10/06/05

Hello -
I’ve been reading the Philippine history on your website. Do you have the history of the Anting Anting medallions? Where it started, how, etc...
Thank you for your time, and thank you for coming up with a wonderful site.
gayle

EMAIL:  Mga Tanong at Kuro ng mga Bumasa
<== Nakaraan           1   2   3   4   5   6   7   8   9   10   11   12         Susunod ==>

sorry, gayle. there are pieces in Buhay Baranggay and in Leon Kilat, Anting-anting At Aklasan, chapters in PINAS: Munting Kasaysayan Ng Pira-Pirasong Bayan but nothing definitive. charms and amulets were in many ancient cultures all over the world, but no one knows when or where the practice started. sorry again!
ernesto
10/13/2005
Ask ko lang po kung pwede po ba kayong mag-send ng iba pang information, yung mahaba at may picture, ni diego de salcedo. Project lang po namin ito kasi ang hirap din po hanapin sa ibang website eh. may nalalaman po ba kayo tungkol sa kanya? sana po meron dahil malapit na po ang submission nito, sa oct. 17 na po (monday) kailangan na! sige po. aasahan ko po ang inyong sagot!
precious

10/16/05
magandang araw sa iyo! salamat sa iyong liham. wala akong nakuhang picture ni diego de salcedo subalit narito ang mahabang cuento niya. sana’y makatulong ito sa iyo. pagkaraan ng ilang buwan, ilalagay ko ito sa website, sakaling may ibang may kailangan:

Diego de Salcedo,
ika-25 governador general ng Pilipinas,
Septiembre 8, 1663 hanggang Septiembre 28, 1668 nuong panahon ng Español...

...Umabot ng 20 taon bago “nalinis” lahat ng alingasngas ng pagbihag kay Salcedo, pati na ang mga pagdakip at pagpiit sa mga kasangkot, pag-ilit ng mga ari-arian ng mga kumarakot ng kayamanan ng bayan at ni Salcedo, at bilang parusa sa pakipag-sabwatan.

[ ang kabuuan nito ay nasa website na, Ang Kauna-unahang Kudeyta sa Pilipinas.]

10/16/05
ei thank u po tlga ha! ah grabe, akala ko kung anu ano na naman ang ise-send sa akin. eh kasi, dati nagtanong din ako sa iba kung pwede bang sendan nila ako ng mga information about sa mga project ko lalo na dati sa filipino pero kung anu ano po yung mga nakasulat dun di ko maintindihan. akala ko nga po gnun din ang mangyayayri. un pla hndi! UNEXPECTED PO TALAGA! salamat po ha! sna sa susunod matulungan niyo pa ako kung sakaling mahirapan ako sa projects ko! thank u po tlaga! patnubyan po kau ng Diyos! hanggang d2 n lng po!
precious

10/13/2005
sino ang mga kasapi ng la solidaridad?
wenson

10/16/05
magandang araw sa iyo, wenson! ang la solidaridad ay binuo ng mga ilustrados sa barcelona, españa, nuong Dec 13, 1888. tulad at kapangalan ito ng kilusan ng mga liberal at progressivong español na matagal nang itinatag sa madrid ni miguel morayta, professor, diplomat at manalaysay (historian) at kampi sa mga pinoy. katunayan, magkasama ang 2 grupo nag-petition sa ministro ng colonias duon na isali ang mga pilipino sa “cortes,” ang batasan ng pamahalaang españa.

nahalal na presidente ng solidaridad ng mga pilipino si galicano apacible, pinsan ni jose rizal. si rizal na nasa london, england, nuon ay honorary president. si graciano lopez-jaena ang vice-presidente; si mariano ponce ang treasurer.

sa sigasig ni ponce at ng isa pang kasapi, si pablo rianzares, nakapaglabas ang solidaridad ng lingguhang pahayagan sa ganuon ding pangalan mula nuong febrero 15, 1889. si lopez-jaena ang editor. marami sa mga ilustrado ang sumulat para sa pahayagan; panguna si rizal, at si marcelo del pilar, dumating sa barcelona nuong enero 1889. sumulat din sina ponce, antonio luna, jose maria panganiban, pedro paterno, antonio maria regidor, isabelo de los reyes at jose alejandrino.

sumulat din ang mga español na taga-pilipinas tulad nina evaristo aguirre, eduardo de

lete at pedro de govantes, bagaman at ang adhika nila ay tahimik na pag-angat ng mga pinoy, hindi confrontational tulad ng adhika ni del pilar at iba pa. sumulat din sa pahayagan si ferdinand blumentritt, taga-austria na nag-agham sa iba’t ibang lupain at mga tao sa daigdig, at si dr. morayta mismo.

hindi na matunton pa ang ibang kasapi sa solidaridad na nagtagal hanggang 1918 subalit alis-pasok ang mga pinoy sa kilusan, tulad ni rizal na tumiwalag bago bumalik sa pilipinas nuong 1892.

sana’y makatulong ito sa iyo. maraming salamat sa iyong liham!

