3/17/2005
Jane S.San Agustin
03/19/05
Philippine Music, A Historical Overview by Corazon C. Dioquino,
http://www.ncca.gov.ph/culture&arts/cularts/arts/music/music-philmusic.htm
Mga Kundiman ni Jose Rizal, http://pambata.tripod.com/id2.html
Traditional Music In The Philippines, Hans Brandeis Homepage,
http://aedv.cs.tu-berlin.de/~brandeis/phil_music.html
|
EMAIL: Mga Tanong at Kuro ng mga Bumasa
|
The Origins of Sikaran, http://home.pacbell.net/sika/sikaran.html
History of Music Education in the Philippines, by Leticia G. del Valle, http://www.ncca.gov.ph/culture&arts/cularts/arts/music/music-historyeduc.htm New Works from the Southern Philippines, http://www.creativeworkfund.org/bios/danongan_kalanduyan.html Indigenous Music, by Antonio C. Hila, Tuklas Sining: Essays on the Philippine Arts, http://www.koleksyon.com/filipinoheritage/phil-music/ pre-colonial-indigenous-music.asp Kasaysayan Ng Dulang Pilipino, http://www2.hawaii.edu/~tagalog/dula.htm
Musica ng Mindanao, http://www.elaput.org/muscmind.htm 03/19/05
|
|
3/21/2005
Pam |
3/26/05
Magandang araw sa iyo, Pam! Salamat sa iyong sulat. Kasama sa halaga ng aklat, PINAS Munting Kasaysayan ng Pira-pirasong Bayan, ang padala sa pamamagitan ng United States postal services, subalit hindi maaaring madaliin dahil sa mga kailangan bago maipadala ang aklat. Mas matagal kung sa Pilipinas o ibang bayan ipadadala. Dagdag-babala: 2 copia na ipinadala sa Pilipinas ay hinarang sa post office at sa airport ng mga censors (akala ko inalis after Marcos martial law, meron pa pala) dahil ‘subversive’ daw, pero yung isa ibinigay din nang nagpilit ang recipient. Baka naghahanap lang ng ‘lagay.’ Huwag mag-alaala, mababasa any time ang PINAS sa website habang hinihintay ang pagdating ng aklat. Sumulat ka uli, kung anuman. Mabuhay ka, Pam! Mabuhay ang Pinas! |
5/18/200
Sumasainyo,
5/23/2005
May salin sa English sa “The Philippine Islands, 1493-1898” nina Emma Blair at James A. Robertson, nilathala nuong 1903-1906. Palagay ko, may copia sa National Library o National Museum sa bandang Rizal Park. May nabibili ring copia sa CD (compact disk) sa Ayala Bookstore sa Makati, o sa email kung sakaling malayo
|
kayo sa Manila. Ang “Historia” ni Combes ay nasa aklat (volume) 40.
