10/20/2004
good day!
may I request if you can give me descriptions and pictures of different musical ethnic instruments in the philippines? thank you very much!
Marivic H. Rodillo

10/24/2004
Kamusta, Marivic? Paciencia na’t natagalan itong sagot sa email mo. Hindi ako gaanong maalam sa musica kaya maliban sa Ang Himig At Indak Sa Mindanao (by request din ng isang reader), wala akong masyadong materiales. Kuwan na lang, ibibigay ko sa iyo ang mga ni-research ko, maraming hindi naisali sa website.

1. Filipino Heritage Museum, Philippine Musical Instruments Section
http://www.koleksyon.com/museum/collections/folklore.asp

2. Chordophones, Article on Culture and Arts
National Commission for Culture and the Arts
by Corazon Canave-Diquino
professor, College of Music, University of the Philippines
http://www.ncca.gov.ph/culture&arts/cularts/arts/music/music-musicinst2.htm

EMAIL:  Mga Tanong at Kuro ng mga Bumasa
<== Nakaraan           1   2   3   4   5   6   7   8   9   10   11   12         Susunod ==>

3. Traditional Music of the Ethnic Minorities on the Philippine Islands
Music and Dance of the Bukidnon People
by Hans Brandeis, Berlin, Germany
e-mail: brandeis@cs.tu-berlin.de
http://aedv.cs.tu-berlin.de/~brandeis/phil_music.html

Sana’y makatulong ito sa iyo. paciencia na uli at salamat sa iyong email. Huwag mag-hesitate mag-email uli tungkol sa anumang kasaysayan.
Ernesto J Laput

10/24/2004
Thanks for your reply and spending time to e-mail me your research. I appreciate it. God bless and good luck in your career.
Once again, thank you very much! Have a nice day.
Marivic H. Rodillo

10/30/2004
muzta p0? tatan0ng lng p0 me 4 my pr0ject pwd nyo b me bgyan ng mga informati0ns about s mga damit,palamuti,gamit etc n0ong panah0n ng hap0n? Tnx p0! hope n mareceive k0 p0 as s0on as p0ssible! god bless!
  @yahoo.com

P.S. pwd p0 bng may kasamng mga pics?

patawad, wala akong ulat maliban sa Saling-Pusa: Panahon Ng Hapon, isang kabanata sa aking aklat, PINAS: Munting Kasaysayan ng Pira-pirasong Bayan, sa website ding ito. May mga pics pero wala ukol sa damit, palamuti at iba pang hanap mo. paciencia ka na at hindi kita natulungan.

11/23/2004   araling panlipunan
ano ang alam nyo tungkol sa pamahalaang amerikano sa pilipinas?
  @yahoo.com

1/30/2005
Patawad at matagal bago kita nasagot. Kaunti lamang ang alam ko sa pamahalaang amerkano sa pilipinas. Kung nais mong tunghayan, i-click itong 3 kabanata: mula nuong pumasok ang amerkano hanggang naging pangulo si Manuel Quezon - Koboys En Indios, ang Isang Bayan, Isang Wika: English at ang ‘Hell Run By Filipinos’.

Sana’y makatulong ito sa iyong aralin. Salamat sa iyong email!

11/28/2004   permission

bro isa ako sa tagahanga ng iyong website lalo na sa loarca at request kung ma-iprint at ipabasa sa mga estudyante ko na umaabot ng 100 at ilalagay ko ang source ang http://www.elaput.org/pinsmain.htm
sana ay mapagbigayan ninyo ako. Naghahanap na rin ako ng libro ninyo sa mga estudyante ko para makabili sila. more power at sana marami pang mga artikulong pangkasaysayan ang magawa ninyo.
gumagalang,
Daniel Anciano

sana bisitahin din niyo ang aking aking webpage sa geocities.com/cavitesu - nandoon ang ilan kong pagtatangka na sumulat sa kabalintunaan ng kasaysayan ng pilipinas.

