Burol, Luksa, Multo SA LAHAT ng mga baranggay at sa iba pang bahagi nitong kapuluang Filipinas, walang templo o takdang puok ng pagsamba, panalangin at pag-alay ng mga tao sa kanilang mga dios-dios (idols). Mayroon silang kataga na simbahan, nagpapahiwatig ng puok ng pagsamba, subalit ang ito ay hindi tunay na tahanan ng Dios at pansamantala lamang, habang ipinagdiriwang nila ang pandot, ang pagsamba sa kanilang dios-dios. Ang kanilang simbahan ay mga tabing (shed) na itinatayo nila sa magbilang panig ng bahay ng dato o pinuno ng baranggay. Ang mga tabing, tinatawag nilang sibi, ay mga bubong (roofs) sa ibabaw ng mga haligi (postes, poles) na takip sa mga tao sa init ng araw o patak ng ulan. ‘Nag-aanyito’ sa simbahan.
Nagdadala sila ng maraming bombong (tambors, drums), iba’t iba ang laki, na patuloy nilang pinatutunog hanggang matapos ang handaan, karaniwan pagkaraan ng 4 araw. Sa loob ng mga araw na iyon, ang buong baranggay ay nagkakaisa, panguna ang naghandang familia, sa pagsamba sa anyito. Tinatawag nilang nag-aanito ang pagsambang ito kapag ipinagdiriwang ang pandot. Pagkatapos ng pandot, kinakalas na ang sibi at naglalaho uli ang kanilang simbahan. Si ‘Badhala’
Lahat ng katutubo ay sumasamba rin sa isang araw (sol, sun) dahil sa ganda at kapangyarihan nito. Pati ang buwan (luna, moon), lalo na kung ito ay maliit pa (nueva luna, new moon), ipinagdiriwang nila at binabati ng pasalubong. Ang mga bituwin (estrellas, stars) ay sinasamba rin sa maraming puok kahit na hindi nila alam ang pangalan ng mga constelacion, maliban sa Tala, ang bituwin sa umaga (matutina, morning star), ang Mapolon (los siete cabritos, the Pleiades) at ang Balatic (Great Bear). Marami silang dios-diosan (estatua, idols) na tinatawag nilang likha (creations) na gawa sa iba’t ibang hugis at anyo. Pati anumang bagay na pag-aari ng kamag-anak na napatay sa digmaan ay dinadasalan nila upang ipagtanggol sila at tulungang makalayo sa panganib. Sinamba Pati Ang Buaya.
Kahit ano na lamang ay ginagamit nilang pahiwatig (presagios, omens) ng malas o suerte. Halimbawa, paglabas nila ng bahay, bumabalik sila agad upang umiwas sa malas kapag nakakita sila ng ahas o daga (raton, mouse) o kapag may humatsing (estornudo, sneeze). Isang awit ng ibon na tinatawag nilang tigmamanuquin ay pahamak at dapat silang umuwi kapag narinig nila. Ang kaibang awit ay ma-suerte at pag narining nila, maganda ang magiging hinatnan ng kanilang lakad. Gumagamit din sila ng panghula (adivinacion, divination) upang matanto kung mabisa ang kanilang panaksak o pantaga, o kung sila ay mapapahamak paggamit nila ng sandata sa labanan. Ang ‘Kabilang Buhay’
Paniwala nila na walang napupunta sa langit dahil si Badhala lamang ang maaaring tumira duon at maghari sa lupa mula sa mataas. May mga hindi-binyagan na naniniwala sa infierno na puntahan ng masasamang tao. Duon nakatira ang mga demonio na tinatawag nilang sitan. Mayroon pa silang mga multo na tinatawag nilang vibit at saka tigbalang. Isa pang pinaniniwalaan nila ay ang patianac. Kapag namatay ang sinumang babae sa panganganak, pinahihirapan siya at ang kanyang sanggol at, sa gabi, nadidinig ang kanilang iyak. Pagsamba At Kainan.
|
PAGHANAP SA MGA UNANG PILIPINO: Chronicles Pagsamba, Mga Dios At Halimaw Ng Mga Tagalog ulat ni Juan de Plasencia nuong 1589
|
|
Kung minsan, dinadamitan nila ang anyito ng tela at pinaiikutan ng sinsing o tanikalang ginto, bagaman at bihira nilang tignan ang estatwa habang nag-aanyito. Sa harap nito, umaawit sila ng mga makata, mga parangal na sinasaliwan at sinasagot ng mga dumalo sa pag-aalay. Panguna sa pag-aanito ang catalonan (ang ‘nakikipagtalo’o nakikipag-usap sa anyito), ang pari nila sa pagsamba. Nagdadasal silang ibigay sa kanila ng anyito ang anumang hinihingi nilang biyaya, habang panay ang tungga nila ng alak para sa kanilang ikagiginhawa, hanggang silang lahat ay malasing. Paminsan-minsan, pumapasok sa katawan ng catalonan ang kaluluwa ng anyito (demonio, devil) at parang nagliliyab ang kanyang mga mata. Tumitindig ang buhok niya sa kilabot, at nagsasalita siya ng hindi maunawaan. Nagkikisay siya at, sa ibang puok, gawi nilang igapos ang catalonan sa isang punong kahoy upang hindi makasakit. Bihira naman mangyari ito. Pinupugutan Ng Ulo.
