan sa kapangyarihan at katungkulan ay dinala ng mga dayong Español sa Pilipinas at naipit sa kalupitan ng magkabilang panig ang mga Pilipino na, walang mabalingan, napilitang maghimagsik. Sa isang taginting na saglit, nagkaisa ang mga Tagalog sa pagpalayas sa mga Español subalit nasupil ang himagsikan nang mabigo silang damayan ng mga taga-Ilocos, Bicol at Visaya. Sila-silang mga Tagalog ay nag-digmaan din, gaya ng mga Español, subalit ang lahat ay nawalan ng katuturan - ang himagsikan, ang agawan, pati na mismo ang panahon ng Español - nang dumating ang mga Amerkano at dinaig silang lahat.

Ang Mga HARI at REGINA

16. Fernando 7 (1784-1833). Panganay na anak siya ni Ferdinand 7 Carlos 4 at ni Maria Louisa ng Parma, isinilang sa palacio ng San Ildefonso nuong Octobre 14, 1784. Bagaman at tagapagmana ng kaharian, mahigpit siyang inilayo sa anumang kapangyarihan ng mga selosong magulang, at ng kanilang ministro, si Manuel de Godoy, na querido ni Maria Louisa. Matapos siyang makasal sa unang asawa, si Maria Antonietta ng Napoli, sa Italya, kinatulong niya ito sa pakipag-sabwatan sa Escorial, ang convento ng mga hari sa España, upang makamit ang kaharian. Nabuhaghag ang mga balak ni Fernando 7 nang mamatay si Maria Antonietta nuong 1806 at nabisto ang mga balak niya ng kanyang ama, si Carlos 4, at ipinadakip siya nuong Octobre 1807.

Mabilis na ipinagkanulo ni Fernando 7 ang kanyang mga kasabwat at umiiyak na nagmakaawa sa mga magulang. Hindi nagtagal, sumiklab ang aklasan sa España, - nagsimula sa Aranjuez nuong Marso 1808, - dahil sa paghihirap na dinanas ng mga tao mula sa gulo at pagkatalo sa digmaan sa France at Portugal, at sa paglusob ng hukbo ng France. Nabisto uli ni Carlos 4 na nakipagsabwatan si Fernando 7 kay Napoleon Bonaparte, ang pinuno ng sumasakop na mga taga-France, upang maalis sa kapangyarihan si Godoy at mahirang siya, si Fernando 7, na hari ng España. Upang maligtas sa panganib si Godoy, nagbitiw si Carlos 4 at naging hari ng España si Fernando 7 nuong 1808.

Hindi kinilala ni Napoleon ang pagkahari ni Fernando 7 at binihag siya at ang kanyang ama, si Carlos 4, at pinilit na magbitiw kapwa upang mahirang na hari ng España si Joseph Bonaparte, ang kuya ni Napoleon. Kapwa rin sila binihag ni Napoleon at 6 taon na nakulong si Fernando 7 sa palacio ng Valancay, sa France. Duon, wala siyang inatupag kundi ang mag-bisyo (vices) at magpasarap sa sarili. Ilang ulit pa siyang sumipsip kay Napoleon at pinuri ang mga tagumpay nito sa digmaan laban sa lahat ng kaharian sa Europa habang patuloy na nakikipagpatayan sa hukbo ng France ang mga Español, sa pamumuno ng kauna-unahang Cortes ng España na itinatag sa Cadiz, España, ng mga naghihimagsik. Duon naanyayahan ang mga kinatawan (congressmen) mula sa Pilipinas nuong 1810, sa kauna-unahan at kahuli-hulihang pagkakataon, upang tumulong sa pamamahala ng kaharian, ngunit ang mga kinatawan ay mga Español mula Manila, hindi mga katutubong Pilipino.

Nang lubusang magapi si Napoleon nuong 1814, ibinalik sa trono (throne) si Fernando 7 at tinangka niyang isara ang Cortes upang pairalin muli ang lubusang paghahari (divine right of kings) sa España. Dahil sa nakaraang 6 taon ng digmaan, durog ang hanapang-buhay (economy) at labu-labo ang lipunan. Tapos, pagbalik ni Fernando 7, ipinagpatuloy niya ang buhay niyang ma-bisyo. Nagpakana siya ng mga kasuklam-suklam:

  • Ibinalik niya ang Inquisition, ang tanging ginawa ni Joseph Bonaparte na nakaginhawa sa mga Español
  • Ipinagbawal niya ang kalayaang magsalita (free speech), kalayaang magiliw na niyakap at ayaw nang bitawan ng mga Español
  • Pinalitan niya at ipinakulong tuwing 3 buwan ang mga ministro ng kaharian, kaya walang nagkasapat na panahon upang mapagbuti ang buhay ng mga tao
  • Kahit ayaw niyang kilalanin ang Cortes, inutos niya sa Cadiz na magpalaot ng hukbo sa America upang sakupin muli ang mga tumiwalag na mga bayan duon. Dahil sa paghihirap ng mga tao at laki ng gastos ng paglusob, tumanggi ang Cortes at inusig sila ni Fernando 7
  • Tinanggihan niya ang constitution o kasulatan ng katauhan ng bayan na pinairal ng Cortes mula nuong 1812. Nang umangal ang mga kinatawan (congressmen) at ang mga maka-constitution (constitutionalists), ipinadakip sila ni Fernando 7 at pinarusahan.
Takbuhan ang mga pinuno ng España na mapagpalaya (liberals) at tumakas sa mga bayan sa America at tumulong sa mga himagsikan duon upang humiwalay sa kaharian.

Sukdulang hinamak ng hari ang sarili niya, sulat ni Friedrich von Gentz nuong Deciembre 1, 1814, pinunong pulis na tagadakip na lamang siya at pangunahing tanod ng piitan sa España.

