06/14/05

hello!
saan ko po ba maaring makita ang 4 na theorya hingil sa pinagmulan ng pilipinas? kailangan ko po ito sa araling panlipunan, ako po ay 1st year high school. maraming salamat po.

chai

06/14/05
Kamusta, Chai! Maganda sana ang araw ngayon at mga darating. Ang iyong tanong, ang pinagmulan ng Pilipinas, ay tunog kung saan nanggaling ang lupa. May sinulat ako sa website tungkol dito - Saan Mula Ang Lupa?. Subalit sinulat mo na social studies ang subject kaya malamang tungkol sa pinagmulan ng Pilipino.

Hindi ko alam kung anong 4 theory ang hanap mo, subalit sinulat ko ang kasaysayan ng pagdating ng mga tao sa Pinas. Mahaba ang paksa, kaya inilagay ko sa 2 kabanata

EMAIL:  Mga Tanong at Kuro ng mga Bumasa
<== Nakaraan           1   2   3   4   5   6   7   8   9   10   11   12         Susunod ==>

- sa Ang Unang Tao at sa Ang Mga Magdaragat. Para makatulong sa iyo, bibigyan kita rito ng halaw (outline) ng mga sapantaha (theories):

1. May tao sa Pilipinas 24,000 taon sa nakaraan (natagpuan ang bungo sa yungib (cave) ng Tabon, sa Palawan). Amuki ni Robert Fox na unang nagka-tao sa Pinas 250,000 taon sa nakaraan. Hula naman ni H. Otley Beyer na 500,000 o kalahating million taon sa nakaraan unang pumasok ang tao. Batay lahat ng hula sa “Java Man” at iba pang bungo na natagpuan sa Indonesia, mayroong higit 1 million taon ang tanda, at sa mga gamit na bato (stone tools) na nakita sa Cagayan Valley.

2. Ang mga Negrito, mga Aeta, mga Mangyan, atbp. ang naunang tao sa Pinas. Walang katibayan ito maliban sa mga lumang ulat ng Español - lahat ng tao nuon sa Pinas ay naghayag na nandito na ang mga Negrito nang dumating ang kanilang mga ninuno. Isa pa, ang mga Negrito ang pinaka-hindi civilizado, na pilantod na batayan

ng kuru-kuro. Kaya malabo ang theory na ito, lalo na nang natuklasan na ang bungo sa Tabon ay “hindi Negrito.”

3. Lumakad ang mga tao mula sa kalakihang (mainland) Asia nuong panahon nang bumabaw ang dagat nuong panahon ng tag-ginaw (ice age). Wala ring katibayan ito maliban sa pagsukat ng lalim ng lupa sa ilalim ng dagat sa paligid ng mga pulo. Maaari talagang naglakad ang mga tao nuong tag-ginaw 8,000 taon sa nakaraan, subalit paano nakarating ang mga taong Tabon 24,000 taon sa nakaraan? At ang mga tao sa Cagayan, mahigit 200,000 taon sa nakaraan?

4. Dumayo ang mga tao mula sa China nuong unang natutong magsaka ang mga tao at nagdala ng pagtatanim (agriculture) at kabihasnan (civilization) sa Pinas. Wala nang kabuluhan itong theory na, sa malas, ay itinuturo pa hanggang ngayon sa Pinas at America. Ang mga katibayang natuklas sa Mindanao at Indonesia (pati na ni Eusebio Dizon ng Philippine National Museum) ay ang mga tao sa Pinas at Indonesia “ang nagpunta at unang tao sa timog China” (pati na sa Taiwan) nuong mga panahon bago pa natutunan ang pagtatanim.

5. Ang migratory waves theory ni H. Otley Beyer na, malas uli, ay itinuturo pa hanggang ngayon sa mga paaralan sa Pinas. Mali ito at salungat sa mga katibayang natuklas mula nuong panahon ni Beyer nina Dizon, Fox, Wilhelm Solheim II at iba pang nag-agham sa unang panahon ng Pinas. Ang migratory waves ng Malay at

Indonesia ay malungkot marinig ngayon - una, walang kaibahan at iisang lahi ang Malay, Indonesian at Pinoy (ang paghihimay ay political, hindi racial).

