6/29/2004
Hi, I’m learning Tagalog and like the writings on http://www.elaput.com . Who is behind this website? What is its purpose?
Thanks
Paul
Germany

6/30/2004
i’m glad you like my website and thank you, paul, for letting me know. many filipinos are interested in history but have given up because of lack of books, which are too expensive for most people anyway. too, most philippine history books, even school textbooks, are incomplete, incorrect, censored for content or outright biased.

a few years ago, the government mandated the shifting of public education from english to tagalog. i searched for history books in tagalog, hoping they have better textbooks, correcting the omissions and outright errors i was taught when i was in school. surprise! there were no tagalog history books.

i knew most students cannot afford to buy textbooks anyway, so i decided to create a

EMAIL:  Mga Tanong at Kuro ng mga Bumasa
<== Nakaraan           1   2   3   4   5   6   7   8   9   10   11   12         Susunod ==>

website anybody can learn from for free. i’m hoping too that some teachers and historians, future and current, would pick up the facts on my website and teach/write the right history, or at least correct the errors being taught in schools even today.

that’s why i’m doing the webpages. as for “who,” i used to be managing editor of a national newspaper in the philippines, now living in the united states.

i wish you the best in your learning tagalog. european friars who learned it in the 16th century compared it to latin in clarity, versatility and beauty. their accounts are on my website too. the language suffers from lack of technical, scientific, mathematical and modern words though. just like latin, i guess. and the people charged with fixing the problem are bumbling around clueless. oh well!

good luck on your study! and thanks again,
ernesto
new york

7/12/2004
May nabasa lang po ako sa isang libro na noong 1932-1933 ay nagkaroon ng panukalang batas blg.577 na nag-uutos sa “Kalihim ng Public Instruction” na gawing panturo sa mga paaralang primarya ang katutubong wika. ang tanong ko po ay ganito. Bakit isang taon lang ang panukalang batas na ito? Ano po ang dahilan dito? At ano ang nangyari sa mga panahong ito? salamat po sa pagbasa ng tanong ko.
  @yahoo.com

7/13/2004
wala akong makita tungkol sa batas 577, o anuman tungkol sa paggamit ng wikang katutubo sa mga paaralang bayan. katunayan, gulat ako sa balita mo. nuon pang 1908 minungkahi na ng mga amerkanong namamahala sa Pinas na gamitin ang iba’t ibang wika sa kapuluan sa pagtuturo sa mga paaralan subalit ayaw pumayag ang bagong philippine assembly (congress ng mga pinoy). pinamunuan ni leon ma. guerrero, pinilit na isang wika lamang ang gamitin - hindi nga lang natiyak kung alin.

by default, mula pa nuong 1901 nang nagdatingan ang mga guro mula america, english na ang naging wika ng pagturo sa lahat ng paaralan, pinalitan ang español. gulat ako na may nangahas na nag-utos ng ganito nuong 1932-1933 dahil malaki ang gulo at awayan nuon tungkol sa paglaya ng Pinas at ang inaasahang   politica na dala nito.

Unang-una, dumating ang bagong governador, si frank murphy, nuong 1932. Kampi siya sa paglaya ng Pinas kaya malamang bininbin (suspended) niya ang lahat ng

panukala na maaaring magkabisa nang matagalan. Hula ko, isa na ang batas 577. Pang-2, nag-aalab ang bakbakan ni manuel quezon at sergio osmena mula pa nuong 1931 tungkol sa pamumuno sa napipintong commonwealth government sa Pinas, nakatakdang magsimula nuong 1936. (si quezon ang nanalo; kung si osmena, malamang visaya ang wikang pilipino ngayon).

Pang-3, nabuo na nuon ang constitutional convention at sa constitution nuong 1935 (article 14, section 3) inutos na magbuo ng pambansang lipon (national committee) upang piliin ang magiging wikang pambansa. natakpan nito ang anumang batas tungkol sa paggamit ng wika sa paaralan.