10/19/2005
sino si Jose Ma. Panganiban?
wenson

10/21/05
magandang araw sa iyo, wenson! paumanhin subalit nabanggit lamang si jose ma. panganiban bilang isa sa mga sumulat para sa pahayagang “la solidaridad” sa pangalang “jomapa” at “jmp” nuong panahong tinawag na “propaganda movement.” maliban sa isinilang siya sa Mambulao, Camarines Norte nuong Febrero 1, 1863 at naging kaibigan ni jose rizal, wala nang natagpuang ulat tungkol sa kanya. mayruong jose villa panganiban, naging director ng surian ng wikang pilipino nuong 1960s subalit hindi siya ang tinukoy mo. sorry, hindi ako nakatulong. salamat sa sulat mo!

10/21/2005
Good afternoon. Im doing a research for my thesis at kailangan ko ng mga pictures with captions ng mga naunang namuno ng pag-aalsa sa Pilipinas. Ive tried browsing dito sa site but unfortunately, wala akong makuha. I would appreciate if u cud help me today. Thank you.
Dang

10/21/05
magandang araw sa iyo, dang! ang mga unang nag-alsa sa pinas ay nasa Mga Unang Aklasan at sa mga susunod na pages. mayroon din sa Mga Aklasan Ng Charismatic Pinoys. ang pinaka-unang pictures ay kina dagohoy, diego at gabriela silang, “hermano pule” apolinario de la cruz, ang 3 paring GOMBURZA, tapos sina rizal, bonifacio, mabini na, atbp. sana’y makatulong ito sa iyo. salamat sa iyong e-mail!

11/10/2005

mam/sir.
pwede po ba kayong magbgay ng halimbawa ng kathambuhay ni Dr. Jose Rizal. MARAMING SALAMAT PO!!!!!!!!!!!!
judith

11/11/05
magandang araw sa iyo, judith! may kapirasong talambuhay ni rizal sa http://www.elaput.com/pinsrzal.htm at sa kasunod na kabanata, http://www.elaput.com/pinsgliw.htm

sana’y makatulong ito sa iyo. salamat sa iyong liham. sumulat ka uli kung sakali.

11/10/2005

Ginoong Laput,
Nabasa ko ang website mo at humanga ako sa galing mo sa pag-iimbak ng kasaysayan na hindi pa alam ng napakaraming Pilipino. Sumulat ako upang magtanong: May impormasyon ka ba tungkol sa Kuta, isang simbahan/kumbento/kuta sa Anilao, Bongabong, Oriental Mindoro? Mukha kasing katiting lang ang mga available na impormasyon tungkol dito. Gusto kong malaman kasi taga-Mindoro ako. Sana’y matulungan mo ako. Maraming Salamat

Sumasaiyo,
James M. Fajarito

11/15/05
magandang araw sa iyo, james! wala akong alam tungkol sa kuta, sa anilao, oriental mindoro, maliban sa itinayo ito ng mga frayleng jesuit nuong mga unang taon ng pagsakop ng español sa pilipinas. paumanhin, at sana’y padalhan mo ako ng anumang naipon mo tungkol sa kuta, o sa anilao at mindoro upang maipahayag sa ibang bumabasa. maraming salamat sa sulat mo. hanggang sa susunod!

11/27/05

i’m very happy na natulungan aq ng site nio sa aking assignment... nd i think,, ito n lng ng mgagawa q para makapag-thank you sa inio... thank you so much

>> napaka useful nd incredible ng site nio... ntulungan tlaga aq ng mga informations nio... nd ndi q maisip kung anong mangyayari sa aking assignment kung wala kau...

>> thank you,, GOOD LUCK... GOD BLESS,, TAKE CARE,, KEEP UP,, nd SANA MARAMI PA KAYONG MATULUNGAN... nd SANA MAS i-IMPROVE NIO UNG SITE NIO with MORE USEFUL nd EDUCATIONAL INFORMATIONS...

THANK YOU
Chiesca

thank you rin, chiesca!

Balik sa nakaraan             Ulitin mula sa itaas             Mag-email ng tanong at kuru-kuro             Mga Kasaysayan ng Pilipinas             Tuloy sa susunod