Dahil sa mga kagagawan ni Fernando 7, naghimagsik ang mga Español nuong 1820 at binihag nila ang hari. Umiiyak na nagmakaawa si Fernando 7 sa mga naghihimagsik, tulad nang ginawa niya sa harap ng mga magulang. Ipinangako niyang magbabago na at hindi na uusigin ang mga pinuno ng España. Natapos ang himagsikan nuong Mayo 1823 nang pasukin ang España, at ibinalik sa trono si Fernando 7 ng bagong hukbo ng France sa ngalan ng mga nagkampihan kaharian ng Europa (Holy Alliance), pinakamalaki ang Germany at France. Salungat sa pangako niyang patatawarin ang mga naghimagsik at babaguhin ang palakad sa bayan, naghiganti si Fernando 7, ipinadakip at pinarusahan ang mga kalaban niya. Hikabot ang lahat, pati ang Duque ng Angoulême, pinuno ng hukbong sumaklolo sa kanya, ay tinanggihan ang medalla at papuri na ibinigay sa kanya ni Fernando 7.

Pagtagal, hindi na lubhang nakialam sa pamahalaan si Fernando 7, hindi na nagpalit ng mga ministro tuwing 3 buwan. Bagaman at naging malamya si Fernando 7 pagtanda niya - namaga ang katawan at maraming naging sakit dahil sa dami at sidhi ng mga bisyo (vices) niya - ang 20 taon ng paghahari niya, mula nuong 1814 hanggang 1833, ay inaamin ngayong karumal-dumal na bahagi ng kasaysayan ng España. Nuong 1829, ikinasal siya sa pang-4 asawa, si Maria Christina, pincesa ng Napoli, sa Italya, at nagkaanak sila ng 2 babae. Dahil dito, inamuki ni Maria Christina na baguhin ni Fernando 7 ang batas (Salic law) na lalaki lamang ang maaaring magmana ng trono ng España, upang maging regina ng kaharian ang anak niyang dalaga, si Isabel 2. Hiyaw ang tutol ng kapatid ng hari, si Don Carlos, at nang mamatay si Fernando 7 nuong Septiembre 29, 1833, naghimagsik ito upang ibagsak ang kaharian at angkinin ang trono ng España. Kakampi niya ang mga makaluma (conservatives) at ang mga pinuno ng simbahan, pati na ang mga frayle at mga pinuno ng pamahalaan sa Pilipinas. Isabella 2

17. Isabel 2 (1830-1904). Pinanganak siya sa Madrid nuong Octobre 10, 1830, panganay ni Fernando 7, hari ng España, at ang pang-4 asawa nito, si Maria Christina ng angkan ng mga Bourbon sa Napoli, Italya. Nang mamatay si Fernando 7, hinirang na regina ng España si Isabel nuong Septiembre 29, 1833 kahit na 3 taon gulang lamang siya. Ang ina ang gumanap na tagapaghari (regent) ng España subalit nuong taon ding iyon, sumiklab ang digmaan upang alisin sa trono (throne) si Isabel 2.

Sa pasimuno ni Don Carlos, kapatid ni Fernando 7 at tagapagmana sana ng kaharian kung hindi binago ang batas na tinawag na Salic Law, nagdigmaan ang mga kapwa Español (civil war). Pitong taon lumusob ang mga kakampi ni Don Carlos, tinawag na mga Carlitos (Carlists) upang itiwalag ang paghahari ni Maria Christina at nanatiling regina si Isabel 2 dahil lamang sa matiyagang pagtanggol ng mga nagkampihang Cortes, ang hukbo ng España, mga mapagpalaya (Liberals) at mga makaunlad (Progressives). Bilang gantimpala, tinangkilik ni Maria Christina ang pagtatag ng pamahalaang bayan (parliamentary government) bilang kapalit ng pamahalaan ng hari, at ang pagtanghal ng kasulatan ng katauhan ng bayan (constitution) na sasaklaw sa lahat, pati na sa kapangyarihan ng hari (constitutional monarchy).

Nagsimula na ang himagsikan ni ‘Hermano Pule’ Apolinario dela Cruz at ang kanyang Cofradia de San Jose sa Pilipinas nuong 1841 nang magwagi sa España ang hukbong kampi kay Isabel 2, at pinilit na magbitiw si Maria Christina bilang tagapaghari (regent). Pinalitan siya nuong 1841 ni Baldomero Espartero, ang pinakatanyag na general sa hukbong gumapi sa mga Carlitos. Naging dictador ang kapangyarihan ni Espartero at malupit ang pagsupil niya sa mga kalaban lalo na sa Barcelona kaya pagkaraan ng 2 taon, nuong 1843, nag-aklas at itinawalag siya ng 2 ring general ng hukbo, si Leopoldo O’Donnell at si Ramon Maria Narvaez na kampi kay Maria Christina. Nuon itinanghal at nagsimulang mag-regina si Isabel 2. at naging pinuno ng pamahalaan si Narvaez. Pagkaraan ng 3 taon, nuong Octobre 10, 1846 pinilit ng mga kakamping politico na ipakasal ang 16-taong gulang na Isabel 2 sa kanyang pinsan, si Principe Maria Fernando Francisco de Asis de Carlitos Bourbon, na isang bakla. Sa mga sumunod na taon, kumalat ang mga tsismis ng iba’t ibang kasintahan ni Isabel 2 at ng mga pakana nila, at ni Isabel 2, upang magka-kapangyarihan sa España.

Animo’y dictador din ang palakad ni Narvaez kaya nuong 1854, nag-aklas si O’Donnell at naghalinhinan silang dalawa bilang punong ministro (prime minister) sa sumunod na 14 taon. Nakipagkampihan at nakipagsapakat si Isabel 2 sa mga general at politico, at sa mga naging kasintahan niya, upang manaig siya sa pamahalaan ngunit wala siyang nakamit kundi ang pagpapalawak ng muhi sa kanya ng mga Español.

Samantala, ilang ulit nag-kudeyta (coup d’etat) ang isang ring bantog, at malupit, na general mula sa Cataluña, si Juan Prim, na nagwagi sa wakas nuong 1868. Nagkasundo ang lahat na alisin sa trono si Regina Isabel 2 at nuong katapusan ng Septiembre 1868, tuluyang pinalayas mula sa España. Naging pangunahing ministro si Prim at tinangkilik niya ang pagiging hari ni Amadeo ngunit bago pa nakarating ito mula sa Italya, pinatay si Prim ng isang karibal sa politica.