Wala akong alam na copia sa Tagalog. Kasalukuyan ko pa lamang isinasalin ang mga ulat ni Combes at may 2 or 3 buwan pa bago ko maisampa sa website. Subalit paunang pahiwatig, Ginuong Mosende, kung nais ninyong hintayin: Kaunti lamang ang ulat ni Combes ukol sa Caraga, at lalong kaunti ang ukol sa pagpalawak ng catholico duon at sa buong Mindanao. Tungkol sa pagka-catholico sa Caraga, ituturing ko ang website, “Old Caraga” sa http://www.geocities.com/Athens/Cyprus/8446/caraga.html. Sana ay maka-email ninyo ang may-akda tungkol sa kanyang mga ulat. Nilista niya ang mga aklat at basahin na ginamit niya sa website. May pilas duon ng “Caraga: Regio de Gente Animosa Religio” - ulat sa English ni Father Joesilo C. Amalla ng Pagbuhay sa Pagsamba (catholico) sa Caraga. Si Amalla ay curator sa Butuan Diocessan Museum ng Saint Joseph Cathedral Rectory sa Butuan City. Baka maibigay sa inyo ng may-akda kung paano maka-email si Amalla, o maaari sigurong sulatan ang Saint Joseph Rectory na mismo. Nawa’y makatulong ito sa iyo, at aabangan ko ang iyong sinusulat sapagkat itong bahagi ng kasaysayan ng Pinas ay kasalukuyang ‘nakatago’ at kailangang maihayag sa mga Pinoy, sa sariling wika, upang maunawaan ng lahat ang tunay na karanasan ng bayan. Maraming salamat sa inyo! |
05/24/05
Maraming salamat po sa inyong dagling tugon sa aking katanungan. Katabi lamang po ng aking opisina (PSE Bldg) ang Lopez Memorial Museum kaya’t natutugma pong ito’y aking mabisita. Subalit limitado lamang po ang aking kaalaman sa wikang Español kung kaya’t malamang na ang bersiyon ng CD mula sa National Bookstore ang aking babasahin. Marami rin pong salamat sa inyong pagtukoy sa website na mayroong panulat si Fr. Amalla patungkol sa Caraga. Nabasa ko na po ito nuong mga paunang pananaliksik na aking isinagawa. At dahil ako po’y mula sa Surigao, sa muling pagbisita ko roon, ninanais kong makausap ng personal sina Fr. Amalla at si G. Almeda. Ganun pa man, patuloy pa rin akong magsasaliksik kung maaring makipag-ugnayan sa kanila sa pamamagitan ng |
internet.
Muli ko pong ipinaalala na kung sakali mang inyong mahagilap ang sipi ng “mga sulat ng heswitang misyonero mula sa Mindanao”. Sa aking narinig mula sa dating mga kakilala sa Kapisanan ni Hesus, ito po’y mayroong 9 na volume at ang hanggang pangatlong volume pa lamang ang nai-sasalin sa englis. Mukhang ang ikapitong volume ang napapatungkol sa misyon sa Caraga na kinabibilangan ng Heswitang si Fray Urios – isa sa pinakakilalang misyonero ng kasalukuyang Agusan-Surigao. Ang orihinal na sipi ng mga sulat ay nasa wikang Español at kasalukuyang nasa Monumenta Historica Societatis Iesu sa Roma. Sumasainyo,
|
05/30/05
Ginoong Laput,
Sa unang pagkakataon, aking nahawakan ang sipi ng aklat ni F. Combes, SJ na may pamagat na Historia de Mindanao Y Jolo (1897). Tama nga ang iyong sinabi, kakaunti lamang pagkakasulat panungkol sa Caraga (nasa pahina 1, 3, 9, 79, 131, 150, 586, at 628 lamang) Sa tulong ni G. Mercy ng Lopez Museum Library, akin ring nakita ang iba pang aklat na me kinalaman sa Caraga. Isa sa pinakabago ay ang aklat ni Fr. Peter Scheurs, MSc na pinamagatang Caraga Antigua 1521-1910: The |
Hispanization and Christianization of Agusan and East Davao.
Naipakita rin sa akin ang mga sinaunang mapang nailathala. Malaking tulong rin ito dahil nakikita roon ang mga unang pagkakabahagi ng mga territoryo sa Mindanao. Ang isang mapa na inilathala nuong 1887 ay nagsasad na ang Surigao ay isa sa anim na probinsiya ng Mindanao at nasasakupan nito ang hilagang bahagi ng Davao. Umaaasang muling makatanggap ng mga karagdagang kaalaman mula sa inyong mga pagsasaliksik. Sumasainyo,
|
06/08/05
ang aking katanungan po ay ang mga sumusunod: 1. ano ang pinagmulan ng wika? 2. sino ang unang taong nagpasimula nito? felicitas
06/13/05
Bumuo ang Congress (Commonwealth Act 184) nuong 1936 ng isang pambansang committee upang piliin kung aling katutubong wika ang gagamitin. Tagalog ang napili, pinagtibay ni Quezon sa kanyang executive order 134 nuong 1937. Pagkaraan pa ng 3 taon, itinanghal na official ang pambansang wika, tinawag na Pilipino, at itinuro sa lahat ng elementarya at high school sa pamumuno ni Lope K. Santos, director ng Institute of National Language mula nuong 1939. Siya ang sumulat ng grammar textbook, ang Balarila ng Wikang Pambansa, na gamit pa hanggang ngayon.