Pangalawa, ulat na rin mga unang Español, walang tigil ang balik-balikan at lipatan ng mga tao mula at patungo sa Pinas, Borneo, Indonesia, Malaysia, Cambodia, at iba pang purok. Katunayan, ang mga Español ang pumigil sa ganitong lakbayan (upang hindi makatakas ang mga nagpapakain at nagsisilbi sa kanila), ginaya ng mga Dutch, British at French na sumunod sumakop sa mga bayan-bayan ng timog silangan (southeast) Asia.

6. Ang pinakabagong theory, halos walang katibayan dahil kaunti pa lamang ang nakarinig, nakaunawa o naniwala, ay mula kay Stephen Oppenheimer. Marami nang tao sa malaking lupain (continent) ng Sunda at may kabihasnan na bago pa nagtag-ginaw at nagkahiwa-hiwalay lamang nang tumaas uli ang dagat at nakulong ang mga tao sa iba’t ibang pulo na bumubuo ngayon sa Pinas, Indonesia at Malaysia.

Hayan, sana ay makatulong ito sa iyo, Chai. Kung masyadong controversial - maraming guro ang natuto sa mga lumang textbooks at malamang hindi maniwala sa mga bagong theories - tutunan mo na lamang ang itinuturo sa classroom para makapasa ka. Sarilinin mo na lang ang mga tunay na pinagmulan ng Pinoy at Pinas hanggang maka-graduate ka. Salamat sa e-mail mo!

06/15/05
maraming, maraming salamat po! kung maaring lang sana, gusto kong i-print nlng ang buong email nyo at ipasa sa mga teachers ko! malaking tulong po ito sa aking pag aaral!!

sana po pwede ko kayo ulit abalahin sa iba pang mga aralin tula nito. sana po nasa mabuti din kayong kalagayan.nasaan po ba kayo? d2 lng sa pinas or sa ibang bansa?

chai

06/16/05
maligaya kong tatanggapin at aasahan ang anumang email na ipadala mo sa mga darating na araw tungkol sa kasaysayan ng pinas at mga pinoys and pinays. i-print mo ang email at anumang nasa websites ko at ibigay kahit na kanino. kaya ko nga

nilunsad ang websites ko (.com at .org), para matutunan ng mga students at mga teachers ang tutuo at mga bagong tuklas na kasaysayan natin.

kwidaw lang, chai, maraming pinoy na ayaw maitama ang history (ayaw sigurong ibahin ang kanilang lesson plans). may mga pinoy din na gustong itago, at tinatago pa hanggang ngayon, ang mga tunay na nangyari kahit na matagal nang nangyari. in fact, 2 sa aklat ko (nakalusot ang iba) ay hinarang sa post office at sa airport, subversive daw. isa ay para sa isang mataas na govt official. wala nang censor daw sa pinas, kaya hiyang-hiya ang official. nuong tinanong ko kung natanggap niya ang libro saka lamang inamin sa akin na nakipag-away pa siya bago niya nakuha ang aklat.

hindi ko alam kung saan ka nag-aaral, pero nuong nasa college ako sa manila, lihim at pabulong ang usapan namin tungkol sa history, na kaiba sa itinuturo sa classrooms, at baka ma-expel kami. kaya ingat ka lang, chai. at makabuti sana sa iyong hinaharap ang pagkaalam mo sa tunay na katauhan ng mga pinoys at pinays, at sa tunay na nangyari sa pinas!

6/18/2005
gusto ko lang sana pong malaman kung mayroon po kayong mga articles tungkol sa “pinagmulan ng pilinas”.. ...“kung paano po nabuo ang ating bansa, san po galing ito...” yung tungkol po sa “divine, scientific, legends”... DAW!!! thankz po...
  @yahoo.com

06/19/05
magandang araw sa iyo! nasa website ko - Saan Mula Ang Lupa? - ang pinagmulan ng lupa ng Pinas. sa mga sumusunod na kabanata, mula sa Ang Unang Tao, nakasulat ang mga pinagmulan ng mga tao sa Pinas. sana’y makatulong ito sa iyo. salamat sa iyong e-mail. i-sulat anumang mga tanong sa darating na mga araw.