Ayaw na siyang papasukin sa España kaya napilitang magbitiw ng pagka-regina si Isabel 2 habang nakatapon (exiled) sa Paris, France, nuong Junio 25, 1870 upang maging hari ang kanyang anak, si Alfonso 12, na higit nakarapat-dapat kaysa kanya at malaki ang maitutulong sa pagbalik ng paghahari sa España. Hiwalay na siya sa asawa nang 3 buwan nuon, at patuloy siyang nanirahan sa Paris kahit na nuong naging hari na sa España ang kanyang anak. Minsan lamang siyang dumalaw sa Madrid, nuong panahon ni Alfonso 12 at, matapos makipag-sapakat sa mga pakana duon, ay sapilitang pinaalis muli. Namatay siya sa France nuong Abril 10, 1904.

18. Amadeo I (1845-1890). Isinilang siya sa Turin, Italya nuong Mayo 30, 1845, ang ika-2 anak ni Victor Emmanuel 2, hari ng Piedmont, Savoy at Sardinia at, pagkaraan ng panahon, unang hari ng pinagbuong Italya. Ina niya si Mary Adelaide ng Austria, sa Germany. Nuong 1868, isang taon matapos siyang ikasal kay Maria Victoria dal Posso dela Cisterna, nahalal siyang hari ng España.

Nagwagi ang himagsikan sa España at napalayas si Regina Isabel 2. Ipinasiya ng bagong Cortes na magluklok ng hari at, sa sulsol ng mga kakampi ni B>Don Carlos, si Amadeo ang napili. Nuong Enero 2, 1871, isinumpa ni Amadeo sa Madrid na tutuparin niya ang constitution o kasulatan ng bayan ngunit labu-labo ang bakbakan ng mga pinuno ng España at kasalukuyang sumisiklab ang himagsikan sa Cuba at paunti nang paunti ang tumatangkilik kay Amadeo.

Napatay si General Prim ng isang pangahas (assassin) nuong 1870. Sa pagkawala ng pinakamakapangyarihang pinuno ng kaharian at kakampi ni Amadeo, wala nang nakapigil sa pagkakaribal ng mga politico at sumiklab ang digmaan nuong 1872. Muling sumalakay ang mga kampi kay Don Carlos sa Barcelona at itinanghal ang pagsasarili (autonomy) ng buong Cataluña. Naghimagsikan din sa iba’t ibang bahagi ng España ang mga naghahangad ng pamahalaang republica. Walang nalabing kakampi si Amadeo kundi ang Partido Progresivo subalit sila-sila man ay nagtutugis dahil sa dayaan sa halalan at agawan ng kapangyarihan sa Cortes.

Imposibleng pamahalaan kayong mga Español!

Napanghal na rin si Amadeo at nagbitiw ng pagkahari nuong Febrero 11, 1873. Bumalik siya sa Italya at naging duque ng Aosta hanggang mamatay nuong Enero 18, 1890.

19. Unang Republica (1873-1874). Nuong araw ding nagbitiw ng pagkahari ng España si Amadeo, agad nagdiwang ang Cortes sa kanilang maluwalhating aklasan (revolucion glorioso) at nagtatag ng isang Republica. Ilang kinatawan ng maluwalhating aklasan ang dumating sa Manila upang pagbutihin, labag sa hangad ng mga pinunong Español sa Manila at mga simbahan, ang palakad ng pamahalaan sa Pilipinas. Nagkaroon ng kaunting kalayaan ang mga Pilipino nuon ngunit hindi man tumagal ng 2 taon ang maluwalhating republica.

Mabilis na itinanghal ni Antonio Cánovas del Castillo ang sarili na tagapaghari (regent) nuong 1873 hanggang nagkaroon muli ng hari sa España nuong 1875. Nanatiling pangunahing ministro (prime minister) si Canovas hanggang siya man ay paslanging ng isang karibal nuong 1893.

Sa maluwalhating republica, sunud-sunod ang mga naging Presidente mula nuong 1873, - sina: Estanislao Figueras, Francisco Pi y Margall, Nicolas Salmeron y Alonso at si Emilio Castelar y Ripoll, - dahil sa himagsikan sa Cuba, muling paglusob ng mga Carlitos upang gawing hari si Don Carlos, at Gen. Serrano bakbakan ng mga politico sa Madrid mismo. Nuong 1874, nag-kudeyta ang mga general ng hukbo, isinara ang magulong Cortes at itinatag ang pamahalaan ni General Francisco Serrano y Dominguez.

20. Alfonso 12 (1857-1885). Isinilang siya nuong Noviembre 28, 1857 kay Isabel 2, regina nuon ng España. Hindi matiyak kung sino ang kanyang ama sapagkat ang asawa nuon ni Isabel 2 ay ang kanyang pinsan, si Maria Fernando Francisco de Assisi, ang pinakamatandang anak ng Duque ng Cadiz. Bakla si Maria Fernando at kumalat ang bulong na ang tunay niyang ama ay si Enrique Puig y Molto, isa sa mga capitan ng guardias sa palacio sa Madrid.

Tangay-tangay si Alfonso ng kanyang ina sa Paris, France, nuong 1868 nang napalayas sila ng himagsikan sa España. Pinapag-aral ni Alfonso sa Vienna, Austria, hanggang ipatawag siya ng ina upang magbalik sa Paris. Duon nuong Junio 25, 1870 nagbitiw ng pagka-regina si Isabel 2 at hinirang ang kanyang Alfonso 12 14-taon gulang na anak bilang hari ng España. Nagpatuloy ng pag-aaral si Alfonso sa England at mula duon, nuong Deciembre 1, 1874, ipinahayag niya sa España na siya ang hari. Nuong katapusan ng buwan na iyon, nag-kudeyta si General Arsenio Martinez de Campos sa Valencia sa ngalan ni Alfonso at pinagbitiw ang consejo na namamahala sa España nuon. Natapos ang unang republica.

Ang Mga ARSOBISPO

Vacante, walang arsobispo, 1794 - 1804.