Pang-4: inutos ni quezon (executive order 134) nuong 1937 na tagalog ang gamiting batayan ng wikang pambansa. si lope k santos, isa sa lipon, ang hinirang na director ng institute of national language (INL) nuong 1939 at sinimulan ang pagturo ng tagalog sa mga nag-aaral maging guro. sumunod na taon, ginawang official language ang tagalog, kasama ng english at español (inalis ang español pagkaraan ng 40 taon). si santos ang nagsimula ng 20-titik na abakada, at balarila (grammar) na hanggang ngayon ay pinag-aawayan pa.

ang INL ay ginawang “surian ng wikang pambansa,” tapos naging “linangan ng mga wika sa pilipinas,” at ngayon ay “komisyon sa wikang pilipino” (commission on the filipino language). masisilip sa mga naganap kung bakit naglaho agad ang batas 577 - lubhang napakainit ng bakbakan ukol sa wika mula pa nuong 1908 hanggang ngayon upang mapairal nang matagal, kung napairal man, ang batas na ito.

harinawa ay makatulong ito sa iyo. salamat sa pagtangkilik mo sa website. hanggang sa uulitin!

7/13/2004
need ur help po... Just want to ask you the ff.:
1. Heograpiya ng Pilipinas
2. Relihiyon ng Pilipinas
3. Mga ninuno ng mga Pilipino
4. Mga makasaysayang pangyayari sa panahon ng mga Kastila
Hi im Kristine. Help me pls??? I just need some answers. Pandagdag lang sa research. Send the answers. il be waiting for it... Thanks!!! Email back.

7/13/2004
salamat sa iyong pagtangkilik, Kristine. narito ang sagot, samut-samot dahil hindi ko alam ang research mo. bahala ka na lang magbuo.

1. Heographiya (geography: location by regions and countries) - ang Pinas ay nasa tinatawag na silangang timog (southeast) asia, region na kasali ang indonesia, malaysia, vietnam, cambodia, thailand at burma (gusto ng taiwan na malista at maihiwalay sa china). Tangi (by itself), ang Pinas ay nasa kanlurang gilid (western edge) ng dagat silangan (east sea, ang tawag ng mga unang pinoys, pacific ocean ngayon). nakapaligid sa hilaga (north) ang south china sea (sa kabila nito ay taiwan at china), at sa kanluran (west). pagkatapos ay vietnam na. samantala, ang celebes sea o mindanao sea (depende sa hilig mo) ang nasa timog (south). lagpas dito ay ang mga pulo ng borneo at sulawesi (celebes dati ang tawag).

kung mapa ang susukatin, ang pinas ay nasa luob ng 5 hanggang 22 guhit pahilaga (5 degrees and 22 degrees north latitude) at sa 116 - 128 guhit pahalang sa silangan (116 degrees and 128 degrees east longitude).

Topograpiya (topography), ang paglarawan sa anyo ng lupain: Ang Pinas ay mga pulo na binuo ng (1.) maraming bulkan, mahigit 16 ang ‘buhay’ pa at mina-manmanan ng volcanologists; at (2.) ng bungguan ng sahig (plate) ng pacific ocean na gumigitgit sa sahig ng indonesia at australia (indonesian-australian plate) at sahig ng asia (asian plate) na kinapapatungan ng china at japan. dalawa lang ang malawak na patag (plains) - ang gitnaang (central plains) luzon, kinabilangan ng rizal, bulacan, pampanga, tarlac at nueva ecija; at ang kapatagan (plains) ng cotabato sa mindanao.

2. Relihiyon - sa simula, pagsamba sa sansinukob (pantheism sa english) ang gawi, pagsamba sa sari-saring diyos, nahaluan ng hiwaga (animism), panalangin at panawagan sa mga bathala (dios, gods), mga diwata (duendes, elves, fairies) at mga anyito (multo at mga ninuno, ancestor worship sa english) pagkaraan ng mahabang panahon at pagdating ng bawat pangkat mula sa ibang bayan. dala rin ng dayuhan ang catolico at protestante (christianity) na pumalit sa lumang pagsamba.

maraming pagsamba ay katutubong sibol (native religions), ang pinakatanyag ay aglipay (ni gregorio aglipay), iglesia ni kristo (ni felix manalo), at el shaddai (ni mike velarde) - lahat ay batay at kahawig ng catolico. kahit na ngayon, lalo na sa bundok banahaw sa quezon at bundok apo sa mindanao, buhay pa ang makalumang pagsamba, tinatawang ngayong colorum at diyos-diyos.