11/30/2004
kamusta, daniel! nawa’y masagana ang iyong lagay. matagal ko nang sinusundan ang iyong website. isinama ko ang ilang paksang sinulat mo sa Open Directory ng http://dmoz.com/World/Tagalog/Lipunan/Kasaysayan upang maikalat sa lahat ng directorio by category sa buong mondo--pati na sa yahoo, aol, atbp. ilang ulit ko pang nilagay ang pangalan mo sa description.

tungkol kina loarca, ginagawa ko pa sina colin (inulit lang si chirino sa kalakihan), combes (tungkol sa mga taga-Mindanao nuong unang dating ng espanyol), san

agustin atbp. abangan mo na lamang sa mga susunod na buwan, dahil sinisimulan ko pa ang tungkol sa mga intsik - medio nalalaktawan kasi sila, tapos ang mga Muslim naman. Para naman hindi maisip ng mga estudiante na pulos español lamang ang ating nakaraan. Saka ko na isisingit ang mga amerkano at panahon ng Hapon, para maging buo ang malaman ng mga bata tungkol sa kasaysayan.

tangka ko talaga na ipagamit sa lahat ang mga kasaysayan nang walang bayad, lalo na sa mga guro upang ituro sa mga bata dahil alam kong magastos ang libro (marami pang mali at itinago ang mga isinulat nina Zaide, atbp), walang librong kasaysayan sa tagalog na gamit na as medium of instruction, at marami ang uhaw sa kasaysayan ng Pinas subalit walang mabalingan. kung maibabalita mo sa ibang mga guro, at estudiantes, na malayang magagamit ang website, tatanawin kong malaking utang na luob. huwag lamang ipagbili at pagkakitaan ng iba sana.

kung nais mong bumili ng aklat ng “pira-pirasong bayan,” nasa unang pagina ng pinsmain.htm kung paano makaka-order. may kamahalan lamang. ayaw kong ipagbili sa mga bookstore at baka sabihing may ulterior motive ang aking history - para magka-pera lamang - at mababawasan ang credibility ng sinulat ko, lalo na’t isinama ko ang mga controversial facts na iniwasan ng mga textbooks - ez. si josephine bracken ang asawa ni rizal, naduwag sa cañones at nagtakbuhan sina ‘rajah’ tupas, itinatwa ni rizal ang himagsikan, atbp. mas gusto kong basahin ng libre ang website. sa ngayon, mahigit 2,000 ang bumabasa buwan-buwan, napakaunti kung ihahambing sa mga nag-aaral ng, at mga mahilig sa kasaysayan sa atin.

nawa’y makatulong sa iyo ang aking mga sinulat. at nawa’y palaguin mo ang matagumpay mong website na matama kong bubuklatin sa mga susunod na taon.
ernesto j laput

12/12/2004
Salamat sa iyong pagbibigay ng permission para magamit ng mga estudyante ang iyong mga materyal - alam mo ba na nganga ang mga estudyante ko ng basahin nila ang papel ng ANG MAGDARAGAT - hindi nila inaasahan na ganon kagaling ang pinoy bago siya maging biktima ng kolonisasyon.

Kung magkakaroon ako ng oras - i will update my webpage at sana makapag-ambag din ako sa trabaho ninyo. Kaya lang ay hindi pa ako makapag-commit dahilan sa tinatapos ko ang noli me tangere na ang gamit ko ay patricio mariano at charles debyshire at nilalagyan ko ng anotasyon para magkaroon ng maayos na grasp ang mga bata pati ang paliwanag ko

sa anyo ng anotasyon.

Bro. Congrats!!! alam ko malayo ang mararating ng website mo - maaring hindi pa ngayon pero gagawa ako ng paraan para marami pang makarating diyan sa website mo.

muli salamat at paghanga sa kapwa ko may interest sa propagasyon ng kasaysayan ng ating inang bayan.-----kung gamitin ko man ang materyal mo ay nandoon ang iyong website at ngayon puwede ko ng ilagay ang salitang with permission...

daniel anciano

12/16/2004
Magandang gabi! May alam ho ba kayo tungkol kay eduardo de lete? liban sa tumulong siya sa La solidaridad. Birthplace? Birthyear? Salamat!
Adrienne

12/16/2004
Kamusta, Adrienne! malungkot na balita, wala akong alam tungkol kay Eduardo de Lete, kung kailan o saan isinilang. ang alam ko lamang, siya ay ang tinatawag nuon ng Español na “Filipino” - a Spaniard na ipinanganak sa Pilipinas (Cavite). Kababata at kaibigan siya ng isa pang “Filipino” na Caviteño, si Evaristo Aguirre, na kaibigan ni Jose Rizal at makabayan (nationalist) gaya ni Lete.