20. Juan Antonio Zulaibar, 1805 - 1824, frayleng Dominican. Ipinanganak siya sa Vizcaya nuong 1753 at nag-frayle nuong 16 taon gulang lamang sa convento ng San Pablo sa Burgos, sa España. Nag-dalubhasa siya sa Universidad de Avila at 7 taon nagturo ng pagsamba (professor of theology) sa universidad de Alcala. Nahirang siyang arsobispo nuong Agosto 1803 at itinanghal (consecrated) sa Manila nuong Julio 14, 1805 ni Domingo Collantes, obispo ng Nueva Caceres. Habang arsobispo, pinagyaman niya ang seminario sa Manila. Namatay siya nuong Marso 4, 1824.

Nuong 1812, ipinasara ng pamahalaang itinatag ni Napoleon Bonaparte sa España ang lahat ng convento duon at inilit lahat ng ari-arian at lupain ng mga frayle at monja. Pagbalik ni Ferdinand 7 sa trono nuong 1814, ibinalik ang mga lupain at pinabuksan muli ang mga convento. Nang sumabok ang himagsikan sa España nuong 1820, ipinasara muli ng Cortez, ang batasan (parliament), ang mga convento at inilit muli ang mga lupain ng mga frayle. Nang matalo ang himagsikan nuong 1823, naibalik ang hari, si Ferdinand 3, at isinauli ang mga ari-arian at lupain ng mga frayle.

Nuong 1815, dumating ang kahuli-hulihan galleon mula sa Mexico, matapos sakupin ng mga naghimagsik ang lungsod ng Acapulco. Sa pagtiwalag ng Mexico mula sa kaharian ng España, natapos ang mahigit 250 taon ng galleon trade na tustos sa mga Español sa Manila, at sa pamahazlaan ng España. Lumaganap ang agawan ng lupa upang kumita sa lumalagong kalakal palabas ng mga pananim sa Pilipinas - abaca, palay, tubo ng azucar, cafe, cacao (chocalate), atbp. Mula nuon, naging karaniwang hanapbuhay ng mga Español, at mga frayle, sa Pilipinas ang ipaupa sa mga magsasaka ang mga lupain na inagaw nila mula sa mga magsasaka mismo. Ito ang simula ng panahon ng hacendero sa Pilipinas.

Vacante, walang arsobispo, 1824-1826. Ang pamahalaang simbahan (ecclesiastical cabildo) ang namahala nuon.

21. Hilarion Diez, 1826 - 1829, frayleng Augustinian. Isinilang siya sa Valladolid nuong 1761 at bata pa nang nag-frayle siya duon. Naging paring paroco siya sa Pilipinas, sa iba’t ibang nayon sa Luzon, at natuto ng Tagalog. Namahala siya 2 ulit sa convento sa Manila at naging pinuno (provincial) ng mga Augustinian. Magiliw na tinanggap ng lahat ang paghirang sa kanya bilang arsobispo nuong Septiembre 15, 1826 at pagtanghal sa simbahan ng Augustinian sa Intramuros nuong Octobre 21, 1827. Namatay siya nuong Mayo 7, 1829.

Vacante, walang arsobispo, 1829-1831. Ang pamahalaang simbahan (ecclesiastical cabildo) ang namahala nuon.

22. Jose Segui, 1830 - 1845, frayleng Augustinian. Isinilang siya sa Camprodon, sa Gerona, nuong Octobre 3, 1773 at nag-frayle sa Seo de Urgel. Nagpunta siya sa Pilipinas nuon 1795 at nagtuloy sa China upang magpalawak ng catholico duon sa sumunod na 20 taon. Pagbalik sa Pilipinas, naglingkod siya sa lipunan ng mga Augustinian at 12 taon naging pinuno (procurator general). Naging obispo siya nuong Julio 27, 1829, at hinirang na arsobispo ni Pope Pius 8 nuong Julio 5, 1830. Itinanghal siya sa simbahan ng Augustinian sa Intramuros nuong Octobre 28, 1830. Pagkaraan ng isang taon, nagtungo siya sa Ilocos upang tanggapin ang kanyang pallium mula sa obispo sa Nueva Segovia nuong Septiembre 14, 1831 at pagkaraan ng 2 linggo, nagsimula siya bilang arsobispo ng Manila nuong Septiembre 29, 1831. Siya ang arsobispo nang bitayin si Apolinario de la Cruz sa Tayabas nuong Noviembre 4, 1841 matapos puksain ang libu-libong kasapi sa kanyang Cofradia de San Jose. Namatay si Segui nuong Julio 4, 1845.

Kahit na naibalik ng hari, si Ferdinand 7, ang mga ari-arian at lupain ng mga frayle sa España nuong 1823 at nakapamuhay ang mga ito gaya nang dati, lumaganap duon ang pagkayamot sa mga frayle at karamihan ng mga tao ay lubhang naghirap sa walang patid na digmaan, himagsikan at coup d’etat. Nuong Octobre 1835 inutos ng pamahalaan na isara lahat ng convento at monasterio at inilitin lahat ng ari-arian at lupain ng mga frayle at monja. Nuon, malawak na sinunod ang utos at pinagpapatay ang mga frayle at monja na lumaban. Tinugis pa ang mga frayleng Jesuit hanggang nakatakas sa France. Libu-libong frayle at monja ang nawalan ng tahanan at pagkain. Tulad ng kanilang sumpa ng pananatiling mahirap, ang mga lipunan ng mga mendicant ay talagang naging mga pulubi. At nuon, walang hari na sumagip at nagbalik sa kanilang mga lupain. Karamihan sa mga naitaboy na frayle at mga monja ay nakisukob na lamang sa France at Italy. Maraming frayle ang nakipagsapalaran at nagtungo sa Manila upang makasali sa agawan ng lupa at kalkalan ng yaman ng mga frayle sa Pilipinas.

Vacante, walang arsobispo, 1845-1846. Ang pamahalaang simbahan (ecclesiastical cabildo) ang namahala nuon.