3. Mga ninuno - dapat asahan, pangkat-pangkat (madalas pami-familia) ang dayo ng mga taga-indonesia, malaysia (karamihan mula sa borneo), vietnam at cambodia. dumayo rin duon ang mga taga-Pinas. remember, malaya ang pagdalaw at lipatan bago pinigil ng mga taga-Europe pagdating nila. (nuong bagong dating ang mga español, dumating sa manila ang ilang bangka ng taga-burma pero umalis din, natakot sa o tinakot ng mga español) balik-balikan din sa iba pang karatig, pati na sa mga pulo sa pacific ocean. palao ang pinakamalapit, at inulat pa ng mga español. alam din ng mga taga-guam ang pinas at padalaw-dalaw dito. dumayo rin ang mga hapon (japanese) pero natigil pagdating ng español. nuon nagsimulang dumayo ang mga intsik, karamihan taga-fujian at guandong (amoy at canton ang tawag dati). nagdala rin ng mga taga-india at taga-africa ang mga español. of course, ang mga amerkano, pero kaunti lang.

nuong pagkatapos na ng independence, republic na ang pilipinas bago nagpuslitan (‘hot bodiessmuggling ang tawag) ang mga taga-taiwan sa manila. itong grupo ang may mga nagpipilit na intsik sila, hindi pinoys. nag-aaral pa ng pagka-intsik ang mga anak sa chinese schools, ayaw makihalo sa tao.

4. Panahon ng Kastila - dapat panahon ng español (spaniard), kasi maliban sa mga governador-general, bihirang kastila (castilian) ang nagpunta sa Pinas dahil turing na liblib at malayo sa civilization ang manila. pagtagal, kahit mga governador general ay hindi na castila. Yabang lang ng español, nagpatawag silang mga castila

(parang mga provinciano, nagpatawag sa sarili na manileño o city boy). 1512 - narating ng mga portuguese (mula sa portugal, kaharian na katabi/kamag-anak ng mga español) ang sulu at basilan nuong papunta sila sa maluku (moluccas, the spice islands) 1 taon matapos nilang sakupin ang malacca, kaharian ng mga malay sa malaysia. marso 16, 1521 - unang dating ng mga español, sa pangkat ni ferdinand magellan (fernan magallanes sa español). islas de san lazaro ang binyag ni magellan sa pulo-pulo. pinatay siya at 6 pang español ng mga mandirigma ni lapu-lapu sa mactan, isang buwan lang pagkarating nila sa Pinas. tapos, pinatay ang 25 pang español ng mga mandirigma ni rajah humabon sa cebu.

octobre 1526 - nagdaan sa surigao ang pangkat ni jofre de loaisa patungo sa maluku 1528 - dumating sa visayas ang pangkat ni alvaro de saavedra upang sagipin si loaisa 1543 - dumating sa mindanao ang pangkat ni ruy lopez de villalobos. isang capitan niya ang nagbinyag ng ‘felipinas’ sa mga pulo ng samar, leyte at karatig. 1565 - dumating ang pangkat ni miguel lopez de legazpi, kalihim (secretary) ng municipio (cabildo) sa mexico city, at sinakop ang cebu, tapos ang panay. 1570, sinakop ng capitan niya, si martin de goiti, ang manila. 1571, dumating si legazpi at inari ang manila. sinakop ni goiti at ni juan salcedo, apo ni legazpi, ang buong luzon hanggang nuong 1573. 1574 - nilusob ni limahong (dim mhong ang tunay na pangalan) ang manila. 1600 - nagsimula ang paglusob ng mga Dutch sa Pinas. Naghimasik sila mula pa nuong 1568 para makalaya mula sa pagsakop ng España. Hindi natigil ang halos taon-taong paglusob hanggang nuong 1640.