Sa paligid ng alay na hayop o kanin, naglalagay sila ng maraming gamit ng nganga - buyo, bunga (betel nut), dahon at apog (lime) - na pagkain ng lahat ng tao sa buong kapuluan. Mayroon ding mga lutong ulam (viand) at mga bungang kahoy (frutas, fruits). Pati ang mga alay na hayop ay iniluluto at kinakain ng lahat na dumalo (guests). Kanya-kanya ang dahilan ng pag-aanyito, upang gumaling ang maysakit, kumita nang malaki sa paglakbay sa dagat, bumunyi ang ani ng palay, magtagumpay sa digmaan, guminhawa ang panganganak ng buntis, lumigaya ang pag-aasawa, atbp. At kapag dato o maharlica ang naghanda, maaaring tumagal ng 30 araw ang pag-aanyito. Unang Regla Ng Dalagita.
Maraming kampon (brujos, priests) ang kasangkot sa makalumang pagsamba ng mga katutubo: ‘Catalonan’
‘Mancocolam’
‘Mangagauay’
‘Manyisalat’
‘Hocloban’
|
‘Silagan’
‘Magtatangal’
‘Osuang’
‘Mangagayoma’
‘Sonat’
‘Pangatahoan’
‘Bayoguin’
Pati Alipin, Inililibing.
Inililibing nila ang patay sa tabi ng bahay. Kung dato o pinuno ang namatay, inilalagay siya sa isang munting kubo o balcon na sadyang ginawa upang maging paglamayan. Pagkatapos ng 4 araw na lamay (luto, vigil), inisusuot siya sa isang bangka na kanyang kabaong (ataud, coffin). Inililipat ang bangka sa ilalim ng kubo o balcon at babantayan ng isang alipin. Sa halip na mga tagasagwan (remeros, oarsmen), nagsasatali sila ng iba’t ibang hayop, magkatabi ang babae at lalaki sa bangka. Ang bantay na alipin ang nagpapakain sa mga hayop hanggang sa pagtagal, patay na silang lahat, pati na ang alipin. Kung ang patay ay isang mandirigma, isang buhay na alipin ang itinatali sa ilalim ng bangkay. Duon siya hanggang mamatay na rin. Lahat ay iniiwan duon hanggang mabulok at maagnas. Habang nangyayari ito, patuloy ang panaghoy at luksa ng mga kamag-anak ng patay, awitan pa sila ng funebre at papuri sa bait at tapang ng namatay, habang panay ang inuman at kainan ng mga kaibigan. Natatapos lamang ito kapag napagod na ang mga kamag-anak sa pagdadalamhati. Libing Ng Mga Negrito.
(Ang mga Aeta ay mga unang tao (aborigines) sa Pilipinas. Hindi matanto kung saan sila nagmula. Nausog sila sa mga gubat at bundok ng mga dayuhan mula sa Indonesia, at duon pa sila nakatira hanggang ngayon sa makalumang pamumuhay. Unti-unti silang nalalagas na. - Blair and Robertson, 1903) Pagsukat Sa Oras At Panahon.
Tag-araw ang tawag nila sa panahon ng init (verano, summer), at tag-ulan ang panahon ng ginaw (invierno, winter), gayung dito, hindi malamig (frio, cold) at walang yelo (hielo,ice) o busilak (nieves, snow). Subalit parang nagbabago ang panahon mula nuong sila ay nagsimulang maging mga catholico sapagkat tuwing Pasko (La Navidad, Christmas) gumiginaw na rito nang kaunti. |
|
Ang pinagkunan: The Worship of the Tagalogs, Their Gods, and their Burials and Superstitions, by Fray Juan de Plasencia, OSF, bahagi ng The Philippine Islands, 1493-1898, nina Emma Helen Blair at James A. Robertson, inilathala sa Manila, 1903, Bank of the Philippine Islands commemorative CD re-release, 1998 Balik sa ‘Ugali ng mga Tagalog’ Balik sa itaas Tahanan ng mga Kasaysayan Susunod: ‘Ang mga Kapampangan nuong 1589’ |