06/18/05
Ano po ba ang teorya ukol sa pinagmulan ng pulo ng pilipinas? maari po bang malaman ngayon. salamat po.
toti

06/19/05
kamusta, toti! sana’y magandang araw ito at mga susunod para sa iyo. nasa website ko - Saan Mula Ang Lupa? - ang panukala ng pinagmulan ng pulo ng Pinas. ang mga pinagmulan ng tao ay nasa mga sumunod na kabanata. pacencia kung medio mahaba at talagang magulo ang paksa na pinagtatalunan pa hanggang ngayon. sana’y makatulong ito sa iyo. salamat sa iyong email, isulat mo anumang tanong sa mga darating na panahon.

07/06/05
Mayroon po ba kayong talambuhay ni Jose de la Cruz, ang sumulat ng Ibong Adarna? Nakapagtataka po na walang nasusulat tungkol sa kanya sa Internet. Kilala ang kanyang gawa subalit walang alam ang mga tao tungkol sa kanya. Maraming salamat po.
J.O.

07/07/05
magandang araw sa iyo, J.O., at salamat sa iyong e-mail.

patawad pero wala akong alam tungkol kay “Jose de la Cruz.” katunayan, wala akong kilalang manunulat na ganuon ang pangalan. mas malungkot, wala akong natatandaang manunulat na kumatha sa “Ibong Adarna” na, sa turo sa paaralan, ay lumang alamat. narinig kong may isang aklat na nilimbag nuong 1920s, panahon ng Amerkano, subalit hindi ko alam kung sino ang sumulat. maaaring ito ang nabatid mong sinulat ni Jose de la Cruz.

sa ngayon, maraming “authors” ang iba’t ibang version ng Ibong Adarna, kabilang na sina Roberto Alonzo, Marietta T. Candelario with Felicidad Q. Cuaño, Maria Elena Paterno, Gregorio M. Rodillo, Rogelio G. Mangahas with Mike L. Bigornia, Victoria Anonuevo, Elmer Gatchalian, A. Nuego with Z.Badua, at si Efren R. Abueg with Magdalena C. Sayas. can you believe, pati si Nick Joaquin ay sumulat ng isang “Ibong Adarna.”

dahil dito, tatag ang paniwala kong walang “original author” ang alamat. isa pa, ang pinaka-matandang copia na nahukay ko ay “Anonymous” - hindi kilala ang sumulat.

06/18/05
pde po bang mkakahingi sanyo nng konting kaalaman nng mga sumusunod pangkat etniko. at larawan nito. khit konti lang po, ok n po. un asap po. slamat po umaasa po ako na mtutulungan mo po ako. slamat po uli
jay r

6/19/05
magandang araw, jay r! salamat sa iyong e-mail. ang mga pangkat ethniko sa pilipinas ay nakaulat sa website ko - Sino Ba Tayo? may mga larawan ng ilang pangkat. sana’y makatulong ito sa iyo. sumulat ka sana uli!

06/19/05
maraming salamt po sanyo. s uulitin po muli. salamat po.
jay r

luma talaga, ang sulat ay maka-panahon ni Apolinario Mabini pa. Narito ang kapiraso, upang makita mo - “Nang siya’i, dumating na sa puno nang cahoy bagá doon na hinintay niya yaon ngang ibong Adarna. Ay ano’i, caalam-alam sa caniyang ipaghihintay, ay siyang pagdating naman niyaong ibong sadyang mahal. Capagdaca ay naghusay balahibo sa catauan, ang cantá’i, pinag-iinam cauili-uiling paquingan. ”

Sang-ayon ito sa mga nabasa kong mas luma pang Tagalog na, maniwala ka, ay lalong mahirap basahin. Paumanhin at hindi kita natulungan, subalit huwag kang papigil, isulat mo ang ano pa mang tanong sa mga darating na panahon.