23. Jose Aranguren, 1847 - 1862. Frayleng Recollect. Masipag, masinop at maingat. Isinilang siya sa Barasoain, sa Pamplona, España, nuong Febrero 16, 1801, at nag-aral ng filosophia sa Pamplona, at ng abogacia sa Zaragoza. Nag-frayle siya nuong 1816 sa colegio ng mga Recollect sa Alfaro. Nang dumating sa Pilipinas nuong 1830, naglingkod muna siya sa Pampanga, at naging kalihim ng pinunong Recollect sa Masinlos, sa Zambales. Matapos ng iba pang tungkulin, pati ang pagiging pinunong Recollect sa Pilipinas nuong 1843, hinirang siya ng hari ng España na arsobispo ng Manila nuong Noviembre 12, 1845 ang nagsimulang manungkulan nuong 1847. Namatay siya nuong Abril 18, 1862.

Vacante, walang arsobispo, 1862. Ang namahala ay si Dr. Pedro Pelaez, isang Pilipinong pari. matapos siyang ihalal na capitular vicar ng pamahalaang simbahan (ecclesiastical cabildo).

24. Dr. Gregorio Meliton Martinez de Santa Cruz, 1862 - 1875. Pari na secular. Isinilang siya nuong 1815 sa Prado-Luengo, sa lalawigan ng Burgos kung saan siya nag-aral, nagpari at nagturo sa seminario ng San Jeronimo. Nag-aral din siya sa Universidad de Valladolid at Universidad de Madrid. Matapos maglingkod sa Valencia at sa Pamplona, hinirang siyang arsobispo ng Manila ng hari ng España nuong Julio 31, 1861. Itinanghal (consecrated) siya sa Madrid nuong Marso 23, 1862 at dumating sa Manila nuong Mayo 27, 1862. Duon siya nag-aral at naging doctor ng litisan nuong Agosto 24, 1862.

Nakatunggali niya ang mga frayleng Recollect tungkol sa agawan sa mga vacanteng paroco sa Manila. Nakatunggali niya ang lahat ng frayle nang hilingin niya nuong Febrero 15, 1863, kasama ang mga obispo ng Cebu at Nueva Caceres, na mga pari na secular din, kay Regina Isabela 2 ng España na tangkilikin ang karapatan ng mga obispo na pamahalaan (visitacion episcopal) ang mga frayle na pulos Español. Hiniling din niya na ipagpatuloy ang karapatan ng mga obispo na alisin ang sinumang frayle mula sa kani-kanilang paroco. Kinalaban din niya nuong Mayo 16, 1869, kasama ang mga pinuno ng mga frayle, ang governador ng Pilipinas nuon, si Carlos Maria dela Torre, dahil sa mga kautusang (decrees) Moret.

Nuong Febrero 19, 1872, naglahad siya ng isang mahabang liham, sulat sa Español at sa Tagalog at binasa sa lahat ng simbahan, ng kanyang panlulumo sa madugong aklasan sa Cavite at sa pagkasangkot duon ng 3 pari, sina Jose Burgos, Mariano Gomez at Jacinto Zamora. Kasapakat siya sa pag-usig sa mga nag-aklas at sa pagbitay sa 3 pari. Nagbitiw siya nuong 1875.

Ang mga kautusang Moret ay mga batas na pinairal sa España ng mga mapagpalayang ministro at pinuno, pinanguhan nina Segismundo Moret, Miguel Morayta at Francisco Pi Y Margall, na ipinagtanggol ang mga karapatan at pinaunlad ang kapakanan ng mga tao sa España at sa mga sakop ng España, gaya ng Pilipinas. Tinangka ni Governador Dela Torre, mapagpalaya rin tulat ni Moret, na pairalin ang mga mapagpalayang layunin kaya nagkaroon ng lakas ng loob sina Jose Burgos, Mariano Gomez, Jacinto Zamora at iba pang Pilipinong educado na kumalampag upang makapantay sa mga Español, lalo na ng mga frayle. Ngunit lumaban ang mga frayle sa Madrid at nuong 1870, pinatay si General Prim, ang patron ni Dela Torre, at pinauwi siya sa España nuong sumunod na taon. Binaligtad ng kapalit niyang governador, si Rafael Izquierdo, ang lahat ng mapagpalayang batas dahil nakita niyang nasa kamay ng mga frayle ang patuloy na paghahari ng Español sa Pilipinas. Nang mag-aklas ang mga sundalo sa Cavite nuong 1872 at patayin ang mga Español na pinuno nila, nagsamantala ang mga frayle sa Manila. Pinaratangan nilang kasapakat sa aklasan sina Burgos, Gomez at Zamora at ipinabitay nila ang 3 pari sa Bagumbayan.

Vacante, walang arsobispo, 1875-1876.

25. Pedro Payo, 1876 - 1889. Frayleng Dominican. Naging arsobispo siya nuong 1876, ipinaayos ang cathedral sa Intramuros, at nabantog sa lupit ng turing sa mga Pilipino at mestizong pari. Hiniling nuong 1888 na palayasin siya sa Pilipinas, sa isang panawagan na nilagdaan ng 810 Pilipino at ihinarap ni Marcelo H. del Pilar sa governador sa Malacanan. Namatay siya nuong 1889.

Vacante, walang arsobispo, 1889-1890.

26. Bernardino Nozaleda, 1890 - 1901. Frayleng Dominican. Provinciano mula sa Asturias, España, naging guro (professor) sa Manila nuong 26 taon na nanatili siya sa Pilipinas. Nagsimula siyang mag-arsobispo nuong Octobre 29, 1890 at naging kasapakat sa pag-usig at pagpatay sa libu-libong Pilipino na pinaghinalaang kasangkot sa himagsikan nuong 1896, pati na si Jose Rizal. Nang lumusob ang mga Amerkano sa Manila, naglabas siya ng panawagan sa mga Pilipino nuong Abril 28 at Mayo 8, 1898 na kalabanin ang mga bagong sumasakop. Sa sumunod na taon, itiniwalag niya mula sa simbahan (excommunicated) si Gregorio Aglipay, isang Pilipinong pari na sumapi sa Katipunan at nakipaghamok sa himagsikan sa panig ni Emilio Aguinaldo. Nozaleda
Nuong panahon ng Amerkano na nagsimula nuong 1900, tinangka niyang amukin ang mga Amerkano na payagang bumalik ang mga frayleng Español sa kani-kanilang paroco, at tutulong ang mga ito sa pagsakop sa Pilipinas ngunit nasawi nang tanggihan ng mga Amerkano dahil sa nakita nilang puot ng mga tao sa mga frayleng Español. Napilitan siyang magbitiw bilang arsobispo nuong 1901 at nagbalik sa España. Nahirang siya duong arsobispo ng Valencia ngunit ayaw siyang tanggapin ng mga tagaruon dahil sa marami ng masamang pahayag laban sa kanya duon.