Si Aguirre ang nagpakilala kay Lete kay Rizal nuong nasa Europe (Belgium) kapwa si Lete at Rizal. Minsan, nuong July 1891, nagpunta si Rizal sa Brussels upang masagot ang tanong ni Lete tungkol sa 2 ‘agricultural colony’ sa Belgium - isa para sa mga lalaki, sa “Hoogstragen,” at isa para sa mga babae, sa “Brujas.”

Sa Madrid, na-in love si Lete kay Consuelo Ortiga y Rey, magandang anak ni Don Pablo Ortiga. Kaso, in love si Consuelo kay Rizal na sumulat pa ng romantic poem para sa kanya, A La Senorita C.O. y R. Umurong si Rizal at lumayo kay Consuelo dahil in love siya kay Leonor Rivera, saka ayaw niyang masira ang friendship nila ni Lete. Maliban dito, wala akong alam kong ano ang nangyari kay Lete. Sorry, nawa’y makatulong ito sa iyo. Sulat ka uli!
ernesto

1/2/2005
Maaari ko bang malaman kung saan pa ako pwedeng makakuha ng impormasyon tungkol kay eduardo de lete?

1/30/2005
Kamusta, Adrienne! Paumanhin at matagal bago ako nakasagot sa iyong liham.

Tungkol kay Eduardo de Lete, nabanggit siya ni Felice Prudente Sta. Maria sa kanyang “The Joyful Cook” column sa Daily Inquirer nuong Jun 18, 2003 tungkol kay Jose Rizal:

“I remember he (Rizal) wrote home from Madrid about a meal he had in 1883 with 15 compatriots.Felix Ressureccion, the famous painter; Pedro Paterno, who negotiated the Biak-na-bato Peace Treaty in 1897 between the Spanish monarchy and Philippine revolutionary forces under Emilio Aguinaldo; as well as other Filipinos abroad who included Emilio and Esteban Villanueva, Manuel de Iriaarte, Eduardo Lete, Valentin Ventura, Juan Fernandez and Federico Calero. They got together at the Paterno home. They were probably homesick. So they cooked and ate with their hands rice,stewed chicken, adobo, fritada and roast suckling pig. Each of them contributed a peso toward the special occasion.”

Tanungin mo siya, baka mayroon pa siyang alam tungkol kay Lete. Ang email address niya ay nasa http://www.inq7.net. Nabanggit din siya sa website ng Knights of Rizal sa Europe. Kung gusto mong tanungin, webmaster@knightsofrizal.de ang email address.

Sumulat din tungkol kay Rizal si Jose Luis Gomez-Martinez, professor sa University of New Orleans. Nabanggit si Lete. Baka ma-contact mo sa kanyang website “Proyecto Ensayo Hispanico” o e-mail address jlgomez@ensayistas.org.

Inulat din ang karibalan nina Jose Rizal at Lete sa pagsulat at pamumuno sa La Solidaridad sa aklat ni John N. Schumacher nuong 1973, “The Propaganda Movement: 1880-1895, The Creators of a Filipino Consciousness, the Makers of Revolution.” Jesuit siya kaya baka may copia sa Ateneo University Library. Subukan mo rin sa National Library sa Manila.

Maliban sa mga ito, wala na akong alam, sorry. Sana’y makatulong ito sa iyo. Maraming salamat!
ernesto

12/31/2004
Salamat po sa inyo at nagkaroon ng website tungkol sa Pinas at kasaysayan nito. Mayroon po ba kayong alam tungkol sa literaturang ginawa ni dating presidente Manuel L. Quezon na kanyang pinamagatang ‘grow like a molave tree’?