1621 - nagsimula ang aklas ng iba’t ibang pangkat ng mga pinoy laban sa español. tinalo lahat ng mga español, katulong ang ibang mga pilipino. nagkaroon ng aklasan halos bawat generation ng pinoy, pero hiwa-hiwalay kaya talo lagi. 1744 - nag-aklas si dagohoy (francisco sandrejas ang tunay na pangalan) sa bohol. tumagal hanggang 1827, lagpas pa sa pagkamatay ni dagohoy. 1763 - sinakop ng british navy ang manila. kasabay, nag-aklas sina diego silang sa ilocos, at palaris sa pangasinan. natapos ang 7-year-war sa Europe (Spain & France versus Britain) pero 1764 na nabalitaan at umalis ang british. napatay si palaris, si silang at ang asawang sumunod na nag-aklas, si gabriela silang.

1841 - winasak ng mga español, katulong ang 1,000 kapampangan, ang confradia de san jose ni hermano puli (apolinario dela cruz), ang unang malawak na aklasan sa luzon. 1886 - sinulat ni jose rizal ang noli me tangere, at ang el filibusterismo nuong 1892. 1892 - pinatapon (exiled) si rizal sa dapitan, sa mindanao (zamboanga del norte). tinatag nina andres bonifacio ang katipunan 1896 - nabisto ng español ang katipunan, nagsimula ang himagsikan sa sigaw sa pugad-lawin (gubat sa tabi ng balintawak) ng mga katipuneros ni bonifacio.

1897 - (abril) pinabitay ni emilio aguinaldo si bonifacio at siya ang namuno sa himagsikan. (deciembre) sumuko si aguinaldo (pact of biak-na-bato) at nagpa-exile sa hongkong matapos bayaran ng 400,000 pesos ni gov gen primo de rivera. 1898 - nilusob ng mga amerkano at sinakop ang manila. pinasundo ni commodore george dewey si aguinaldo, na naghayag ng independence ng pilipinas sa kawit. 1899 - katulong si apolinario mabini, nagsimula ang malolos republic. sinimulan ng amerkano ang pagsakop sa buong Pinas, pati ang malolos. nawasak ang republic. pinapatay ni aguinaldo si antonio luna at siya ang namuno sa hukbo ng himagsikan.

1901 - nahuli si aguinaldo ng amerkano, katulong ang mga taga-macabebe mula sa pampanga. sumuko o natalo ang mga katipuneros. dumating ang mga guro

(thomasites) mula sa america. 1902 - nagsimulang manungkulan ang mga pinoys sa pamahalaan ng amerkano sa pinas. 1907 - unang philippine assembly (congress) ng mga pinoys. kasama nanalo sa halalan si manuel quezon at sergio osmena, ang nagtatag ng nacionalista party nuong nakaraang taon.

1916 - na-pass sa US congress ang jones law, tinatag ang senate ng mga pinoys, ang assembly ang naging lower house ng congress ng Pinas. 1934 - na-pass sa US congress ang tydings-mcduffie law, pinangako ang independence ng Pinas in 10 years. 1936 - tinatag ang commonwealth government ng mga pinoys under an american governor. si quezon ang president, si osmena ang vice.

1941 - nilusob ng hapon ang Pinas. 1945 - bumalik ang mga amerkano ni general douglas macarthur. na-liberate ang Pinas. 1946 - independence ng Pinas, simula ng republic of the philippines. unang president si manuel roxas, si elpidio quirino ang vice. nag-aklas ang mga hukbalahap.

medyo lumagpas sa panahon ng español. sinadya dahil español (at mga kunyaring español) ang pangunahin sa Pinas commerce at politics hanggang nuong mag-revolucion ang mga huk. pati ang wikang español ay official language (kasama ng english) hanggang nuon.

sana ay makatulong ito sa research mo. salamat sa pagbasa sa website, at sa pag-email mo. don’t hesitate kung may iba pang tanong. havaniceday!

7/19/2004
hi der po... thanks po sa help. makakadagdag talaga sa research ko... thanks ulit! Godbless u.
Kristine

Balik sa nakaraan             Ulitin mula sa itaas             Mag-email ng tanong at kuru-kuro             Mga Kasaysayan ng Pilipinas             Ipagpatuloy sa susunod