7/9/05
maaari po ba akong humingi ng tulong hinggil sa mga research tungkol sa “Islam at lipunang Muslim sa Panahon ng mga Español” at “Pagbabago sa ilalim ng España”??? ASAP! maraming salamat po...
ziena

7/9/05
magandang araw sa iyo, ziena! isa lamang ang natagpuan kong kasaysayan ng mga muslim na nakasulat sa tagalog - http://www.moro.jeeran.com/tagalog13.htm. may mga ilan sa English. ang http://www.niu.edu/cseas/outreach/islamSPhil.htm at ang http://www.fpif.org/selfdetermination/ conflicts/philippines_body.html ay 2 mahusay bagaman at maikli.

ngayon ko pa lamang binubuo ang kasaysayan ng moro nuong panahon ng español na ilalagay ko sa website, malamang abutin ng 6 buwan bago ko matapos ilagay lahat dahil maraming piraso. ang una na sinusulat ko ngayon ay ang salaysay ni francisco combes, SJ, baka next month pa matapos. sana ay makatulong sa iyo ito. sumulat ka sana uli.

7/10/05
ginoong ernesto,
maraming salamat po.. makakatulong po ito ng malaki sa akin... salamat po ulit... godbless...

ziena

07/07/05

Dear Sir,
Was there something written about Corazon Aquino, her works and her administration? My daughter needs it for her assignment.

Thanks/Regards.
Tess Balburias

07/07/05
There are several websites carrying the biography, photos and accomplishments of Corazon Aquino, including http://www.wic.org/bio/caquino.htm, also wikipedia’s http://en.wikipedia.org/wiki/Corazon_Aquino, and Time Magazine’s http://www.time.com/time/poy2001/photo/aquino.html. In Tagalog, there are 3 chapters about the former president, including photos, starting with http://www.elaput.org/pinsnews.htm and continuing to the next 2 chapters. I hope this helps your daughter. Thanks for your e-mail.
ernesto

07/08/05
Hi Sir,
Many thanks.

Thanks/Regards.
Tess Balburias

08/06/05

Dear Mr. Ernesto Laput,
Thank you very much for this website from which I am learning a lot about our nation’s history. It is also an excellent Tagalog refresher and teacher. Are all the topics shown on the homepage covered in one book? If not, please give me the other book titles so I can order them.
Thank you.

Cesar L. Pineda

A good day to you, Mr. Pineda. Thank you for the invigorating letter. I am especially gratified that you value Tagalog.

As for the books, the only book I’ve printed - Pinas: Kasaysayan ng Pira-pirasong Bayan - is a survey or outline of the country’s experience since prehistoric times to the near present. The other topics expand on this outline and derive from many books, principal is Blair and Robertson’s 1903-1906 “The Philippine Islands 1493-1898” which contains translations of numerous Spanish chronicles. Examples are Combes’ 1667 Historia de Mindanao, Jolo y Adjacentes, and those of Plasencia,

8/3/2005
May mga halimbawa po ba kayo ng mga awiting bayan ng mga muslim? Padalhan po sana niyo ako ng kahit ilang kopya. Maraming salamat po.
kiray

sorry, wala akong alam na awit ng muslim.

Loarca and Chirino and others I’ve mounted on the website. Magellan’s voyage by Antonio Pigafetta from around 1525 was taken from another book.

Other topics I’ve touched on, and will add to in the future (I hope), are condensed from many books - the formation of the islands from 50 million years ago, human evolution and migration to the Philippines in the previous half million years, the rise and fall of Malay kingdoms (from Burma to Manila) in the past 2,000 years and their effects on Philippine culture and history. Etc. I hope you’ll continue to read the website. I’m now compiling articles on Mindanao and southern Philippines to go with Combes’ Historia, interspersed with subjects requested by other readers (school homework daw).

Thanks again, and please don’t hesitate to email in the future.

Balik sa nakaraan             Ulitin mula sa itaas             Mag-email ng tanong at kuru-kuro             Mga Kasaysayan ng Pilipinas             Ipagpatuloy sa susunod