|
Naungkat uli ang pambansang wika nuong 1973 Constitutional Convention na nag-utos na isali ang ibang katutubong wika sa pambansang wika, tinawag na Filipino sa halip ng Pilipino. Marami ang umangal kaya nag-atas uli ang 1987 Constitution (article 14 section 6), pinagtibay ang bagong pangalang Filipino, at pagsali ng ibang wika.
Nuong Agosto 25, 1988, inutos ni Pangulo Corazon Aquino (executive order 335) na gamitin ng mga kawanihan ng pamahalaan ang pambansang wika sa kanilang mga kasulatan. Nuong 1994, binuo ng Pambansang Batas (republic act) 7722 ang Commission on Higher Education (CHED) na nag-atas nuong 1996 (CHED memorandum 59) na hanggang maaari, gamitin ang wikang pambansa sa pagtuturo ng Literature, Humanities at Social Studies sa mga paaralan. Sa sulsol nina Pangulo Cory Aquino, Pangulo Fidel Ramos at Pangulo Joseph ‘Estrada’ Ejercito, malaking bahagi ng aralang bayan ang itinuturo na sa wikang pambansa sa halip ng English gaya nuong nakaraan. Hawi ito mula sa mga ulat ni Paz M. Valvez, professor (retired) sa Philippine Normal School, at ni Clemencia Espiritu, PhD, ng Philippine Normal University, sa http://www.ncca.gov.ph/culture&arts. Nawa ay makatulong ito sa iyo. Salamat sa iyong e-mail! [ 5/17/06 - binubuo ko pa ang aklat ng iba’t ibang wika sa p’inas. mahigit 170 kaya magtatagal bago mailagay sa website. malabo rin ang pinagmulan ng mga wika subalit may mga pahiwatig kung paano nahiwalay sa mga katabing wika at naging lubusang ibang wika na ang salita ng iba’t ibang pangkat.] |
6/8/05 Araw ng Kalayaan synopsis
06/12/05
Hindi naman natuloy dahil nuong taon ding iyon, nuong sumunod na Deciembre 1898, binili ng America ang Pilipinas mula sa España sa halagang 20 milyon dolyar. Sinakop ng Amerkano ang Pilipinas sa sumunod na 48 taon kaya hindi nagkatutuo ang pahayag ng kalayaan ni Aguinaldo.
Nuon lamang Julio 4, 1946 naging malaya ang bayan nang pumayag ang America na magsarili na ang Pilipinas at magkaruon ng sariling pamahalaan. Taon-taon mula nuon, Julio 4 ang pinagdiwang na Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.
|
Nuong 1961, nahalal na presidente ng Pilipinas si Diosdado Macapagal, ang ama ng kasalukuyang Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo. Nuong sumunod na taon, 1962, inilipat ni Diosdado Macapagal ang Araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa Junio 12 mula Julio 4, bilang alaala ng nabigong pahayag ni Aguinaldo nuong 1898. Taon-taon mula nuon, Junio 12 na ang pinagdiwang na Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.
May mga Pilipino na umaangal hanggang ngayon sa paglipat ng araw mula Julio 4 dahil hindi naging malaya ang Pilipinas mula nuong nagpahayag si Aguinaldo, kundi nuong 1946 nang binigyan ng America ng kalayaan ang Pilipinas. Sana ay makatulong ito sa iyo. Salamat sa iyong sulat. Mabuhay! |
06/09/05
ano ang kahulugan ng sabihin ng kasaysayan? magbigay ng sampung sagot 06/13/05
Sana ay maka-liwanag ito sa iyo. Salamat sa iyong email! |
|
Balik sa nakaraan Ulitin mula sa itaas Mag-email ng tanong at kuru-kuro Mga Kasaysayan ng Pilipinas Ipagpatuloy sa susunod |