Patapos

Nang bumagsak ang kaharian ng mga Arsobispo sa Manila nuong 1898, ang diocese ng Manila ay binubuo ng mga lalawigan ng Manila, Bulacan, Batangas, Cavite, La Infanta, Laguna, Mindoro, Morong, Nueva Ecija, Pampanga, Principe, Tarlac at Zambales. Sa loob nito ay 219 paroco (parishes), 259 frayle o misionarios (missionaries) at 198 katutubo o Pilipinong secular na pari na katu-katulong ng mga frayle na pulos mga Español.

Nang umalis si Nozaleda nuong 1901, si Martin Garcia y Alcocer, ang obispo ng Cebu, ang namahala hanggang nuong 1903, nang dumating ang isang secular na pari, si Jeremiah Harty, ang unang Amerkano na nahirang na arsobispo ng Manila. Nakipagpaligsahan siya sa mga dumadanak na mga missionario ng Protestante mula sa America, at sa hilaga ng Luzon, sa Iglesia Independencia de Felipinas ni Gregorio Aglipay at Isabelo de los Reyes ng Ilocos. Lubhang lumawak ang simbahan ng Aglipay, tantiyang umabot nuon sa 1 milyon tao, na napilitan ang simbahang catholico na ibahin at pagbutihin ang palakad sa Pilipinas.

Pinalitan si Harty nuong 1916 ni Michael O’Doherty, ang unang obispo ng Zamboanga. Ang unang Pilipinong arsobispo ay si Gabriel M. Reyes simula nuong 1949. Sumunod sa kanya nuong 1953 si Rufino J. Santos, ang unang Pilipinong hinirang na cardinal, simula nuong 1960.

Sa kasalukuyan, ang diocese ng Manila ay binubuo ng 5 lungsod - Manila, Makati, Pasay, Mandaluyong, Pasig (hindi kasali ang Santolan at Rosario), Quezon City (hiwalay ang hilagang bahagi ng Tandang Sora Avenue at Mactan), Caloocan - at 5 kabayanan, - San Juan, Taguig, Pateros, Malabon at Navotas. Mahigit 315 kilometro cuadrado ang lawak at napapaligiran ng Manila Bay sa kanluran, ng Malolos, Bulacan) sa hilaga, ng Antipolo, Rizal sa silangan at ng Imus, Cavite at San Pablo, Laguna sa timog.

Pagkaraan ng ilang araw, nagdaan si Alfonso sa pagbunyi ng Barcelona at Valencia at pumasok sa Madrid upang tanggapin ang kaharian ng España mula sa kanyang kakampi at tagapagpayo, si Antonio Canovas del Castillo. Nuong sumunod na taon, 1875, kinalaban at ginapi ni Alfonso ang hukbo ni Don Carlos, ang kapatid ni Hari Fernando 7, at natapos din sa wakas ang tanka nitong maghari sa España. Nakipagpayapa si Alfonso sa El Zanjon at natapos din sa wakas ang 10 taon himagsikan sa Cuba.

Sa paghahari ni Alfonso, nagkaroon ng hinahon at payapa sa España pagkaraan ng matagal na gulo, at naging bantog siya sa kanyang tapang at kakayahan. Pinangasawa niya ang kanyang pinsan, si Maria delas Mercedes, princesa at anak ng duque ng Monpensier sa France, nuong Enero 23, 1878 ngunit namatay ito pagkaraan lamang ng 6 buwan. Nuong katapusan ng taon na iyon, sa Madrid, binaril si Alfonso ng isang manggagawang taga-Tarragona, si Oliva Marcousi, subalit hindi tinamaan. Sumunod na taon, ikinasal si Alfonso kay Maria Christina, princesa at anak ni Duque Carlos Fernando ng Austria, nuong Noviembre 29, 1879. Habang sila ay nagpupulot-gata (honeymoon) sa Madrid, binaril ang bagong kasal habang nagmamaneho sa lansangan ng isang tagapagluto, si Otero, subalit hindi sila tinamaan.

Batang-bata at walang karanasan sa pamahalaan, maraming pagkakamali si Alfonso bagaman at nagiliw sa kanya ang mga tao dahil sa kanyang tapang at pagkamakatao. Matatag siyang tumanggi na kampihan ang alin man sa iba’t ibang pangkat ng mga pinuno ng España na kasalukuyang nag-aagawan sa kapangyarihan sa Madrid nuon. Marami ang nagalit sa kanya dahil dito, lalo na ang mga makaluma (conservative) na nais manatili bilang pinakamataas sa lipunan.

Bagaman at hindi sila kasalungkat, ang mga bulong at sumbat naman nila ang nagbunga ng ilang tangkang patayin si Alfonso. At kahit ayaw kumampi kahit ninuman, lumitaw pa rin ang pagkamakabago ni Alfonso at ang tangka niyang mapaglingkuran ang mga mamamayan sa pamamagitan ng matuwid na palakad sa pamahalaan. Maaaring akalain na kung siya ang hari ng España nuon, maaaring hindi nagtagumpay ang mga makalumang pinunong Español sa Pilipinas at hindi nabitay sina Jose Burgos, Jacinto Zamora at Mariano Gomez nuong 1872. Malamang iba ang hinantungan ng kasaysayan ng Pilipinas.