Bilang isang Marino na nakadestino dito sa San Diego, Ca, isa sa mga inspirasyong ko po ay ang dakilang kasaysayan ng ating bansang Pinas at ang mga bayaning nagtaguyod ng sandigan nito. Isa na dito ang dating presidente Manuel Quezon. Maniwala kayo’t sa hindi, naghanap ako ng mga libro sa sari’t saring mga Pilipino stores dito at maging sa mga online stores pati na ang amazon, barnes at noble, yahoo, at iba pang search engine/sites patukol sa mga gawa ni pres. Quezon. Ngunit walang libro tungkol sa kanyang mga literatura at mga gawa.

Ang inyo pong website ay isang magandang paraan para makarating sa mga Pilipinong nasa abroad.

Mabuhay kayo!
Edwin Gonzales

Patawad, Edwin, at hindi ko alam ang sinulat ni Manuel Quezon na hinahanap mo. Nakita ko ang sinulat niyang talambuhay (autobiography), “Ang Mabuting Laban” (The Good Fight), na isinalin sa Tagalog nina Paul R. Verzosa at Gregorio Borlaza. Mababasa ito sa http://www.quezon.ph/timeline.php, ang website ng apo ni Quezon, si Manuel III, na mayruon ding column sa pahayagang Daily Inquirer. Mababasa mo ang column sa online version ng pahayagan, http://www.inq7.net. May email address si Manuel III duon at sa sarili niyang website. Baka masulatan mo siya ng iyong mga tanong tungkol sa kanyang lolo.

Good luck sa iyong paghahanap!
Ernesto

1/21/2005
G. Ernesto,
Totoo ba na ang ang pinagsimulan ng mga pangalan at apelyedong Espanyol ng mga Pilipino ay ang batas na pinairal ni Gen. Llanera. Sang-ayon dito, ang bawa’t pamilya ay kinakailangang pumili nang apelyedong Espanyol dahil sa nahirapan si Llanera at ang mga kapwa n’yang Kastila na bigkasin ang mga katutubong pangalan.

Maraming salamat sa inyong sagot.
Juan A. Amoroso, Jr.

1/23/2005
Kamusta, Juan! Nawa’y masagana ang iyong lagay.

Tungkol sa tanong mo sa pangalan at apelyidong Español, si Narciso Claveria, governador general ng Pilipinas, ang nag-utos nito nuong Noviembre 11, 1849, bandang 50 taon bago naging general si Llanera (assuming siya yung Mariano L. na lumaban nuong panahon ni Aguinaldo). Layunin ni Claveria na buwisan nang mas

malaki ang mga Pilipino kaya pinalitan ang dating tributario per familia ng cedula tax bawat Pilipino. Kaso, hindi natutunton kung sino ang nagbayad, at sino ang hindi, dahil nagkaka-parejo ang pangalan sa iba’t ibang barrio, nayon at kabayanan sa bawat lalawigan. (Maraming Pilipino nuon, isa lamang ang pangalan. Bihira lumipat ng barrio o nayon ang mga tao nuon, pinagbawal ng mga frayle, at sa kanyang puok, nagkakakilala lahat kaya hindi kailangan ang apelyido). Sa utos ni Claveria, may kalakip na listahan ng mga apelyido na puwedeng piliin ng mga Pilipino. Natural, mga apelyidong Español ang nakalista, kaya maraming familia ay parejas ng apelyido.

Dapat tandaan, kahit bago nag-utos si Claveria, may mga Pilipino na may 2 o 3 pangalan. Karaniwang sa mga pinuno at mga sikat sa kanilang purok, parangal o kilalang angkan ang pang-2 pangalan. Gaya ng Datu, Gatchalian (Gat sa lihan o baranggay), Macapagal (karaniwang angkan ng pari bago dumating ang Español), Manicmanaug o Manaoag (manhik-manaog, taga-akyat sa puno ng niyog, mahalagang tao dati dahil kailangan ang niyog, langis, tuba at suka kahit saan araw-araw), atbp.

Naka-detalia sa aking website - Ilan Ang Kakain? - kung nais basahin. Sana ay nakatulong sa iyo ito. Sumulat ka uli kung may iba pang tanong. Sa susunod!
Ernesto J Laput

Balik sa nakaraan             Ulitin mula sa itaas             Mag-email ng tanong at kuru-kuro             Mga Kasaysayan ng Pilipinas             Ipagpatuloy sa susunod