Kumalat ang cholera sa España, nagkasakit si Alfonso at namatay matapos ang 11 taon ng paghahari nuong Noviembre 25, 1885, 11 taon bago nagsiklab ang himagsikan sa Pilipinas. Alfonso 13

21. Alfonso 13 (1886-1941). Anim na buwan nang patay ang kanyang ama, si Alfonso 12, nang isilang si Alfonso 13 nuong Mayo 17, 1886 at agad siyang itinanghal na hari ng España kahit isang sanggol pa lamang. Ang kanyang ina, si Maria Christina, ang regina ng España, ang hinirang na tagapaghari (regent) ngunit bahagya lamang nakialam sa pamahalaan ang regina. Ang Cortes at mga ministro ang nagpapatakbo ng kaharian nuong 1895 nang sumabog muli ang himagsikan sa Cuba at sa sumunod na taon, 1896, ang himagsikan sa Pilipinas at kapwa nilusob at sinakop ng mga Amerkano ang Cuba at ang Pilipinas nuong 1898.

Nagsimulang maghari si Alfonso 13 nang maging 16 taon gulang siya, nuong 1902. Panahon na ng Amerkano nuon, at bagama’t nagpatuloy ang kasaysayan ng España, at ang kasaysayan ng mga Español sa Pilipinas, natapos na rin ang kahariang Español sa Pilipinas.

104. Antonio Molto, 1888. Pansamantalang governador.

105. Federico Lobation, Marso 1, 1888. Pinuno ng sandatahang dagat (navy) ng España, isang araw lamang siya naging governador ngunit naging makasaysayan sapagkat nuon inihayag ni Marcelo H. del Pilar ang kanyang petition, nilagdaan ng 810 Pilipino, na paalisin agad-agad ang mga frayle at ang arsobispo, ibigay lahat ng paroco (parishes) sa mga Pilipino at mestizong pari, at ilitin lahat ng hacienda ng mga frayleng Dominican at Augustinian. Walang nangyari sa petition maliban sa sapilitang pagtakas ni Del Pilar sa España, kung saan siya namalagi hanggang mamatay nuong 1896.

Weyler 106. Valeriano Weyler, 1888 - 1891. Taga-Majorca, anak ng isang manggagamot mula sa Germany, at marques ng pulo ng Tenerife, sa Canary Islands. Tsismis na binili niya ang pagka-governador ng Pilipinas mula sa asawang babae ng isang ministro ng España. Siya ang nagpakabit ng telephono sa Manila nuong 1890. Naitatag sa Manila ang mga paaralan ng pagsasaka (agriculture), artes at gawain (trades school). Nagbukas ng high school sa Dagupan, Pangasinan, ang mga frayleng Dominican. Pagkaalis sa Pilipinas, naging ministro ng digmaan siya sa Madrid at naging tanyag sa tuntunin niya ng reconcentrado laban sa mga naghihimagsik sa Cuba - pagkulong ng buo-buong kabayanan sa mga concentration camps. Itong malupit na tuntunin ang nagtulak sa America na palayasin ang mga Español sa Cuba, digmaan na nagsangkot at nagdala ng mga Amerkano sa Pilipinas.

107. Eulogio Despujol, 1891 - 1893. Taga-Cataluña, mason, at conde ng Caspe. Mabait sa mga Pilipino, marami siyang inutos na pagbubuti ng turing sa mga katutubo bagaman at sinalungat siya lagi ng mga frayle at mga Español sa Manila. Ipinatapon niya si Jose Rizal sa Dapitan, matapos nitong itatag ang Liga Filipina, upang mailigtas ito sa puot at pag-usig ng mga frayle. Sukdulan ang muhi ng mga frayle, natsismis na sinihulan nila ng 100,000 dolyar ang mga pinuno sa Madrid upang ilipat si Despujol ng tungkulin mula sa Pilipinas.

108. Federico Ochando, 1893. Pansamantalang governador.

109. Ramon Blanco, 1893 - Deciembre 9, 1896. General ng hukbong Español, mahusay siyang mangasiwa ngunit mahina sa bakbakan. Siya ang nagpakabit ng ilaw at corriente sa Manila. Ayaw magmalupit sa mga katutubo, binale wala niya nuong una ang Liga Filipina, ang paglawak ng mga mason, at ang mga hinala ng mga frayle ng napipintong aklasan ng mga Pilipino hanggang nabulgar ang Katipunan nuong Agosto 1896. Nabigla, galaw sindak ang mga ginawa niya pagkatapos. Sinisante niya ang lahat ng Pilipino sa hukbong Español, karamihan ay mga taga-Pampanga, at nagbuo ng mga pangkat ng mga Español sa Manila, mga voluntarios, at ipinadakip Blanco ang libu-libong Pilipino, lahat ng mayaman at tanyag, ilustrado at educado, ninakawan, pinahirapan, binitay at ipinatapon sa kapuluan ng Carolina (Caroline Islands). Siya ang nagpahintulot sa paglayag ni Jose Rizal upang sumanib sa hukbong Español sa Cuba ngunit biglang bumaligtad, ipinadakip niya si Rizal pagdating nito sa Barcelona, España, bilang pinuno ng himagsikan. Hindi nasagip ng bara-bara niyang galaw ang kanyang katungkulan sa harap ng angal ng mga frayle, at inilipat siya bilang kinatawan ng España sa Cuba nuong katapusan ng 1896.

110. Camilo Polavieja, Deciembre 13, 1896 - Abril 15, 1897. Batikang general laban sa himagsikan sa Cuba, tinawag siyang Christianong General ng mga Español, at berdugo sa Cuba (‘butcher of Cuba’) ng mga kalaban. Siya ang nagpalitis at nagpabitay kay Jose Rizal nuong Deciembre 1896 at, pagkaraan ng 2 linggo, naghayag ng kapatawaran, amnesty, para sa mga katipunero nuong Enero 11, 1897, ngunit ipinagpatuloy niya ang pagbitay at pagpatapon sa sinumang napaghinalaang naghihimagsik. Pinuksa niya ang mga sandatahang katipunero sa Cavite, sa pamumuno ni General Jose de Lachambre nuong 1897, at gamit ang mga sundalong Pilipino, karamihan ay taga-Pampanga, na sinisante ni General Ramon Blanco.

111. Jose de Lachambre, Abril 15 - 23, 1897. General ng hukbong Español. Pansamantalang governador lamang.

112. Fernando Primo de Rivera, Abril 23, 1897 - Abril 11, 1898. Pang-2 ulit naging governador. Sinalanta niya ang mga naghihimagsik, mahigit 30,000 ang nahayag na napatay sa isang lalawigan lamang, sa Cavite. Binayaran niya si Emilio Aguinaldo ng 400,000 peso upang sumuko, sa kasunduan sa Biac-na-Bato, nilagdaan nuong Deciembre 14, 1897. Matapos manawagan si Aguinaldo sa mga katipunero na sumuko nang tulad niya, ipinatapon siya ni Primo de Rivera sa Hongkong, kasama ang 34 alalay.

Ngunit hindi pinansin si Aguinaldo ng mga tao at nagpatuloy ng paghihimagsik ang mga katipunero, at nagpatuloy ang pakyawang pagpatay ni Primo De Rivera sa sinumang napaghinalaang kasangkot sa himagsikan. Nuong Marso 3, 1898, binalaan niya ang Madrid na naglabas na ng utos ang America sa kanilang sandatahang dagat sa Hongkong na lusubin ang mga Español sa Manila sa anumang oras na sumabog ang digmaan ng Espana laban sa America. Tapos, tumalilis agad.

113. Basilio Augustin, Abril 11, 1898. Naiwang governador nang tumakas si Fernando Primo de Rivera. Ipinagpatuloy niya ang pagpuksa sa mga katipunero hanggang durugin ng sandatahang dagat ng America, pinamunuan ni Commodore George Dewey, ang mga barkong pandigma ng España, pinamunuan ni Admiral Patricio Montojo, sa harap ng Cavite sa Manila Bay nuong Mayo 1, 1898. Nanawagan siya, gamit si Pedro Paterno, Pilipinong maka-Español, sa mga katipunero na tumulong labanan ang mga Amerkano. Kasapakat si Bernardino Nozaleda, arsobispo ng Manila, inalok niya ng 1 milyon peso si Emilio Aguinaldo upang kumampi sa mga Español. Bigo sa kapwang pakana, tumalilis si Augustin nang magdatingan na ang mga sundalong Amerkano.

114. Fermin Jeudens, 1898. Pansamantalang governador pagkaalis ni Basilio Augustin. Nakiusap siya kay General Wesley Merritt, pinuno ng hukbong Amerkano sa Manila, na huwag puksain ang 30,000 sundalong Español na nagtatago sa Intramuros. Nakipagkasunduan siya at isinuko ang Manila sa mga Amerkano, matapos ng kunyaring barilan, nuong Agosto 13, 1898. Hindi nagtagal pagkatapos, umalis na siya sa Pilipinas.

115. Francisco Rizzo, 1898. Naging pansamantalang governador pagkaalis ni Fermin Jeudens. Dahil sakop na ng mga Amerkano ang Manila, alsa balutan na rin siya.

116. Diego delos Rios, Agosto - Deciembre, 1898. Ang kahuli-hulihang governador na Español sa Pilipinas. Sa Iloilo, sa pulo ng Panay, humimpil ang kanyang pamahalaan hanggang nagkasunduan ang America at España sa Paris, France ( Treaty of Paris of 1898), nilagdaan nuong Deciembre 10, 1898. Bago mag-Pasko, sumuko siya sa mga naghihimagsik sa Iloilo at umalis mula Manila nuong bagong taon, Enero 1, 1899.

Ang naging governador ng Pilipinas ay si Wesley Merritt, general sa hukbo ng America (United States army), na sumakop sa Manila nuong Agosto, 1898 nang sumuko ang hukbong Español. Panahon na ng Amerkano.

Ang Mga Pinagkunan:
The Philippine Islands, 1493-1898, by Emma Helen Blair & James A. Robertson, 1903, Bank of the Philippine Islands commemorative CD, 1998
Archdiocese of Manila, Catholic Encyclopedia, www.newadvent.org/cathen/09597b.htm
The Columbia Encyclopedia, 6th edition 2001, www.bartleby.com
Conflicts of Spain in the Philippines, www.filipinoheritage.com/history/conflict_spain1.htm
The Controversy over Justification of Spanish Rule in the Philippines, J. Gayo Aragon, OP, Newsletter of the District of Asia, Society of St. Pius X, www.sspxasia.com/Newsletters/2001/Oct-Dec/The_Controversy_ over_Justification.htm
Eendracht, VOC Shipwrecks, www.vocshipwrecks.nt/out_voyages/eendracht.html
First contact between the Netherlands and the Philippines, Royal Netherlands Embassy, www.dutchembassy.ph/celeb400.html
History of the Archdiocese of Manila, www.rcam.org/history.htm
A History of Spain and Portugal, by Stanley G. Payne, The Library of Iberian Resource Online, libro.uca.edu/payne2/payne16.htm
Masonry and the Philippine Revolution, Reynold Smith Fajardo, www.glphils.org/mas-educ/mas_educ8.htm
Philippines, www.worldstatesmen.org/Philippines.htm
Our Lady of the La Naval de Manila, www.htc.edu.ph/arc/crusad/word/History.doc
Rulers, Philippines, www.rulers.org/rulp2.html
Infoplease.com, www.infoplease.com/ce6/people/A0819134.html
Joseph Bonaparte, Napoleonic Guide, www.napoleonicguide.com
Madrid in the 19th Century, www.nova.es/~jlb/mad_in19.htm
Wikipedia, the Free Encyclopedia, en2.wikipedia.org/wiki/Main-Page
Women of History - Isabella the Catholic, www.geocities.com/mizzmelisende/woman62.html
Spain: History, www.infoplease.com
Spain, History, Lonely Planet Destination, www.lonelyplanet.com/destinations/europe/spain/history.htm
Spanish Colonial Era, Philippine Directories Online, www.directoryphilippines.com/philinfo/history/spanish.php
The Spanish Netherlands, www.theotherside.co.uk/tm-heritage/background/flanders.htm#phil
Suppression of Monasteries in Europe, The Catholic Encyclopedia, www.newadvent.org/cathen/10453a.htm

Nakaraang Kabanata        Ulitin mula sa itaas        Lista ng mga Kabanata        Tahanan: Mga Kasaysayan Ng Pilipinas